Kinabukasan ay nagising ako sa ingay sa labas. Tila may nagsisigawan at may nagtitilian. Pupungas-pungas ang aking mga mata. Wala na rin ang aking mga kapatid sa aking tabi. Siguradong maaga silang nagising. Agad akong lumabas ng kuwarto. Nadatnan ko rin si Itay na nasa lababo at tila naghuhugas ng kamay at palinga-linga rin ang ulo sa labas ng bahay. "Good morning po, Tay," bati ko sa kaniya. "O, bakit po lumabas na kayo, mabuti na po ba ang pakiramdam mo?" "Okay na ako, Anak. Ang pag-aruga ninyo sa aking magkakapatid ang naging dahilan para muling manumbalik ang aking sigla. Masaya akong nandirito ka kasama ang mga kapatid mo." "Salamat sa Diyos at okay na po talaga kayo, Tay." "Kaya nga, Anak. Maraming salamat at palagi kang nandiyan sa amin ng mga kapatid mo. Nakakahiya na lalo na

