Ilang gabing hindi rin ako nakatulog dahil sa ipinakitang pag-uugali sa akin ni Barbara. Hindi na rin ako nag-abalang sabihin ito kay Nanay Sofie dahil ayoko rin namang magdagdag-problema iyon sa kaniya. Ang mahalaga sa akin ay mabait si Nay Sofie at lagi niya akong ginagabayan. "Bakit kaya galit siya na sumasama si Atoy sa akin? Ano kaya problema ng impaktang iyon? Hay bahala ka na nga, Barbara, I mind my own and you own your own. Hay nakaka-istres!" Isang araw habang naglilinis ako ng alley sa itaas, narinig kong parang nag-aaway sina Sir Doglas at Maam Kittie. Napahinto ako tuloy at saka dahan-dahang lumapit malapit sa kanilang kuwarto. "Ganiyan ka naman lagi, Doglas, eh! Akala ko ba nagbago ka na, akala ko ba kinalimutan mo na ang babaeng iyon!" Boses iyon ni Maam Kittie at parang g

