My Kuya's Assistant Chapter Eight Grabe, wala man lang nagbago sa bahay namin kaya para tuloy hindi man lang ako nawala ng ilang taon. At ang swimming pool, ang pinakapaborito kong part bukod sa swing. Naging favorite ko na ang swing simula noong gabi na nangyari ang alam niyo na 'yon. "Mom, can I see my old room?" tanong ko kay Mommy nang nasa sala na kami. "Sure, Jen, tatawagin na lang kita kapag handa na ang meryenda," "Thanks," Excited akong umakyat sa taas at pagbukas ko ng pinto, namangha ako kasi mas gumanda ang ayos ng kwarto ko. Hindi inalis ni Mom ang mga collections ko ng stuffed toys at mga libro. And my bed. Dumapa agad ako sa kama ko. I think bumalik ako sa pagiging nineteen. Ang sarap ng feeling. I really missed everything here. I missed Thomas, too. Mapait akong

