Nabuhayan kami ng loob dahil sa biglaang pagdating ni Sir Doglas ganoon din nina Maam Butter at Senyorito Cheesy. "Dad, mabuti na lang at nakaligtas ka. We are happy to see you again," sabi ni Maam Butter at akma sanang yakapin ang kaniyang Daddy ngunit pinigilan siya nito. "Huwag mo muna akong yakapin, Anak masyado akong madumi at mabaho dahil sa dinalhan nilang bodega sa akin. I can't imagine na si Vanilla ang nagpadukot sa akin and she planned to make me disable. Narinig ko ang usapan nila ng kaniyang mga tauhan na plano nilang dukutin ang mga mata ko para mabulag. Puputulin din nila ang dila ko para hindi na makapagsalita. That crazy woman, I will never forgive her. Pinapunta niya ang kaniyang tatlong tauhan rito sa mansion para kunin ang mga gamit dito sa mansion at balak na nakawan

