Chapter 15

3204 Words
Winter Pov (Pagbabanta) Ginabi ako sa pag-aayos ng mga halaman sa hardin, dahil hilig ni lola ang magtanim noon ay muli siyang nagbungkal ng lupa at nag-imbak ng kaonting sako sa gilid ng bahay. Maliit lamang ang bakuran sa harapan, sakto lang sa mga halamang namumulaklak na kay ganda sa paningin. May malaking paso sa tabi ng pintuan at doon nakalagi ang pinakamalaking halamang nagustuhan ni lola. ”Bakit hindi ka sumama kay trixie kanina?” nilingon ko si lola ng magtanong ito, tumungo kasi si trixie kanina rito matapos ng ilang oras na pagkaka-alis ni ashong. Nag-alok itong lumabas at pumunta ng mall upang mamili ng ilang damit, ngunit tinanggihan ko ang kanyang paanyaya hindi dahil sa ayaw ko, alam kong nais lamang bumawi sa akin ni trixie dahil na rin nalaman na niya ang totoo. ”Wala lang po ako sa mood mamasyal..” iyon ang sagot ko kay lola bago ako mag-iwas ng tingin, pinagpapawisan pa ako dahil hindi pa ako nakaligo. Idagdag mo pa na sobrang init talaga ng araw kahit bermonths na. ”Subukan mong pakisamahan si trixie, gusto ko rin magmasid ka doon sa lalakeng nanliligaw sa kanya..” Napabuga ako ng hangin. ”Hayaan niyo na po si trixie doon, la..” nakatitig sa akin si lola na biglang naguluhan. ”Wala rin naman akong magagawa kung gusto niya ang lalakeng 'yon, atsaka pa. Ayoko rin makasama siya at makatuluyan nito si trixie..” ”Bakit mo naman nasasabi yan?” "Basta po, la. Mabigat lamang ang dugo ko sa lalakeng 'yon..” tumayo ako bago ayusin ang aking upuan. ”Mauuna na ako sa banyo, la. Kailangan ko ng maligo..” ”O, sge..” Halatang may nais sabihin pa si lola ngunit hindi ko na lamang binigyang pansin, kung ang lalakeng iyon lamang ang pag-uusapan ay mas mabuting mamahinga na lamang ako ng maaga kesa tuluyan na niyang sirain ang buong araw ko. ARAW NG LUNES, mag-isa akong tumungo ng fatima at hindi na inabala pang hintayin si calix. Hindi ko pa rin natanggap ang perang ipapadala sana sakin ni erpats, paano kasi. Nagkaroon ng problema sa flower farm at trucking, hindi na ako nagtanong pa kay erpats kung bakit. Alam ko'ng hindi niya ako nais mag-alala pa dahil ang kagustuhan nito ay mabutihin ko ang aking pag-aaral. ”Winter!” bigla akong natigilan sa paglalakad, nasa gitna ako ng coridor at nilingon ang boses ng babaeng tumawag sa pangalan ko. And it's deborah who running towards on me, she had a wide smile when she stop besides me. Pinangunutan ko siya ng noo habang pahagod na ang mata niya sa aking kabuuan. ”Hindi na kita nakausap noong biyernes, ang ganda mo na pala talaga..” i feel a little bit insulted, hindi ba ako maganda dati? Pangit ba ako noong una kaming nagkita? I gave her a fake smile. ”Mas maganda ka, deborah..” after i told that i glanced at her back, hindi sana ako mapapabuga ng hangin kung hindi ko lang nakita ang malas sa buhay ko. It's ashong again. ”Tara na..” nauna akong tumalikod dahil hindi ko na nais pang maabutan kami ni ashong, hes with giovanni and jacob. Pero dahil naiirita ako rito ay ayoko ng magkrus pa ang landas namin. ”Bakit hindi mo kasabay si calix?” ”Nauna akong pumasok..” i answered deborah without looking, diretso ang aking paningin at may pagmamadali ang paglalakad. Dinig ko ang pagbibitaw niya ng mabibigat na hininga. ”Madalas kayong magkasama, nakita ko kayo noong biyernes na sabay umuwi..” Lumiko kami patungong gusali, hindi ko siya sinagot. Bakit ba niya madalas itanong sa akin si calix? ”Wala ba talaga kayong relasyon ni calix?” i stop with a heavy sigh, kita ang pag-aalinlangan sa kanyang mata bago mag-iwas ng tingin. ”Magkaibigan lamang kami ni calix, hindi ko rin iniisip na magkakagusto sa akin ang kaibigan ko..” She pouted her lips. ”Talaga? Pasensya na, na curious lamang ako sa inyong dalawa.” ”Ayos lang, walang problema. Magkasundo naman tayong dalawa at kung sakaling may mga sikreto ako ay sasabihin ko sayo..” Ngumiti ito. ”Hindi mo naman kailangan gawin iyon..” ”Gagawin ko upang hindi ka na magtanong at mag-isip, at saka. Ikaw pa lang ang naging kaibigan ko rito, hindi problema ang magsabi ng sikreto..” muli akong nagpatuloy sa paglalakad at hinayaan siyang sumunod sa akin, hindi naman na mabigat ang pakiramdam ko kay deborah. Ang ayaw ko lang ay kung bakit nararamdaman kong may gusto siya kay calix. Calix is famous handsome, hindi malayong magkagusto siya sa kaibigan ko lalo na ang taglay niyang ugali ay walang kapantay sa kabaitan. ”Winter Villapania Is our class President..” i let a loud sighed before bite my lower lip, today is voting for class officer. At ako pa ang napunta sa pagiging presidente base sa mga class resitation namin. Hindi naman iyon problema, hindi ako mahina sa mga leksyon dahil na rin madalas akong magbasa. ”And this is our vice president..” the advicer announced the other officer, tahimik ako sa aking upuan habang tinatapik ang ballpen sa desk. Tahimik ang buong klase at wala kahit isang sumalungat sa desisyon ng aming guro. Tila sila'y kumbinsido at sumang-ayon na lamang. Bago matapos ang umagang klase ay binigyan kami ng group project sa darating na huwebes, isa iyong report tungkol sa science plant development. at kami ang first group na magbibigay halimbawa sa darating na huwebes. ”Mabuti na lamang at magkasama tayo sa grupo..” pasimple ko lamang nginitian si deborah habang papasok kami ng cafeteria, lunch break na at halos hindi kami nagkahiwalay simulang umagang nagkasama kami. ”Mas mainam na kagrupo kita, matalino ka..” ”Baka ikaw nga, mahilig ka ba sa mga halaman?” tumango ako, nakangisi. ”Oo naman, kinalakihan ko na ang pagkakahumaling sa mga halaman, lalo na sa bulaklak..” ”Kung ganon, nagkaroon ka na ng sariling hardin?” Tumango lamang ako, hindi lang hardin ang meron kami. May libo-libong ektarya kami ng lupain na may samut-saring tanim na bulaklak. Ang kaso nga lang, ay nagiging matumal ang trucking ngayon dahil sa pabago-bagong klima ng panahon. ”Gusto ko rin magkaroon ng hardin, kahit maliit lang..” ”Simple lang naman, sa susunod sasamahan kita sa inyo..” malaki ang ngiti niya sa sinabi ko, at bago pa kami tuluyang makatungo sa pila ay bigla na lamang akong nabundol sa isang babae. ”Oh my god!” naghisterikal ang babae sa pagkatapon ng kanyang juice, maarte at nakangiwi ang kanyang mukha. Nag-angat siya ng tingin sa akin ngunit nakakapagtaka lamang na madaling napawi ang kanyang iritasyon. ”Winter!” magiliw ang tinig ni samantha, hindi ko maatim na ngumiti. Kahit peke na ngiti ay hindi ko maigawad, hindi ba siya magagalit? Walang magmumura at mag-sskandalo? ”I really want to congratulate you about your performance last friday, you did a great dance..” doon na umusbong ang pekeng ngiting hindi ko inaasahan, hindi ako kumportableng kausap siya, hindi rin ako sanay makipag-plastikan lalo na at naging marahas siya noong unang pagkikita namin. ”Sa darating na enero, kayo ang gaganap na cheer leader ng fatima sa last game ng holy cross..” ”Alam ko..” sagot ko, bahagyang naiilang. ”Hindi ko alam na magpinsan pala kayo ni trixie, she's beautiful. Ngunit maganda ka naman rin pala..” Nag-iwas ako ng tingin at nais matawa, ngunit dahil naglilingunan na ang mga studyante sa amin napag-desisyunan kong ngitian si samantha. ”Pinsang buo ko si trixie, hindi kami gaanong