My Kuya's Assistant Chapter Thirty- Seven NASUGATAN din si Thomas siyempre at hindi ko gustong nakikitang putok din ang mga labi niya kaya gagamutin ko ang sugat niya. Like pa'no ko pa siya mahahalikan kung namamaga, 'di ba? Aishu! Ganito na nga ang sitwasyon namamanyak pa 'ko. "Umupo ka," utos ko sa kanya at naupo kaming dalawa sa sofa. "Jen, talk to me, please." "Aren't we talking already?" Kumuha ako ng cotton at nilagyan ng alcohol at marahang idinampi sa gilid ng labi niya. I bet namamaga pati kamao niya. Thomas naman kasi, eh. "Bakit ba sa 'kin ka nagagalit? Siya ang nanloko sa'yo, Jen." "Thomas, 'wag ka munang magsalita ginagamot pa kita," mariing sabi ko. Mariin siyang napapikit nang idiin ko ang bulak sa sugat niya pero hindi naman siya nagreklamo. "Nakita mo nang gina

