Atoy's POV Naghihintay ako sa sasabihin ni Nay Sofie dahil tila may mga ibig sabihin ang mga linya at kunot sa mukha nina Tita Bith at Daddy Doglas. Nahihiya man akong tawagin siyang 'Daddy' pero pinipilit niya talaga kaya, sino ba naman ako para tanggihan siya gayong tanggap naman niyang anak niya ako sa labas. "Dahil ano po, Nay?" muli kong tanong kay Nay Sofie. "Atoy...ang tinatawag mong Tita Bith ay s-siyang tunay mong i-ina. Siya si Rabbit." Malamyos ang boses ni Nay Sofie nang bigkasin niya ang mga katagang iyon ngunit umuulap ang kaniyang mga mata. Nagkatinginan kaming tatlo, sina Tita Bith kasama na si Squirrel. Napayuko naman si Daddy Doglas at tila alam na niya ang sasabihin ni Nay Sofie. "A-ano ba ang sinabi mo, S-Sofie? A-ako ang tunay na ina ni Atoy? P-paano nangyari iyon

