VI.

1003 Words
My Kuya's Assistant Chapter Six "Bakit yata hindi ka masaya?" "Masaya naman ako,eh. Kaya lang hindi naman ito ang gusto kong celebration," "I see," "Kapag pumunta na 'ko ng Italy wala na din naman sigurong ganito kaya hahayaan ko na lang sila," "Aalis ka?" Kahit napakapormal ng boses niya, may nahimigan pa rin akong pagkagulat. "Yeah. Doon ako magpu-pursue ng career. Matatagalan ako doon, Thomas," At isa ka sa mga mami-miss ko pagpunta ko doon. "Good for you, then," "Thomas, maganda ba 'ko?" bigla kong tanong at tumingin sa apat niyang mata. "W-what do you mean?" "Nagagandahan ka din ba sa 'kin?" Napatikhim siya. "There's no denying that you are beautiful, Miss Jennica," sagot niyang nag-iwas ng tingin. "Am I ? Then bakit hindi mo 'ko makuhang tingnan?" "It's just that--" "I get it. Napipilitan ka lang," malungkot kong sabi at napayuko. "No, of course not! Ang ibig kong sabihin maganda ka naman talaga. Kahit sinong tanungin mo yun talaga ang sasabihin. Dapat alam mo din yun sa sarili mo," "Yun din ang akala ko kaya lang simula nang makilala ko ang taong 'to, nagduda na 'ko kung maganda nga ba talaga ako.” "Baka naman malabo lang ang mga mata niya?" I let out a laugh. "Literally, malabo talaga ang mga mata niya," Nang sulyapan ko siya nahuli ko siyang napabuga ng hangin. He really is so funny. "Thomas?" "A-ano po yon?" "May girlfriend ka na ba?" At last, nakuha ko ring itanong sa kanya. "Bakit mo gustong malaman?" "May masama ba? Gusto ko lang malaman," Kung may pag-asa ba talaga ako sa'yo. You know. "I don't do the girlfriend thing, actually," "Oh?" "But.. . I am actually, waiting for someone," Ouch. Masakit 'yon, ha. "W-waiting for someone in what sense?" "Waiting 'til.. .waiting 'til I could finally reach her," "Who is.. .she?" Lucky b***h whoever she is. "Yon ang hindi ko pwedeng sabihin sa'yo, I'm sorry," "It's okay. It's your decision," Now I know kung bakit kahit ano'ng pagpapa-cute ko sa kanya hindi man lang tumatalab. Buti na lang at hindi niya sinabi kung sino dahil lagot sa 'kin ang buhok niya pagnagkataon. Pero masakit talaga, eh. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Parang gusto kong umiyak. "Bakit pala hindi mo siya maabot? Anghel ba siya?" tanong ko pa. May nakita akong sumilay na ngiti sa mga labi niya. Oh my gosh, sabi ko na may igugwapo pa siya,eh. "Sort of. Sobrang taas kasi niya,eh. Kahit mukhang abot-kamay ko lang siya, imposible ko pa rin siyang maabot," "Ang lalim mo din pala?" Pero ang gusto kong sabihin talaga ay sana wag na lang yong kung sino mang babae at ako na lang sana. Hindi naman ako mahirap abutin,eh. Di ba? "Sana sa 'tin na lang ang usapang 'to, Miss Jennica," "No problem," sabi ko naman. Nayakap ko ang sarili ko. Lumalamig na din kasi. Naka-cocktail dress pa naman lang ako. Tapos biglang umuklo sa harap ko si Thomas at ibinalot ang coat niya sa akin. "Para hindi ka po lamigin," sabi niya. Napalunok ako. Sobrang lapit ng mukha niya sa 'kin. Langhap na langhap ko ang pabango niya. "Thomas, can you do me a favor?" "Sure," "Can you kiss me?" Nagulat siya. "I don't think so," pagkuwa'y sabi niya. "W-why?" "Hindi maganda, Miss Jennica. I don't want to exploit my employer's daughter," "Kaya nga favor, 'di ba?" "Bakit gusto mong halikan kita?" "I just want to feel better. Pero kung ayaw mo, okay lang naman," napayuko ako. Bakit ko ba sinabi 'yon? Nakakahiya tuloy. "Pwede kitang pagbigyan," Gulat na napatingin ako sa kanya. "Pero pagkatapos nito, iiwasan kita dahil ayokong mag-isip ng kung ano ang mga magulang mo lalo na ang Kuya mo. Ayokong sirain ang tiwala niya sa 'kin," "Ikaw ang bahala," Hinila niya 'ko patayo at dinala sa mas tagong parte ng bakuran namin. Kinakabahan ako na nai-excite. Isinandal niya 'ko sa malaking puno. Imposible nang may makakita pa sa 'min doon. Nasa magkabilang side ko ang mga kamay niya kaya wala akong kawala. Ang ingay ng kabog ng dibdib ko. Sana hindi niya marinig 'yon. He eventually claimed my lips. s**t, his lips are so soft. I hold on to his collar for support dahil pakiramdam ko ay nahigop ang lakas ko. Hinawakan niya 'ko sa beywang and he deepened the kiss. I opened my mouth to meet his tongue and I let out a moan. This is really happening! I then, remembered my dream about the two of us. Yong naudlot naming halik. Heto na nga at nangyayari. And he is a very good kisser. Kapwa kami naghahabol ng hininga nang maghiwalay kami. I caressed his face at napapikit naman siya. "Stop that, Jennica," sabi niya without formality. "Why?" Kung alam lang niyang matagal ko nang gustong haplusin ang mukha niya kaso hanggang sa isip ko lang 'yon noon. "Bumalik na tayo sa loob," "Ayoko pa, Thomas. Bumalik ka kung gusto mo. Dito lang ako," "Baka may mangyaring masama sa'yo dito," "Wala. Nasa paligid lang ako ng bahay namin, walang mangyayari sa 'kin," "Hindi, pumasok ka na sa loob," hinila niya ako sa kamay at dinala sa parte kung saan may pintuan. Sa kusina namin 'yon. Nang pihitin iyon ni Thomas, hindi naka-lock. "Goodnight, Miss Jennica," bumalik na naman ang formality niya. "Goodnight, Thomas," I reached for his face pero hinuli niya ang kamay ko. "Not again," "I'm sorry," Pero nagulat ako nang halikan niya ang palad ko. "Pumasok ka na," "Okay," *** Hindi ko makakalimutan ang gabing 'yon sa buhay ko. That was my first kiss and it was so sweet. Pero tinotoo nga ni Thomas na iiwasan niya 'ko. Kung dati he was formal, ngayon yata cold na siya sa 'kin. Like, hindi naman siya ganu'n nang hinahalikan niya 'ko ng gabing 'yon. But then, he's just a man of his words. Oh, sana naman makalimutan ko na siya kapag pumunta na 'ko ng Italy. I found myself crying to sleep. Is this what people get from loving someone who doesn't love you back? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD