My Kuya's Assistant Chapter Thirty- Five WALA si Thomas sa office nila pagdating namin. Saan naman kaya 'yon nagpunta? "Excuse me, guys, pupunta lang ako ng comfort room," sabi ko kina Kuya at Johann. Marahan ko pang siniko ang huli para warning-an siyang huwag lalapain ang Kuya ko habang wala ako. Nyahaha. Joke lang. Nahiya naman kasi akong magtanong kay Kuya kung nasaan si Thomas kasi baka kung ano lang ang isipin niya dahil kaharap namin si Johann. Di bale, hahanapin ko na lang siya. Napatingin ako sa magkabilang bahagi ng pasilyo but no signs of him. Where art thou, Thomas? Dumiretso na lang muna ako sa banyo at nagretouch. Maganda na naman ako kaya lang iba pa rin talaga kapag in love ka, 'no. Hihi. Saktong papasok na 'ko nang makasabay ko siya. He was in a hurry. Sa'n naman