magkasundo ngunit hindi naman kami nagtatalo..” tumango tango si samantha, hindi nawawala ang kanyang ngiti ngunit hindi ko maiwasang maasiwa. ”Mauuna na kami sa pila..” hindi ko na hinintay pa ang kanyang kasagutan, hindi talaga ako kumportable, ayoko sa ugali niya. Ayoko rin sa mga ngiti niyang nagdadala na kaplastikan. ”Magkakilala pala kayo..” I shooked my head when deborah asked, hindi naman talaga kami magkakilala. Siguro ang sapat na i-describe sa aming dalawa ay magka-away noon. Ngunit nakakapanibago lamang talaga pati ang mga tinginan sa akin, hindi na ba talaga ako nagmumukhang dugyot? Naiilang pa ako sa mga atensyong nakukuha ko, wala na ang aking mahabang bangs dahil ang haba na nito, nawala rin bigla yung mga solid pimples ko sa mukha dahil doon sa cleanser na ibinigay ni trixie. Hinubad ko na rin ang salamin ko ngunit nagdadalawang isip pa ako kung isusuot kong muli iyon, hindi ako sanay ng walang suot na salamin. Ayoko rin sa uniform ng fatima. Masyadong maiksi, fitted sa katawan, maalinsangan ang longsleeve. ”Mayayaman ang pamilya nila samantha, kapatid nito si selena na nasa kursong art & science..” nakikinig lamang ako kay deborah habang nakapila kami, ngunit hindi na ako interesado pa. ”Maraming mayayaman na studyante rito, nangunguna ang mga pamilyang salvador, yung kaibigan ni calix, kilala mo?” pinangunutan ko siya ng noo bago umiling. ”Hindi ko siya kilala..” bahagya siyang nangiwi. ”Sila stanlee, kilala kasing nakakatakot ang kanilang angkan, dahil na rin sa droga..” pabulong ang huling salitang isinambit nito, sa totoo lang ay hindi ko alam na may pagka-marites pala siya. ”Si jacob at giovanni ay nabibilang din sa sikat na pamilya maging si philip..” tumango ako dahil ayoko ng makinig pa, sinabi ko rin ang aking order ng marating namin ang counter, sabay pa kaming lumisan habang hindi siya tumitigil sa pagkukwento ng kung ano-ano tungkol sa nalalaman niya. ”Si giovanni ay lolo ang dean dito..” nakuha nito ang interes ko, lolo ni giovanni ang dean? Si dean Martinez? ”Talaga?” ”Hm, mga pamilyang engineering, kaya ganun rin ang kurso ni giovanni, si jacob ay mula sa angkan ng mga monteclaro, bilyonaryo sila..” ”Okay..” nangiwi siya sa sagot ko, ayoko ng makinig pa dahil alam ko na kung sino ang huling ipagmamalaki nito. Si ashong. ”Hindi ka man lang interesado?” ”Marami pa akong iniisip deborah, ayoko ng isiksik pa ang buhay nila sa isip ko..” napapailing siya sa inusal ko, totoong wala akong pakialam. Mayaman nga sila, E ano ngayon? Yayaman din ba ako kung malalaman ko? ”Narito sila, tingnan mo!” sumulyap ako sa tinutukoy niya, nasa gilid nga sila ashong. Kumakain kasama ang kanyang kaibigan, ngunit nakakapag-taka lang kung bakit hindi ko na nakikitang sumasabay sa kanila si shaira. ”Alam mo ba na higit sa misteryoso ang buhay ni miguel, kilala mo?” ”Hindi ko siya kilala, deborah .” nagbaba ako ng tingin, binigyan pansin ko na lamang ang aking pagkain at hindi na inabalang tingnan kung anong reaskyon nitong kaharap ko. ”Hindi ka mahilig alamin ang tungkol sa mga sikat rito?” hindi ako sumagot, required ba na dapat malaman ko kung sino ang pinakamayaman sa fatima. ”Si philip, isang bussiness tycoon ang kanyang ama. Ang ina nito ay isang theater actress, hindi ba sa theatro ka dapat?” nag-angat ako ng tingin, unti-unti niyang napukaw muli ang interes ko sa magulang ni philip. ”Talaga?” ”Hm..” tumango siya bago sumulyap sa gawing pwesto ni philip. ”May mga art Museum sila, mahilig sila sa art at bawat natatapos nilang larawan ay binibigyan nila ito ng kahulugan sa theatro..” ”Kung ganon, mahilig rin sa art si ashong?” Nangunot ang kanyang noo. ”Ashong?” ”Oo, hindi ba ashong ang pangalan niyan, falcon ang kanyang angkan hindi ba?” ”Ashton iyon winter..” ”Ashong..” natawa siya bigla sa pagpilit ko, bago iyon ay muli itong bumaling sa grupo habang naiiling ako. ”Magkakilala naman kayo ni philip hindi ba?” ”Hindi kami magkakilala..” ”Kung ganon, bakit ka nito binigyan ng tarpulin?” Nagkibit balikat ako. ”Itanong mo sa kanya..” ”Ngunit bakit siya nakatingin sa'yo?” pasimple kong binalingan si ashong, sakto nga sa paningin ko na nakatingin siya sakin. Pinagtaasan ko siya ng kilay bago irapan. Anong tinitingin-tingin niya diyan! ”Hala, hindi kaya nagagandahan sayo si philip?” ”Naaasiwa yan, deborah. Saan ka nakakita ng galit ang emosyon na nagagandahan?” Uminom ako sa aking baso at hindi na nilingon pa si ashong, ano pa ba ang kailangan niya? Sinira na nga nito ang lahat maging ang balak kong sumali sa theater, idinawit pa ako sa cheering squad na hindi ko rin inakalang maipapanalo ko. ”Gwapo naman si philip, matangkad, maputi at magaganda ang kanyang mata, madalas na mapula ang labi nito na kung titingnan ay parang natural lang..” Sang-ayon ako sa kanyang sinabi, ngunit hindi iyon basehan upang gustuhin mo ang isang tao. ”Kung magkakagusto siya sa'yo, hindi ka na lugi..” ”Hindi siya ang tipo ko, deborah. Higit na mas lamang ang lalakeng nais kong magkagusto sakin..” tinapos ko ang aking tanghalian habang ang kanya ay nangangalahati pa lang sa plato, uminom muli ako sa baso bago mag-paalam. ”Tutungo muna ako ng library, hihiram lang ako ng libro para sa topic report natin .” ”Hindi mo ako hihintayin?” ”Babalikan kita, mabilis lang ako.” Tumayo ako, hindi ko na hinintay ang kanyang pagtutol dahil hangga ngayon ay naaasiwa ako sa pagtitig ni ashong sa akin, idagdag mo na may bumabating ilang lalake sa akin na hindi ko naman kilala. Nakaka-ilang sa totoo lang. Ngunit ipinagsawalang bahala ko ang lahat, tumungo ako ng library at tinahak ang mga libro tungkol sa science. Agaran akong nakakita ng topic na nais kong idagdag sa report group namin, hindi mahirap sa akin ito lalo na at science ang major ko, ewan ko nga ba at nakahiligan ko talaga ang health and science noon pa man. ”Your choosing science agriculture..” bahagya akong nagulat sa lalakeng nagsalita sa gilid ko, nagulat man ako ngunit hindi ko iyon pinahalata. Nakasandal siya sa gilid ng mga libro habang magkakrus ang kamay sa dibdib. Hindi ko siya pinansin, animoy isa siyang hangin na aking nilampasan ngunit bigla ay hinila niya ang aking braso. ”Kinakausap kita.” Masama ang aking tingin kay ashong ng lingunin ko ito. ”Bitawan mo ako!” ”Bakit kung umakto ka akala mo kung sino ka!” ”Kailangan ba na maging pino ang kilos ko?” nagsalubong ang kilay niya, nakatingin siya sakin na parang iniintindi pa ang aking tinuran. ”Kung ikaw lang din naman ang kaharap ko hindi ko kailangan maging santo!” ”Napaka-yabang mo talaga!” ”Ano pa ba ang kailangan mo, hindi ka pa ba masaya sa lahat ng ginawa mo sakin!” bigla siyang natawa at nag-iwas ng tingin, doon nito pinakawalan ang aking kamay bago magpamewang sa aking harapan. ”Parang pinaparating mo na mas aping-api ka sa ating dalawa?” hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, kung aping-api ang kanyang tinutukoy ay totoong ako iyon, biktima ako sa lahat at siya ang pasimuno ng kamalasan ko. ”Sino ba sa ating dalawa ang naglalamangan ashong, masyado kang papansin..” ”Hindi ako nagpapansin, ang isang tulad mo ay hindi naman dapat pinagtutuunan ng pansin, ngunit dahil patuloy mong kinukuha ang atensyon ko 'y naiinis ako sayo..” Tuluyan ng nagsalubong ang aking