Chapter 4

3082 Words
Winter Pov. (You like me) Nanunuot ang lutong sinabawang manok sa aking pang-amoy, nilalanghap ko iyon habang unti-unting naluluto. Ipinagluto ko ng tinola si lola dahil nais niyang magbago ang kanyang panlasa. Mahigit ilang araw na rin siyang hindi kumakain ng karne, at ngayong araw ay ipinaghain ko siya ng kanyang gustong pagkain. Nagsalin ako sa hindi kalakihang silyo, inilapag ko iyon sa gitnang mesa habang nakahanda na ang kanin ni lola sa kanyang plato. Ngumiti siya sa'kin ng lagyan ko ng sabaw ang kanyang pagkain. ”Katulad ng iyong ina, bihasa ka talaga sa pagluluto..” malaki ang aking ngiti sa papuri ni lola. ”Hindi naman po mahirap pag-aralan ang bawat rekados at paghahain, simple lang..” Ini-usog ko iyon sa kanyang tapat matapos malagyan ang kanyang plato, pinapanuod ko siyang tikman iyon hangga sa tumango-tango siya. ”Kumain ka na, may pasok ka pa di'ba?” bumuntong hininga ako bago tumango, naupo ako sa kanyang gilid at doon nilagyan ang bakanteng plato ng kanin. ”Opo, baka gagabihin uli ako gaya kahapon..” ”Ayos lang, basta mag-aral ka ng mabuti..” tumango ako kay lola, kagabi ay naabutan ko si trixie dito. Mabuti na lamang at may nag-asikaso kay lola habang wala ako, pero hindi ko talaga mawaglit sa isip ang nangyari habang pauwi ko. Hangga ngayon ay nagsisitayuan pa rin ang buhok ko sa katawan dahil sa ginawa niyang iyon. Manyakis na ashong! ”Masarap 'kang magluto, hindi gaya ni trixie na walang lasa ang inihain kagabi..” bahagya akong natawa kay lola. ”Sana'y po iyon sa buhay abroad lola, H'wag na po kayong magtaka..” "Ang sabihin mo, sinanay siya ni raquel sa marangyang buhay, hindi gaya ni elena na 'yong ina ay iminulat ka nito sa kabuhayang simple lamang..” Napanguso ako, hindi sa nahihirapan kami sa probinsya. Sagana ang flower farm doon kung minsan. Ngunit hindi iyon ang dahilan upang umasta kaming mayaman, hindi iyon ang itinuro sa akin ni mama at papa. ”Mabait naman po si trixie, lola..” iyon na lang ang siyang isinagot ko, ngunit sa totoo lang ay hindi ko mahulaan kung anong ugaling meron si trixie. Noong bata kami ay hindi kami madalas mag-usap, bihasa kasi ito sa ingles noon dahil nakapag-asawa ng taga-ibang bansa si tita raquel, hangga sa dumating ang araw na doon na lamang mag-aral si trixie. ”Lola perla?” kapwa kami ni lola na gumawi ang paningin sa pintuan, may tumatawag sa labas at base sa tinig nito ay nakukuha ko ng kung sino iyon. Tumayo ako, binuksan ko ang pinto at doon nga'y bumungad ang babaeng pinag-uusapan pa lang namin ngayon. Ipinaglapat nito ang labi ng makita ako, hindi ngumiti bagkus ay tumaliwas ang paningin nito sa aking likuran. ”Where's lola?” ”Nasa loob, pasok ka..” binuksan ko ang pinto sa maalwalas na espasyo, nauna akong tumalikod habang ramdam ko ang yapak ng kanyang sapatos sa aking likuran. ”Goodmorning, lola. I brought your favorite fruits..” sumandal ako sa gilid ng hagdan, tinatanaw ko ang dala niyang brown paper bag na naglalaman kuno ng mga paboritong prutas ni lola. ”Nag-abala ka pa, salamat..” ”If you have something just tell me, la. I will buy it for you..” "Naku, ayos lang. Alam naman na ni winter ang mga nais ko'ng kainin araw-araw..” bahagyang natigilan si trixie, nais ko'ng sumabat ngunit ng tumayo ng tuwid ang aking pinsan ay hindi na ako naka-imik. ”But you're not ready to eat meat, lola. Bawal po iyon sa inyo..” ”Hindi na, ipinaalam ni winter sa doctor kung maaari na ba akong