Chapter 2

2187 Words
Winter Pov. (Headshot) Umaatras ako sa paglapit niya, ngunit hinila niya ang aking kamay upang makalapit sa kanyang distansya. Napalunok ako, langhap ko ang matapang niyang pabango habang nakangisi sa'kin. ”Bitawan mo'ko!” ”Ni minsan walang tumawag ng ganon sa'kin, alam mo ba?” hinawakan niya ang pantalon, hindi ako mapakali habang hawak niya ng mariin ang aking pulsuhan. At bago pa kami dumating sa puntong iyon ay itinulak ko na siya palayo, But he have a power to pull me. Hila niya rin ako na naging sanhi upang bumagsak ako sa kanyang ibabaw. Kasabay ng mga palakang nagluluksuan sa paligid ang siyang pag-echo ng boses mula sa pinto. ”VILLAPANIA!” Nang dahil sa ashong na 'yon ay nag-lagi ako ng halos isang oras sa dean office, bawal ang ginawa naming iyon sa silid. Ngunit wala naman kaming ginagawang masama, aksidente lamang na napunta ako sa kanyang ibabaw dahil sa paghila niya sa'king kamay. Umiinit ang ulo ko sa kanya ng magtagpo kami sa dean office, I'm third year collage. Education, high average pero ng dahil sa lalakeng ito ay tila masisira ang puri ko. ”Bagong lipat ka pa lang dito ay gumagawa ka na ng eksena..” iyon lang naman ang isang salita na ilang ulit ko'ng narinig, hindi ako ang gumawa ng eksena. Hindi ako mahilig gumawa ng eksena dahil tahimik lamang akong tao. Minalas nga lang ng makasalamuha ko ang lalakeng 'to. ”Ashton Philip Falcon, your two weeks suspended..” ”Dean naman!” umapila ang binata, hindi ko alam kung bakit natuwa ako dahil hindi rin lang ako ang mapaparusahan, after all wala naman akong ginawa. Nananahimik lang ako at eto siya ay ginugulo ako, napaka-isip bata. ”And you winter, if you don't want to be like him. Clear all the comfort room and glass wall in the theater!” I sighed for my punishment, hindi na ako umangal dahil mas gugustuhin ko'ng maglinis kesa masuspendi, Ayoko rin naman malaman ni mudra ito, baka bigla niya na lang akong pauwiin sa probinsya, kawawa si lola. At siguradong magwawala si pudra kung sakaling mabalitaan niyang may lalakeng nagbully sa'kin. I consider this is bullying. Binigyan niya ako ng mahigit sampong palaka. Inaano ko ba siya, hindi ko naman intensyong sumalpok lahat ng libro sa kanya noong huling araw pa. ”Anong nangyari?” i was alone on garden when calix came up, balita na kasi ang nangyari. At alam niyo ang chismis, Sumampa daw ako kuno kay ashong dahil crush ko siya. Pasaway na bunganga kung sino man ang nagkalat. ”Si ashong, kasalanan naman niya 'yon!” natural na dipensahan ko ang sarili, totoong kasalanan niya. Nakakairita, nakaka-init ng ulo. ”Kailan pa kayo nagkita ni philip?” ”Last week pa, 'nung first day..” ”And?” hinarap ko siya, nakaupo sa tabi ko habang naghihintay ng sagot. ”Hindi ko naman sinasadyang mahulog ang mga libro noon, malas niya lang na naroon siya sa likuran at sa kanya sumapol..” Bumuntong hining ako, naalala ko na naman ang araw na 'yon. Ang gwapo niya sana kaso lang pang grade five ang isip. ”You need to avoid him, masyadong malako ang lalakeng 'yon..” ”Hindi ko naman inaano ang sigarilyong 'yon, humingi na nga ako ng paumanhin sa nangyari. Ang kaso lang hindi yata makapag-move on!” Umismid pa ako sabay ihip sa'king bangs, mas lalo yatang dumami ang pimples ko na sana'y lima na lang. ”Suspended ka?” "Hindi, ako pa!” ”Paanong hindi, you restrict the rules, wen..” ”Hindi nga, nagkaroon ako ng toka sa banyo at mga glass wall..” muling pagbuntong hininga ang ginawa ko, lunch break na pero nandito pa rin ako. Hindi kumain, walang gana dahil baka makita ko lang doon ang lalakeng sumira ng araw ko. ”Tsk, how can you make your study good if your halfday?” ”Alas kwatro ang labas namin, doon ako maglilinis hanggang alas sais..” Maging siya ay bumuntong hininga, he's too concern friend. Mabait at maaalahanin, mapagbigay kaya halos puso ko ay bumibigay rin sa kanya. I sighed again. Hindi ko lang alam kung may feelings siya sa'kin, I'm 19. And calix is 20 years old. Sa tagal ng panahong magkakilala kami ay ni hindi ko nasabing gusto ko siya. Nakakahiya naman kasing magconfess, ang gwapo niya samantalang ako'y tila inalila ng isang daang kabayo. ”Calix!” someone called him, bumaling ang ulo ko sa lalakeng papalapit sa kinauupuan namin. ”Tara na!” tumayo si calix, nagbaba ako ng tingin dahil sa titig ng lalake sa'kin. ”Sino siya?” ”Wala, stop bothering her..” ”Ow, girlfriend mo?” ”She's my friend, stanlee..” nakanguso ako habang nakayuko, friend lang. Klaro sa pandinig dahil totoo naman. Friend zone. ”Your here pala!” isang tinig muli ng babae ang nagpa-angat ng tingin sa'kin, maputi at mahaba ang buhok. Maiksi nga lang ang skirt ng unipormeng suot niya. ”Ano na naman ba samantha?” tila yamot ang tinawag na stanlee kanina, samantalang itong si calix ay walang pakialam na nililigpit ang dala sa gilid. ”You didn't even told me about your relationship with my sister!” ”Imposibleng hindi mo alam na boyfriend ako ni selena, pero wala na. We're already break..” ”And jacob still avoiding me too, kasalanan mo lahat ng 'to!” hinawi ni stanlee ang kamay ni samantha ng duruin niya ito, si calix naman ay tinapik ang aking balikat bago senyasang umalis. ”Tigilan mo ang kakasisi sa'kin, samantha..” iyon na lang ang huling beses ko'ng narinig bago kami tuluyang makalayo sa kanila. Hindi lang pala ang buong fatima ang magulo, maging ang mga nag-aaral dito ay may sariling gulo din. Nakakapaghinayang lang dahil ang gandang unibersidad. ”Papasok ka pa ba?” tumango ako kay calix, may klase pa kami hanggang mamayang alas kwatro. At bago ako umuwi ay kailangan ko'ng makapaglinis ng ilang banyo at salamin sa kwarto kung hangga saan ang kaya ng oras ko. ”It's general subject..” ”Okay, Sabay tayo mamaya?” umiling ako ng ilang ulit. ”Wag na, storbo pa 'ko sayo. At saka, pakisabi kay trixie na pakitingnan naman si lola..” ngumiti siya sa'kin, tumango rin ito bago guluhin ang buhok ko. ”Sure, pero palitan mo na 'yang salamin mo bukas, may lamat na..” Marahas muli ang aking pagbuntong hininga, hindi ko na isinalaysay pa ang kabuuang nangyari dahil ayos lang din naman sa'kin. Atsaka pa, masyado lang mababaw ang lalakeng iyon upang patulan. Baka umiyak kung mapikon. ”We have short quiz tomorrow..” nag-anunsyo ang prof. sa harapan, mabuti na lang at wala na ang baklang nagagalit sa'kin kanina. Kung pinakinggan niya lang sana eksplenasyon ko ay hindi na sana kami aabot sa dean office. ”Passing score is 40..” Maraming nagreklamo, bukod tangi ko lang yatang walang imik habang dinidinigan ang mga classmate na tumatawad sa passing score. Is over 50, easy lang naman sa'kin kung makakapag-basa ako ng notes mamayang gabi. Ngunit habang nagpapaalam ang proffesor ay naalala ko'ng maglilinis pa pala ako. Hindi naman na maaaring takasan ko iyon, magagalit ang head Janitor sa'kin dahil nasabi na ng isang admin na kasama niya akong maglilinis sa banyo. Napabuntong hininga ako, tapos na ang huling klase at eto ako ay inaayos ang aking mga notebook. Balak ko na sanang tumayo ng lapitan ako ng tatlong babaeng kaklase ko rin. ”Hoy, nerd!” napasinghal ako sa tinawag niya, maka-nerd wagas. ”Masyado ka naman yatang papansin kay philip, kebago-bago mo nakuha mo ang atensyon niya!” Hindi ko sila inimikan, mauubos lang ang lakas ko at mag-aaksaya lamang ako ng laway sa kanila. ”Sa tingin mo ba magugustuhan niya ang gaya mo? Kahit pa na sumpa ka ng ilang ulit sa kanya ay hindi mo siya makukuha sa ganoong moves..” ”Yeah, tama ka. Masyado siyang dirty for papa philip..” "Feelingerang queen frog..” ”Tsk, let's go. Baka ipakulam tayo niyan..” Napabuga ako ng hangin, inayos ko ang salamin habang nakatingin sa maarte nilang lakad palabas. ”Baka ipakulam tayo niyan, mga sira*lo.” umiirap ako habang ginagaya ang kanilang tinig, tsk. Masyadong mababaw ang rason nila para pagsabihan ako ng ganon. Malayong-malayo sa probinsya ang mga studyante dito, mapang-maliit sila base sa physical na kaanyuan ng isang tao. Lalaitin ka nila base sa 'yong pang-labas, ang nais lang nila ay makapanakit ng kapwa nila, mga isip bata. Nataguriang nga naman fatima student pero hindi ka-level ng school na 'to ang ugali nila. ”Ikaw sa limang banyo dito sa gym, ako doon ako sa library. Babalikan kita matapos ng kalahating oras..” tumango ako sa babaeng janitres, lumisan iyan habang may gloves sa kanyang kamay. Habang ako ay dumiretso na sa banyo at doon hinagilap ang gloves sa gilid. Sa totoo lang ay hindi naman ganoon kahirap maglinis, Hindi ako maarte. Sanay ako sa hirap at trabahong bahay. Ngunit ng makitaan ko ang loob ng banyo ay nangiwi ako bigla. Ang dumi, ang daming kalat sa loob na animo'y sinadya, isang kabungkal na lupa ang nasa gitna ng maputing tiles. Napasapo ako sa noo, sinong pasaway naman ang magtatapon ng lupa dito? Kinuha ko ang walis at dustpan sa ilabas, madali ko'ng winalis ang lupa sa loob bago ilabas iyon sa likuran ng gym. ”Ow, it's that the girl i seen this morning..” nilingon ko ang kababaihang lumabas ng gym, may nagpapractice doon at tila kasama nila ang mga babaeng ito. Ngunit sa pagtitig ko sa kanila ay namataan ko si trixie, Pinsan ko. ”Na-report sila ni philip sa dean kanina..” Nangunot ang noo ni trixie, hindi siya lumapit sa'kin. Tila hindi rin nais ipaalam na pinsan niya ako sa mga kasama niya. Ngunit wala akong problema doon, maganda siya kumpara sa'kin. Ayoko rin namang umasang magkaka-close kami. Tumungo ako ng banyong muli ng hindi sila nililingon, I know her attitude. Same sila ni tita na medyo maarte, hindi ko lang alam ang buong ugali ni trixie. Hindi naman kami madalas mag-usap since day one. ”Sarado na yata!” it's a man voice who enter the comfort room, napatayo ako at nilingon iyon habang hawak ang timbang walang laman. ”Oh, your here..” pamilyar siya, si stanlee yata ito na kasama ni calix kanina. ”Tsk, may naglilinis diyan!” pamilyar muli ang tinig, nang sandaling sumilip iyon ay tuluyan ko ng nakita ang asungot ng buhay ko. Ashong. ”Hi, can you clean my shoes too?” hindi ako nagbigay reaskyon, lumakad ito papasok sa loob sabay lapag ng sapatos niya sa sahig. ”Kukunin ko 'yan bukas..” Hindi ko siya kinibo, bagkus umirap ako na hindi ko alam kung nakita niya. Tinalikuran ko siya at tinungo ang gripo upang lagyan ng tubig ang timbang hawak ko. But he still pushing the shoes on me. ”Your janitress, dapat lang na sundin mo ako dahil kung hindi dahil sa'yo hindi sana ako masususpendi..” ”Hey, calix is already warned you..” sumabat si stanlee, ngunit itong asungot na'to ay walang pakialam. ”Lilinisin mo ang sapatos ko o gusto mo'ng makipaglaro?” Napabuntong hininga ako, lumakad akong muli palapit sa kanya at kinuha ang sapatos nito. Tsk, para matapos na ang eksena. Anong linis ba ang gusto niya? ”Pag nalaman 'to ni calix yari ka..” bumubulong si stanlee ng kunin ko ang sapatos, nakakainis lang dahil ang dumi. Rubber shoes ito at tila itinakbo niya pa sa putikan para lamang magka-ganito. ”I'm suspended for two weeks, malalaman ito ni daddy at kasalanan mo lahat ng 'to..” Pinagtaasan ko siya ng kilay. ”Saang punto ang kasalanan ko, ashong?” ”HAHAHAHHA!” stanlee laugh hard, umeecho ang boses niya sa kabuuan ng banyo. Habang itong si ashong ay tila kay daling pamulhan ng mukha dahil sa inis. ”What did you called me?” ”Lumayas ka sa harapan ko, kung may dapat lang na sisihin dito ay ikaw 'yon!” Nagtitimpi siya sa galit, pansin ko 'yan. Madali siyang mapikon pag sinasagot mo. Animoy spoiled brat na pag hindi nakuha ang nais ay magrerebelde. ”Lilinisin ko ang sapatos mo gaya ng utos mo, matapos 'non patas na tayo..” ”Ang tapang mo para sagutin ako, pero may punto ka. Dapat lang na h'wag ng magkrus ang landas natin dahil naiinis ako sa mukha mo..” Tumalikod siya, ang bilis magpasya habang natatawa pa rin ang kaibigan nito. Umiling ako dahil sa ugali niya, akma akong tutungo sa pinto upang sana'y isara iyon ngunit sa kasamaang palad ay naapakan ko ang brush na nakakalat sa sahig. Ang dulot ng pagka-dulas ko ay siyang pagtalsik ng hawak ko'ng sapatos. Madali akong nakahawak sa sink dahilan upang hindi ako matumba. Ngunit ang isang pares ng sapatos ay lumipad doon mismo sa likurang ulo ni ashong. Headshot ang asungot. **** to be continued.. Oh, Are you ready for bardagulan moments of ashong and Queen frog?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD