Chapter 97

2516 Words

Kinusot ko pa ang aking mga mata subalit hindi ako nananaginip, totoong-totoo na talaga na ikakasal na ako pero baka palabas lang 'to sa isang show. Para akong hihimatayin sa sobrang nerbiyos, saya at ewan ko hindi ko maipaliwanag. Lumapit na ang pari sa aming harapan at saka nagsimulang mag-orasyon. "S-Sir, a-ano po ba ang ginagawa natin, shooting ba 'to? B-bakit tayo nakasalang dito sa harap ng altar? Siniko ko si Sir Peanut na nakapikit na ang mga mata habang nakikinig sa sermon ng pari. Hindi siya sumasagot sa akin dahil kumikibo ang kaniyang bibig na tila nagdarasal din. Hala, marunong din bang magdasal ang bugnutin na 'to? Panay din ang lingon ko sa likuran. Baka biglang magbagong anyo na naman ang mga nasa likuran namin at guni-guni ko lang ang lahat. " Sir...Sir Peanut..."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD