Winter Villapania Pov.
Alas sais palang ay preparado na ang almusal ni lola, pinagluto ko ito ng lugaw dahil nanakit ang kanyang tiyan kagabi. May sakit na ulcer si lola na madalas ay sumpungin t'wing gabi, nag-aalala ako ngayon at hindi sana gustong pumasok ngunit hindi ako makakaliban.
Ilang araw na ng mag-umpisa ang klase, at sa sobrang dami ng kailangan aralin ay hindi ako maaaring um-absent.
Mula sa taas ay tanaw ko na si lola, makaluma ang bahay kaya halos lumain na rin ang hagdan kung saan binalak niyang bumaba. Nagmamadali akong lumapit dito upang tulungan siya, inalalayan ko ang bawat paghakbang nito hangga sa mai-upo ko ito sa bakanteng upuan.
"Ang aga mo yatang nagluto?” tumango ako kay lola, kumuha ako ng silyo bago iyon lagyan ng makakain niya.
"Kailangan niyo 'pong uminom ng gamot, bawal po muna kayong kumain ng karne ngayong araw..” nilapag ko ang silyong may lamang lugaw, iyon ang paalala ng doctor sa tuwing susumpungin ang kanyang ulcer. Hindi ko alam kung paano sumasakit ang kanyang tiyan, hindi naman ito nalilipasan ng gutom at lagi namang masustansya ang kanyang kinakain.
”Anong oras ang pasok mo ngayong umaga?” umupo ako si tabi ni lola perla bago sagutin ang kanyang katanungan.
”Mamaya pa 'pong alas siete..”
”Nilalakad mo lang ba ito?” tumango ako.
”Opo, la. Malapit lang naman..” sumubo ako sa'king pagkain. Sa mga nagdaang araw ay nilalakad ko lang ang fatima, malapit lang naman dito sa village pagkalabas mo ng highway, kayang kayang lakarin.
"Mayayaman ang mga studyante doon, ang pinsan 'mong si trixie ay doon pumapasok..”
”Nakita ko nga po ito kahapon..” tinutukoy ni lola ay iyong pinsan ko'ng kakalipat lang ng bahay dito, apo siya ni lola. Anak ng kanyang panganay na nasa abroad at doon nagtuturo bilang guro, halos kami ay nais maging guro, hindi nga lang si trixie na kursong architect ang kinuha.
"Nagka-usap ba kayo ng libing?” umiling ako kay lola, hindi naman kami ganoong ka-close ni trixie dahil sa abroad ito nag-aral, ngayon lang umuwi ng mamatay ang aming lolo.
”Inaasikaso ko po kayo ng araw na 'yon, hindi ko po siya napansin..”
”Ayos lang naman kung hindi mo siya kausapin, alam ko'ng matapobre din ito gaya ng aking anak, may pinagmanahan..” hindi na ako umangal kay lola, nais ni tita raquel na kumuha ng makakatulong dito ngunit hindi pumayag si lola, sang-ayon naman ako doon ngunit hindi nito gustong magkaroon ng ibang kasama bukod sa' kin.
MATAPOS naming mag-almusal ay hinabilin ko kay mang celso si lola, siya ang bantay sa kabilang bahay na pinagkakatiwalaan ko. Sa di kalayuan naman ay doon ang bagong bahay ni trixie, ang pinsan ko. Kaming mga apo ay mga unica hija, dalawa ang anak ni lola na siyang mama ko, Si mama elena at tita raquel.
”Wen!” natigilan ako bigla, dinig ko ang boses ni calix sa likuran, nasa village pa ako at hindi nakakalayo sa daan. Nakangiti ito habang nakasilip sa bintana ng kanyang kotse.
"Papasok ka na?” hindi agad ako nakasagot dahil sa paninitig ko sa kanyang mukha, kababata ko itong si calix noong nasa nueva ecija kami. Ngunit dahil naging swerte sila sa negesyo ay tila napalago iyon ng kanyang ama hangga sa pumarito sila sa manila.
Tumango ako, nahihiyang ngumiti at kahit hindi ko tingnan ang sarili ay alam ko'ng namumula ako.
"Isasabay na kita..” lumabas siya ng kotse, umikot ito at agad akong pinagbuksan. Nahihiya man ay pumasok na ako sa loob, tatanggi pa ba ako sa kanyang alok? Ang bango niya pa naman at ang gwapo.
Bigla akong nag-iwas ng tingin sa pagsakay niya, kinagat ko ang labi habang ang paningin ay nasa bintana.
”Put your seatbelt..” bahagya ko itong nilingon, hindi ko siya narinig kaya nagbabaka-sakali akong uulitin niya ang kanyang sinabi. Ngunit hindi, lumapit itong nakangiti bago isuot ang seatbelt sa' kin.
”Your always have a bangs, wen..” natatawa siya ng guluhin nito ang buhok ko, bago iyon ay binuhay niya na ang makina at pinaandar paalis.
Lagi talaga akong may bangs, wala akong lakas ipakita ang aking mukha na may pimples lagi sa noo, kung hindi dalawa ay tatlo, papalit palit sila ng pwesto at hindi ko alam kung kailan nila ako iiwan.
Suot ko rin ang pabilog na salamin, nais ko 'ngang itago ang pagmumukha ko. Mahaba ang buhok at medyo kulot, sa madaling salita ay walang taglay na ganda.
Ipinarada ni calix ang kotse sa parking, nang bumaba ito ay sumunod na rin ako. Wala pa akong uniform dahil hindi pa ako nakakabili, hindi ko alam kung magkano at wala pa akong pera. Hindi pa anihan sa probinsya, at baka matatagalan pa upang magkapera ako.
Kailangan ko'ng magtipid.
”Mauuna na ako sa' yo..” tinanguan ko si calix, iba ang gusaling pupuntahan ko maging siya ay paliko rin. Nag-aaral siya sa kursong BS Criminology, iyon ang gustong gusto niya noong highschool pa kami. At natutuwa akong nasa ikatlong taon na siyang nag-aaral, isang taon na lang ay matutupad na ang kanyang pangarap.
Ang lalakeng matinding hinahangaan ko.
Sa paglalakad ay iniisip ko pa rin ito, kinikilig ako dahil hindi ko akalaing muli kaming magkikita. Umuuwi naman ito noon kada summer, ngunit mabilis na panahon lang ang pagsasama namin, hindi tulad ngayon na halos araw araw ay nakikita ko siya.
Napayuko ako, muling nag-iinit ang pisngi ko habang tinatahak ang pasilyo. Ngunit natigilan rin ng may mabangga akong matigas na pader.
Huminto ako, ngunit nagkakamali akong pader ang nabangga ko. Isang tao iyon na nakapamulsang tamad na nakatingin sa' kin.
"You again..”
Nagmura ako sa isip, ang ganda na sana ng araw ko kung hindi ko lang siya nakita. Nakakainis at hindi ko maiwasang alalahanin ang una naming pagkikita, isang matinding kamalasan ang makasalamuha ko ang lalakeng ito.
”Why are you always crossing my way?” pinangunutan ko siya ng noo, may kasama itong lalake sa likuran na may kayapusang babae. Napamaang ako sa nakikita, PDA lang?
”Bingi ka ba?” umirap ako sa hangin, wala akong panahong makipagtalo sa lalakeng 'to.
Humakbang ako upang magpatuloy sa paglalakad, ngunit bigla niya hinarang ang paa dahilan upang madapa ako.
Padapa akong bumagsak at halos mapapikit ako ng marinig ang crack sa' king salamin. Muli akong nagmura ng ilang ulit bago tumayo.
"Sorry, pipigilan lang sana kita, hindi ko alam na tanga ka pala..” tumatawa ito, nilingon ko siya ng masamang tingin at halos hindi ko ito maaninag sa basag na salamin.
”Sinasamaan mo ako ng tingin? Hindi ka na nga nagsorry noong una nating pagkikita, binangga mo pa ako..”
”Sorry..”
Natigilan siya sa sinabi ko, nauubos ang pasensya ko ngunit kaya ko pa naman mag timpi.
”W-what?”
”Pinatid mo ako, hindi ka ba magso-sorry?” tumawa ang kasama nitong lalake, samantalang siya ay hindi makapaniwalang nakatingin sa' kin.
"Kinakalaban mo ba ako?”
”Hindi..”
"Tama lang na hindi, h'wag ka dapat pumatol sa mga lalake..”
Napailing ako, walang kwenta. ”Pumapatol ako sa mga lalake, ngunit hindi sa mga isip bata..” dalawang beses itong kumurap kurap, hindi makapagsalitang muli habang tinatawanan siya ng kasama.
”S-sinong I-isip bata?”
”That's enough, philip..” hinawakan siya ng lalake, tinapik-tapik sa balikat na natatawa. "She's just a newbie..”
Ngumisi ang lalakeng pumatid sa' kin, kung ganon philip ang pangalan niya. Ano 'yon sigarilyo?
”Bago ka pala?” hindi maganda ang kutob ko sa ngisi niya ngayon, nawala bigla ang naaasar niyang mukha at tila may iniisip itong hindi maganda.
Hindi ko ito inimikan.
”Alam mo ba na mainit ang pag salubong namin sa mga bago. At dahil ako ang una 'mong nakilala sa mga welcomer ay bibigyan kita ng magandang simula..”
Napalunok ako bago siya lumapit sa' kin, ngumisi siyang muli bago magsalita.
”Welcome to the fatima, four eyes..”
Tumalikod na sila matapos sabihin iyon, at ang ikinapagtataka ko pa ay kung bakit si philip na ngayon ang may yakap na babae.
Tsk,
Hindi ko gusto ang ugali niya.
Napabuntong hininga ako bago hubarin ang salamin, nakayuko ko itong tinitingnan. Basag na at hindi na magagamit, kasalanan lahat ito ng lalakeng 'yon.
Sa pagyuko ko ay may napansin akong bagay na nasa sahig, isa iyong ID na hindi ko alam kung kanino.
Kinuha ko iyon at binaligtad, At ang malas ko ng muli ay tumambad sa' kin ang pagmumukha ng lalakeng 'yon.
It's a driver license I.D
He's name is ASHTON PHILIP FALCON
Natawa ako sa pangalan niya, parang ashtray ng sigarilyo. Plus pa na philip ang second name, Tsk.
I got your ID now Ashong.
You break my glasses, then i keep this.
__
Mabilis ang aking paghinga dahil sa pagtakbo mula ibaba hangga sa second floor ng gusali. Ngunit nadismaya lamang ako ng makitang nagsisiyahan pa ang mga kaklase ko sa silid, maingay at nag-uusap. Senyales lang nito na wala pa ang professor upang magturo.
Pumasok ako na naging dahilan ng katahimikan, medyo nailang ako ngunit pinagpatuloy ang paglalakad. Sa gitna ng classroom ay doon ako huminto, natigilan ako ng may makitang kahon sa aking pwesto. Nakapatong iyon sa armchair habang may pulang ribbon sa itaas.
Pinangunutan ako ng noo.
”Mabuti pa si winter, may manliligaw!” nagsitawanan ang mga studyante sa loob, halos babae kami sa kursong edukasyon ngunit ni isa sa kanila ay hindi interesadong makipag-kaibigan sa' kin.
Sino nga naman ang gugustuhing makasama ako.
Ni hindi nga ako marunong mag-ayos, lumaki na ako na walang alam sa pagpapaganda. Pati sa pananamit ay ang jologs ko.
Isang dakilang talunan na itinatago ang mukha sa makapal na buhok.
Hindi ko pinansin ang tawanan nila, lumapit ako sa upuan at sinuri ang kahon. Nakapagtataka lang na may pangalan ako sa itaas, ibig sabihin ay sa akin nga ito. Ngunit sino naman ang magbibigay ng regalo sa'kin? Bukod kasi kay calix at trixie ay wala ng nakakakilala sa isang gaya ko, ngunit ano 'to?
Kinalas ko ang laso, medyo kinakabahan ako ngunit patuloy ako sa pagkilos. Hinawakan ko ang takip at bahagyang binuksan, Ngunit napalukso rin ako ng biglang may lumabas na palaka doon.
Napaupo ako dahil sa takot, sunod sunod na palaka ang lumabas na halos dumapo sa katawan ko. Hindi ko maiwasang mapatili sa nangyari, tumayo ako at nilingon ang mga kaklaseng nagtatawanan.
”Ano yan winter, prinsesa lang ng palaka?” pinagtatawanan parin nila ako, mga isip bata. Mga walang magawa sa buhay, spoiled brat at ubod ng sasama.
Huminga ako ng malalim, isinara ko ang kahon ng mag-alisan ang mga palaka. Bahala na ang mga hayop na iyon kung saan pumunta, higit na ikasisiya ko pa kung mawala sila.
Takot na takot ako sa mga palaka.
Ibinaba ko ang kahon sa gilid, bago ako umalis ay may nakita akong papel na naka-ipit sa gilid. Kinuha ko iyon at halos lukutin ng mabasa ko ang nakasulat.
'Nagustuhan mo ba ang regalo ko?'
Walang nakasulat na pangalan kung sino, ngunit isa lang naman ang gumuguhit sa isip ko. Wala namang ibang gagawa nito kung hindi ang isip batang si ashong.
Anong akala niya? Matatakot na ako sa ganito, ni hindi man lang ako nasindak.
May biglang lumukso sa paa, muli akong napasigaw ngunit sa kamalas-malasan ay saktong dating ng professor na may masamang tingin sa'kin.
”Winter Villapania!”
Napangiwi ako ng magluksuan ang mga palaka sa silid, masama lalo ang tingin ng professor na akala mo'y ako ang may sala sa mga palakang ito.
”Clean your mess before i teach your section!” lumabas ang bading na professor, galit ito ngunit ang mga kaklase ko ay natutuwa. Ang ilan ay nagsilabasan pa at bukod tanging ako lang ang naiwan.
Tsk, edi nice.
Madali lang naman itaboy ang mga palaka.
”Waaahhhh!” napahiyaw akong muli, niluksuan ako ng isa kaya halos sumampa ako sa'king upuan.
Ano 'bang ginawa ko'ng kasalanan sa mga palakang ito, bakit nila ako tinatakot ng ganito?
”Hello, queen frog..” nilingon ko ang nagsalita sa pintuan, mula sa'king kinuupuan ay tanaw ko ang nakangising si ashong.
Sumama lalo ang timpla ko, nagagalit at sobra ang pagkaka-inis sa kanya.
”They like you, very well..”
”Ilan taon ka na?” natigilan siya sa pag ngisi, hindi ako makababa dahil sa dalawang palaka na nasa ilalim.
"Why are you asking?” ngumisi na naman itong muli. ”Are you interested with me?”
”Im not interested in seven years old thinker..”
Pinilit ko'ng bumaba, naglakad ako patungong gilid upang kunin ang walis timbo.
”W-what, S-seven years old!”
Sinulyapan ko siya, tsk. Ang bilis mapikon.
”Im 20 for your information!”
”Talaga?” napangiwi ako. "Hindi halata ha, mukha 'kang supot..” sa totoo lang ay hindi totoo iyon, naiinis lamang ako sa kanya dahil sa kagagawan nito. Nang dahil sa pakulo niyang isip bata ay naalintana ang una naming klase.
Ako pa ang masisisi sa bandang huli.
”H-hey!” pansin ko'ng bigdeal sa kanya ang sinabi ko, lumapit siya sa'kin. Mabilis akong napaatras ng makita ang masama niyang tingin. ”Inaasar mo ba ako?”
”Lumayo ka sa'kin!”
”Tinawag mo akong supot?” natawa ito, hindi makapaniwala. "I think do you want to see my thing, hm?”
Mabilis namilog ang aking mga mata, sa patuloy niyang paglapit ay nanunuyot ang lalamunan ko.
Anong ibig niyang iparating?
***