kilay. ”Sa paanong paraan ko kinukuha ang atensyon mo?” ”Hindi mo alam?” lumapit siya sakin, hindi gaanong malapit kundi may kaonting distansya. ”Dito tayo nagsimula, dito mo kinuha ang atensyon ko hindi ba?” bigla akong natawa sabay iwas ng tingin, naalala niya pa iyo? Ano bang klaseng utak ang meron siya. Expired na ba ang utak niya o baka naman hindi lang nagfufunction? ”Sa sobrang dami ng ginawa mo sakin ay naalala mo pa iyon?” tiningnan ko ito, kunot ang kanyang noo at kumikibot ang labi nito at nais magsalita. ”Paano ko ba ipapaintindi sayo na hindi ko itensyon na mahulog ang mga librong iyon sayo?” ”Itensyon mo iyon, dahil nais mong pansinin kita!” Natawa akong muli. ”Hindi ko kailangan ng atensyon mula sayo, ashong. Gaano ba kakitid ang utak mo at hangga ngayon hindi mo maintindihan ang aksidente?” pansin ko ang madaling pamumula ng kanyang mukha senyales na hindi nito nagustuhan ang aking sinabi, ngunit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Hindi na kailangan. ”I will never consider that an accident, it's your intentionally wanted, don't you ever deny it!” I sighed defeatedly, it is difficult for someone like him to understand this explanation. Makitid talaga ang utak. ”Bahala ka!” That's all I said, I don't need to talk to such a childish mind. ang hirap niyang kausap, hindi marunong umintindi dahil ang kanya talagang nalalaman ang ipipilit nito. ”Because of you, trixie didn't talk to me for several days, until now!” ”Hindi ko na iyon problema, ashong..” ”But your included, its your fault. Hindi maaaring wala kang gawin rito dahil ikaw mismo ang maglilinis ng pangalan ko sa pinsan mo..” I couldn't stop laughing again, ayoko ng kaharap pa siya. Masisiraan na ako ng ulo dahil sa mga katagang binibitawan niya. ”Nahihibang ka na..” naiiling ako. ”Im not playing with you, winter. Ikaw mismo ang gagawa ng paraan upang magkausap muli kami ni trixie..” ”Bakit ko iyon gagawin, manigas ka man hindi na kita hahayaang mapalapit pa sa pinsan ko, lalo na sa lola ko!” tinalikuran ko siya, ngunit natigilan ako bigla dahil sa kanyang sinabi. ”Baka gusto mong ikalat kong muli itong video natin?” nilingon ko siya, salubong ang kilay habang nanlilisik ang mata. ”O baka naman, nais mong isadya ko na lang ora mismo ito sa mga magulang mo..” Kumuyom ang kamao ko ng makita ang screen ng kanyang cellphone, naroon lamang ang video namin na kung saan niya ako hinalikan bigla, nandidilim ang paningin ko sa galit kaya minadali kong damputin ang kanyang cellphone ngunit naitaas niya ito. ”Susunod ka sakin, sa ayaw at sa gusto mo.” ”Burahin mo iyan, ashong. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa oras na makita iyan ng mga magulang ko.” Tumaas ang kanyang kilay, base sa kanyang ekspresyon ay natutuwa ito sa nangyayari. At sa katotohanang may alas siya sa akin ay hindi ko maiwasang murahin siya ng ilang beses sa aking isip. ”Buburahin ko ito sa oras na tulungan mo ako kay trixie, nais kong sabihin mong walang katotohanan ang lahat, na nagkakamali lamang si calix at hindi tayo totoong nagkaalitan..” Nagtiim bagang ako sa kanyang sinabi, ”At paano ako makakasiguradong buburahin mo nga iyan?” ”Sa oras na kausapin ako ni trixie ibibigay ko sayo mismo ang cellphone ko. ” ngumisi siya bago yumuko at pantayan ang aking tenga upang doon bumulong. ”Hawak kita sa leeg, winter. Once you quit, your dead..” Humiwalay siya matapos sabihin iyon, lumisan siya at wala ni anong kasunod na sinabi pa. Habang ako'y nag-iinit na lamang ang ulo sa panibagong galit na binuo nito sa sistema ko. **** to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD