Garlic's POV Lumipas ang tatlong buwan, pilit ko pa ring itinatago ang unti-unti nang umuumbok kong tiyan. Pinabili ko pa si Atoy ng pampasikip na shorts, 'girdle' daw ang tawag doon para hindi pa masyadong mahalata. Kahit nahihirapan akong gumalaw ay tiniis ko pa rin. Naawa rin ako sa aking baby sa loob ng aking maliit na tiyan. Alam kong pati ang anak ko sa loob ay nahihirapan na rin. Kailangan ko pa ring gawin ito para hindi mahalata ang tunay kong kalagayan. "Anak, tiis muna ha, pasasaan din at malalampasan din ni Mommy Garlic ang lahat ng ito. Wow, 'Mommy'! Bagay din kaya akong tawaging 'Mommy' ni Baby? Ah ewan...kahit na ano ay puwede mong itawag sa akin, Baby. Ang importante ay magiging malusog ka kapag makalabas ka na. Sino kaya ang magiging kamukha mo, si Mommy Garlic o ang Dad