kumain, binigyan na ako ng pahintulot..” tumango-tango si trixie, unipormado siya sa kasuotang fatima. Maganda ang uniform at bagay-bagay na iyon sa kanya. Samantalang ako ay hindi pa makakabili dahil sa susunod na buwan pa kikita ang flower farm. ”Sige po, papasok na ako..” tumango lamang din si lola, hindi ko batid ko'ng bakit tila kay bigat ng loob ni lola kay trixie, maamo ang kanyang mukha, halatang mabait naman ngunit sa kanyang kilos ay may kaartehan. Huminto siya sa aking harapan, na-conscious pa ako bigla sa aking mukha dahil wala ni ano akong ayos. Maging ang aking salamin ay wala, lalo na ang bangs ko na inipitan ko upang hindi sagabal sa aking pagluluto. Ngumiti siya sa'kin, iyon ang ikinagulat ko na halos mapapatitig ako sa kanyang mukha. ”You look good without glasses, sis..” Hindi ko maatim ang hindi mangiti, this is the first time she called me in that way. Ang buong akala ko kasi ay napapangitan siya sa'kin o di kaya naman ang pinandidirihan niya ako dahil sa aking kaanyuan. ”Much better if you won't wear glasses..” Tumango ako. ”H-hindi kasi ako sanay..” ”Sinanay mo kasi ang sarili mo sa salaming iyon..” hindi ako nakasagot, sa sobrang ganda niya ay hindi ako makapaniwalang pinsan ko siyang talaga. “By the way, You know the student of BSBA, Philip?” ”Philip?” ”Yes, I heard the news about you and philip, may ginagawa ba siyang masama sa'yo?” ”A-ah, eh--” ”Philip is courting me, and i want to know his attitude, tell me if his hurting you..” natulala akong muli, nililigawan siya ng manyakis na 'yon? Paano kaya kung siraan ko siya sa pinsan ko at ng ma-busted siya. Tsk. Pero hindi naman niya ako sinasaktan, halos ako pa nga yata ang nananakit sa lalakeng 'yon. Umiling ako. ”H-hindi, hindi niya ako sinasaktan..” sinabi ko ang totoo, hindi naman kami nagsasakitan. Sa totoo lang ay tila nagkaka-pikunan lamang kami dahil sa mga bagay-bagay na hindi sadyang nangyayari. ”Okay, it's that a relief..” ngumiti siya. ”It's nice to have a talk with you, maybe can we do it this again..” ”H-hehehe..” para akong timang na nangingiti, sa itsura ko ay walang mapangngahas na makipag-kaibigan sa'kin. May ilan naman pumapansin sa akin sa probinsya, ngunit mas dikit ako sa kababata ko'ng si calix. Nang umagang iyon ay kay gaan ng aking pakiramdam, nilalakad ko lamang ang kalsada patungong fatima dahil hindi na kailangan sumakay ng tricycle or taxi, ngunit iyong pinsan ko ay tila sumasakay pa ng taxi. Mayaman naman, may pera. Pero ako, Need ko'ng magtipid. Pagtapak sa loob ng fatima ay limpak na ang ilang studyanteng pumapansin sa'kin, alam ko namang hindi ako gaanong maayos sa sarili. Siguro nga'y hindi ko inatupag pangalagaan ang mukha ko, maging ang mga bumili ng fashion clothes ay hindi ko binibigyang pansin. Sapat na lamang ako sa simpleng blouse or t-shirt, minsan ay mahabang palda ang suot ko at flatshoes. Mabibilang lang din ang pantalon ko dahil iyon lang ang gamit ko'ng pang-alis kung sakaling may lakad man ako. ”Ang malas ng araw ko..” sa likod ko'y may bumubulong na tinig, tila'y kabisado ko iyon sa ilang beses na naming paghaharap, hindi ko siya nilingon. Wala akong oras masira ang magandang araw ko. ”Akala mo kung sino, hindi naman kagandahan..” Nagtitimpi akong hindi siya pansinin, sa mga studyanteng nakakasalubong ko'y napapatingin sa'min. Hindi pala, sa likuran ko lang malamang. Kahit may pagka-isip bata ang lalakeng 'to ay hindi ko itatangging alagad siya ng likha ni lord. Gwapo, maputi, matangkad at mapula ang labi. Natigilan ako, bakit ko nalamang mapula ang labi niya? "Sh*t!” may nagmura sa aking likuran, hindi ko alam na bubungguin niya talaga ako kung pwedi namang iwasan. ”Bakit ba huminto ka!” kurap lang ang aking isinagot sa yamot niyang mukha, at nais ko mang mainis ay gumuguhit ang bahagyang ngisi sa'kin. May band-aid siya sa kanyang ilong. ”You already mess my day, four eyes. Kung hindi mo sana ako sinuntok kagabi, wala ako nito.” tumaas ang kilay ko, medyo namamangha sa kanyang sinabi na akala mo'y nilamangan ko siya. ”Hindi iyan sana ang mapapala mo kung hindi mo ako binastos..” ”Kabastos bastos ka ba? Hindi ko itensyong hawakan 'yang ano m-mo..” nauutal siya, maging ako ay hindi kumportable dahil sa pinag-uusapan naming ito, pero hindi na dapat siya patulan. ”Hoy!” hindi ko na iyan pinansin ng talikuran ko siya, ano na naman ba ang kailangan niya? ”Kinakausap pa kita!” hindi ko siya binalingan, patuloy ako sa paglalakad hangga sa daklutin nito ang bag ko. ”Ano ba!” masama ang aking tingin dahil sa ginawa niya, dahil shoulderbag iyon at walang zipper ay nahulog lahat ng laman nito. ”Kung wala 'kang magawa sa buhay mo tigilan mo ako!” ”Kailangan 'mong humingi ng dispensa sa ginawa mo, At kailangan mo rin sabihin sa daddy ko na wala akong ginawang masama sa'yo!” Natawa ako, nang-aasar habang naiiling. ”At talagang nais mong linisin ang kalokohan mo?” ”Darating si daddy dito upang maki-usap sa dean, sa ayaw at sa gusto mo ay paniguradong naroon ka!” Napapikit ako, napabuga ng hangin dahil sa sinabi niya. Tama siya, malamang tatawagin ako kung makiki-usap sila. Pero tang*na lang kasi! Umupo ako upang pulutin ang mga notebook na nahulog, maging ang ballpen at calculator ay lumipad kung saan. Ngunit sa isang bagay lang talaga ako nawindang. Nag-angat ako ng tingin kay ashong kung nakikita niya ba ang bagay na 'yon, tumalsik iyon sa paanan niya at tila'y hindi namalayan, lumunok ako. Tumayo ako matapos mapulot lahat ng gamit. ”Sige, pupunta ako sa dean Office mamaya..” lumapit ako sa kanya, nakaka-inis lang dahil kailangan ko'ng gawin ito. Pasimpleng ko'ng inapakan ang lisensya niyang tumalsik, hindi ko alam na nasa bag ko iyon hangga ngayon. At siguradong malalagot na naman ako sa oras na makita niya ang license na'to. ”What are you doing?” nagtataka siya, nasa gilid kasi ako nito at magkadikit ang paa, pilit inaapakan ang lisensya niyang tumilapon kanina. "W-wala, umalis ka na..” Tumaas ang kanyang kilay, bago iyon ay bumaba ang tingin niya sa sapatos ko'ng magkadikit. ”Anong nangyayari sa'yo?” malapit na siyang matawa, para akong tanga na halos diretso ang katawan, ngunit hindi niya ito maaaring makita, susumpungin 'yan. ”Ang weird mo!” tuluyan na 'yang natawa, umupo siya sa paanan ko at pilit itinataas ang paa ko. ”Ano ba 'to?” ”Umalis ka diyan!” ”Why don't you show this things to me!” ”Sisipain kita!” ”Sh*t, this is an I.D!” nai-angat niya ang aking isang paa, oo at malamang makikita niyang I.D iyon ngunit nakatalikod kasi ang litrato niya. ”Ano 'to, itsura mo ba noon?” ”Tigilan mo 'yan!” balak ko ng kunin iyon ngunit mabilis ang kanyang kamay at siya ang nauna, ang nangyari ay napaupo na lang ako sa sahig habang hawak na nito ang I.D niya. ”This is f*cking mine!” And I'm paking-ded! __ ”Bakit iyan lang ang kinain mo?” nagtataka si calix dahil sa in-order ko, wala akong ganang kumain dahil sa nangyari kaninang umaga. Idagdag mo pa na hindi ako tinanggap sa unang klase dahil sa nahuli ako. At dahil iyon kay ashong. Malamang galit siya, naiinis rin ako kung bakit nakalimutan ko ang I.D na 'yon. Dapat pala'y itinapon ko na lang 'yon sa malayo. Nakaka-inis! ”Busog pa ako..” iyon lang ang isinagot ko, hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong araw. Galit na naman ang lalakeng 'yon, malamang ay gagawa siya ng kabalastugan para lamang makaganti sa'kin. ”Ginugulo ka pa rin ba ni philip?” nag-angat ako ng tingin kay calix, hindi ko na kailangan sabihin pa ang nangyari. Maliit lang na bagay ito upang isumbong ko pa sa kanya. ”Hindi na..” ”Mabuti naman, sabihin mo lang kung ginugulo ka pa 'non!” tumango ako, bahagyang nakangiti kahit medyo ilang sa tinginan ng mga studyante dito. Sino ba naman ang hindi pagbubulungan kung ang katulad ko'ng babae ay may kasabay na gwapo. ”First week of july na, saang club ka sasali?” ”Huh, kailangan pa ba iyon dito?” ”Yes, every september we're celebrating the fatima day. Dapat lang na may mapili ka na ngayon kesa ang magtayo ng booth..” Napanguso ako. ”Baka sa theater na lang, o kaya sa singing..” ”Wow, pwedi 'yan. Maganda naman ang boses ng wen ko..” Natulala na lamang ako sa kanyang gwapong mukha, 'wen ko'. He always say that, pero hindi lang ako sanay at hindi ready sa banat niya, kinikilig ang mga hormones ko sa katawan, ultimong t***k ng pulsuhan ko ay nararamdaman ko. Ngunit sa gilid ng kanyang mukha ay lumusot ang titig ko, mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko ang pagpasok ni ashong. Sa entrance ay tila nakabalandra ang pwesto namin dahil madaling tumama ang paningin niya sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin, galit 'yan sakin dahil salubong ang kanyang kilay. ”Dito na lang tayo maupo..” dinig ko ang boses ni ashong, huminto siya dahilan upang huminto rin ang tatlo niyang kasama. ”Doon tayo..” the tall guy commented, lahat sila ay matangkad. Hindi ako aware na may artistahing lalake dito. Well, marami naman. Kahit itong mga barkada ni calix ay tila artistahin din ang dating. ”Libre ko, dito tayo..” ”Oh, libre daw jacob. Let's sit here, mamaya mo na lang asikasuhin 'yung entrance ni lady mask..” pamilyar ang nagsalitang iyon, siya ang madalas na kasama ni ashong na may laging kaakbayang babae. Giovanni ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali. ”I need to get the entrance exam for her..” si jacob iyon, base sa pangalang narinig ko kanina. ”I want to surprise her..” ”Sus, kahit sa pera mo maipapasok mo siya dito!” maingay ang mesa nila, tila sila'y leader sa unibersidad na ito dahil may ilang studyanteng kinukuhanan sila ng litrato. Pero natigilan ako sa pakikinig ng sa mata ni ashong tumama ang paningin ko, Nakataas ang kanyang kilay habang medyo naka-kurba ang labi. Itsura pa lang ay may kalokohan na itong naiisip. "Nawawala na ang mga pimples mo, huh?” lumipad ang paningin ko kay calix, nakatitig siya sa mukha ko ngayon kahit pa na nakatabon na naman ang bangs at salamin sa mukha ko. ”T-talaga? Hindi pa kasi ako tumitingin sa salamin..” ”Kung ganon may salamin pala kayo?” medyo nang-aasar ang tono niya, umismid ako. ”Iisa na lang ang meron ka, siguro'y iisa na lang ang crush mo hm?” nangingiti ako habang umiiling, iisa lang naman talaga ang crush ko. At walang iba kung hindi ikaw. Pero dahil ganito ang itsura ko at hindi yata afford ng confident ko'ng umamin, ay wag na lang. Nakakahiya. ”May crush talaga ako, at isa lang..” iyon na lang ang isinagot ko, pero natigilan kami dahil may tao palang nasa gilid ng mesa. Nang tingnan ko iyon ay si asungot na naman ang narito. "Anong kailangan mo?” si calix ang siyang nagtanong, ngunit ang paningin ni ashong ay nasa'kin. ”Mamayang alas tres, sa dean office dapat naroon ka na..” nais ko'ng umirap at mangiwi, ngunit dahil sa kaisipang galit 'yan ay hindi ko magagawa. Lalo na't tinakasan ko lang 'yan kanina upang maiwasan ang kanyang pagtatanong. "Alam ko..” medyo mahinahon ako, umalis yan ng walang sinasabi. Muli siyang nakisama sa mga ka-grupo nito na may iba't-ibang mundo na. PASADO ala una ng matapos ang lunch break, nauna si calix na tumalikod dahil iibang landas ng gusali ang tatahakin namin. Sa pasilyo na halos iilang studyante na lang ang naglalakad ay doon ako dumaan, patungo ako sa klase namin ngayon habang may ilang studyanteng nakakasabay. Nadaraan ko ang engineering department bago mapadaan sa BSBA room. Bukas ang kanilang silid at bintana, mga lalake at babae ang naroon na tila'y seryoso ng nakikinig sa kanilang professor. Ngunit wala dito si ashong. ”Are you looking for me?” hindi agad ako nakasagot, madali akong lumingon sa gawi niya bago magpatuloy sa paglalakad. ”Napadaan lang ako dito.” "Talaga? At napasilip?” Hinarangan niya ang daraanan ko, isinandal nito ang palad sa pader at ang kamay nito'y nasa aking bandang leeg nakaharap. ”Tell me, Why are you keep my license?” hindi ko ipinahalata ang tensyon sa akin, alam ko'ng naasar iyan ngunit nagtataka ako kung bakit mahinahon ang kanyang tinig. ”N-nakita ko lang 'yon..” ”Then?” ”At itinabi! Hindi ko tinago dahil sa intensyon ko, pasalamat ka pa at napulot ko..” umismid na ako. ”Tsk, I knew it. Alam ko na ang dahilan kung bakit mo kinuha ang atensyon ko..” Tumaas ang kilay ko. ”You like me, tsk.” umiiling 'yan, ang kapal ng mukha. ”Ang sabi mo kay calix ay nag-iisa lang ang hinahangan mo, at ako 'yon hindi ba?” ”Sige, mangarap ka lang..” natawa ako. ”Aminin mo, four eyes. Dahil sasabihin ko sa'yo na hindi gaya mo ang tipo ko, nakuha mo pang itago ang I.D ko para pag-pantasyahan?” Napasinghal akong natawa, medyo dumistansya ako dahil hindi ko na keri ang lakas ng hangin na meron siya. ”Hindi rin naman gaya mo ang tipo ko ashong, at kung iniisip 'mong may gusto ako sa'yo, nagkakamali ka..” Pinagkrus nito ang kamay sa kanyang dibdib, bahagyang nakangisi. ”Alam ko'ng hindi ka naman aamin, pero kung nais mo ng litrato ko, h'wag kang mag-alala. Magpapagawa ako ng tarpulin para ilagay mo sa kwarto mo..” Sa isip na lang ako nagmumura, saan niya napupulot ang mga katagang ito? Nakakasuka. ”Okay, marami din namang daga sa kwarto ko, ang nais ko sana'y lakihan mo para sa entrada pa lang ng pinto, takot na ang mga dagang pumasok..” Kunot na ang noo niya, ang kaninang ngising nasa kanyang labi ay nawala. Ang bilis talagang mapikon. ”Hindi ko pa rin palalagpasin ang ginawa mo, nabawi ang kotse ko at nagkaroon ako ng ticket dahil sa wala akong lisensya, may atraso ka pa rin sa'kin ngunit hindi muna sa ngayon ako mangungulekta ng kapalit..” Nangunot ang noo ko. ”You mess with the wrong person, four eyes..” **** to be continued... Yung mga request scene na na-add sa comment doon sa post ko, isasama ko iyon. Abang lang kayo sa bawat chapters. ❤️ Paano nga ba sila mahuhulog sa isa't isa? ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD