My Kuya's Assistant Chapter Thirty- One SO ayon. Kahit ayoko pa sanang magpahatid nang tanghali kasi gusto ko matagal pa sana kaming magkasama, wala na akong choice. And besides, kailangan ko pa yatang magprepare kasi may 'friendly date' nga kami ni Thomas. Kaya okay na rin 'yon. Hihi. Hinatid niya 'ko hanggang sa gate na lang. "Are you sure na hindi ka na papasok sa loob?" tanong ko pa. "Hindi na. Baka kung ano pa ang isipin ng Mom mo." "Okay then, mauna na 'ko." "See you later. I'll call you." "Alright, see you." I kissed him quickly on the cheek bago lumabas ng kotse. "Hi, Mom!" masiglang bati ko kay Mom nang makasalubong ko siya sa sala. "Jennica, ano'ng--maghahapon na bakit ngayon ka lang nakauwi? At kanino na naman 'yang t-shirt na suot mo?" "Hulaan mo kung kanino, Mom.

