bc

My Kuya's Assistant [Tagalog]

book_age0+
44.8K
FOLLOW
255.8K
READ
possessive
opposites attract
second chance
kickass heroine
boss
drama
comedy
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Jennica almost got everything a girl could wish for. Beauty, brains talent and fortune. She's a happy-go-lucky girl, at imposibleng walang lalaking makapansin sa kanya.

Well, except siguro sa right hand ng Kuya Jeric niyang si Thomas. So she was thinking, i-seduce kaya niya ito?

chap-preview
Free preview
I.
My Kuya's Assistant Chapter One Of all the guys I've met, siya ang pinakakaiba. Don't get me wrong, hindi siya kasing gwapo ng Kuya ko but he is handsome in his own way. Hindi rin siya palangiti, hindi palakwento, ni hindi nga halos kumikibo. Mabait siya? Hindi din. Snob nga,eh. Lahat ng pagpapa-cute na ginagawa ko lagi niyang dini-deadma. Minsan nga naisip ko baka kailangan na niyang palitan ang salamin niya kasi parang hindi niya makita ang kumakaway kong--ehem, kagandahan. O di naman kaya bakla lang talaga siyang nagkukubli. Siguro nga bakla siya kasi para sa akin hindi siya normal. Like hello, marami ang nagsasabi na nasa akin na ang lahat. Marami akong manliligaw na bigtime kaya lang wala naman akong feel sagutin sa kanila. Kasi naman pare-pareho lang naman sila. Nakakatawa lang kasi umabot ng taon ang pagpapa-cute ko sa kanya pero lagi naman akong bigo. Nagpunta na 'ko ng Italy, nanatili nang matagal, nagpursue ng career, gumawa ng pangalan, bumalik ng Pilipinas, nagbakasyon sandali, makikita ko siya, mari-realize ko na na-miss ko siya nang sobra pero siya, parang tulad lang ng kahapon. Deadma. Nakakapikon siya, ha. Grabe! At ako naman 'tong si engot, hindi man lang nagsasawa. Siya pa rin kahit marami naman diyang iba. Inuubos ba niya ang pasensiya ko? Palay na nga 'tong lumalapit siya pa 'tong may ayaw? Aba, kapag ako napikon pasensiyahan na lang kami dahil gagamitan ko na talaga siya ng dahas! Sino ang tinutukoy ko? Si Mang Tomas. My Kuya's Assistant. *** Oops. Napatigil ako sa paglangoy nang may mahagip akong hindi familiar na tao na pumasok sa gate ng mansiyon namin. He wore a fine coat and glasses. Mysterious ang dating niya. Napakaseryoso ng mukha. Malamang si Kuya ang sadya niya. Sino kaya siya? Natagpuan ko ang sarili ko na umaahon sa pool at humakbang palapit sa estranghero without bothering to cover myself with a towel. Since I'm swimming naman, nagsuot lang ako ng red bikini. "Hello," I greeted sweetly at pinagkrus ang mga braso ko. Sa tingin ko naman hindi nalalayo ang edad nila ni Kuya. Mga twenty- something? "H-hi." I forced myself not to laugh. He stammered! Oh, I've never seen a guy stammered in front of me. "Who are you? And why are you here?" "His name is Thomas and he is my new assistant." Pareho kaming napatingin kay Kuya na lumabas ng bahay. Nagtatrabaho na siya sa company since he graduated three years ago. Ako naman, third year na sa kursong Business Management at nineteen. Kami lang ni Kuya ang magkapatid at matanda siya sa'kin ng limang taon. "Good morning, Sir Jeric," pormal na bati ni Thomas. "Good morning, Thomas. This is my sister Jennica, by the way." "Hi, Thomas.” "Hello, Miss Jennica.” Psh. Ang pormal naman niya. "Next time, wag kang haharap sa bisita nang nakaganyan, okay?" sabi pa sa'kin ni Kuya. "You mean wag akong mag-bikini kapag nagsu-swimming?" "That's not what I meant. Aalis na kami. You go and dress up.” "Mamaya na. Bye, Kuya," I kissed him on the cheek. "See you, Jen.” "Bye, Thomas. Hope to see you again," I said sweetly. Tumango lang siya at tipid na ngumiti. Tss. May maniningil ba bigla sa kanya kung lalaparan pa niya ang ngiti niya? Mukha pa naman siyang may itsura. Pinanood ko silang humakbang papuntang gate. Thomas. Lumingon siya pero nang makita niya 'kong nakatingin ay agad siyang nagbawi ng tingin. Oh. Mabilis akong tumalikod at napahagikhik. Kinikilig ba 'ko? *** "Kuya!" Sumugod ako sa office ni Kuya pero hindi ko siya nadatnan sa desk niya. Nakita ko si Thomas na napatayo sa desk naman niya kaya hindi naman ako nadismaya. "Miss Jennica," pormal niyang sabi. "Hi, Thomas! Where's my brother?" "Nasa board meeting pa siya,eh. Mamaya pa siya matatapos.” "Oh.” Lihim akong natuwa. Mamaya pa daw matatapos si Kuya so kailangang mag-isip ako ng excuse para makasama ko siya nang matagal. Ano pa, edi para magpa-cute. Wahihi. "Maupo po muna kayo.” "Bakit may 'po'? Like mas matanda ka kaya kaysa sa'kin.” Naupo ako sa couch at inilapag ang school bag ko. Sa university pa kasi ako nanggaling at dito agad ako dumiretso. "Anything I can offer you?" tanong pa niya. "Speaking of offer, can I ask you a favor?" "Sure.” "Ikaw na lang ang tumulong sa'kin imbes na si Kuya. You see, I'm having a hard time with my Trigo. Yong prof kasi namin ang labo magturo," sabi kong naka-pout. Lumapit siya at naupo sa tabi ko. Pag-upo pa lang niya nalanghap ko agad ang perfume niya. Nakakaakit naman. Ang sarap sa ilong. Ano kaya ang pakiramdam makulong sa mga bisig niya? I giggled in my mind. "Let me see.” Kinuha ko naman ang binder ko at ipinakita sa kanya ang homework ko. "Proving," sabi niyang napa-adjust sa salamin niya. I think that's cute of him. "Yeah," sagot ko na sa mukha niya nakatingin. "Hindi naman mahirap 'to,eh. Can I have your pen?" "Sure," pasimple kung kinapa ang ballpen sa bag ko habang hindi inaalis ang tingin sa kanya."Here.” "Thanks.” Despite his formality, I still find his voice sexy. This is weird for me. "Ganu'n lang siya kasimple basta babasehan mo lang 'tong parang hexagon na 'to," and then bigla siyang tumingin sa 'kin. My heart skipped a beat nang magtama ang mga mata namin. And then it went bangbangboom. "Are you following?" tanong niyang bahagyang nakakakunot ang noo. Napalunok ako."Y-yeah. Of course.” "May problema ka sa mukha ko, Miss Jennica?" Uh-oh. Masyado bang obvious ang ginawa kong pag-examine sa mukha niya? "W-wala naman. Thank you, Thomas. I think kayang-kaya ko nang sagutan ang homework ko nito.” "Walang anuman," pormal niyang tugon. "You have beautiful eyes," hindi napigilang sabi ko. "Ang alam ko lang malabo ang mga mata ko but thank you, Miss Jennica.” "Pwede bang Jennica na lang? Ang awkward kapag may Miss,eh.” "I'm afraid I have to address you with that. May maitutulong pa ba 'ko sa'yo, Miss Jennica?" I forced not to raise my eyebrow. His formality is so annoying. Hindi naman siguro siya sisisantehin ni Kuya kapag naging casual lang siya sa'kin. Psh. "Wala na. Salamat ulit," I moved closer and gave him a quick kiss on the cheek. My, his skin feels so soft. "B-bakit mo ginawa yon?" kandautal niyang tanong. Pinigilan kong matawa. "That was just a thank you kiss. No malice.” "Excuse me," sabi niya at bigla akong iniwan. Hindi ko na napigilang mapahagikhik nang lumabas siya ng pinto. Ano'ng problema nu'n? Parang simpleng halik lang,eh. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.8K
bc

A Night With My Professor

read
498.4K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.4K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
967.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.7K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook