My Kuya's Assistant Chapter Twenty- Four "Who is this Johann? I thought kay Thomas ka in love?" usisa sa 'kin ni Mom nang ikwento ko sa kanya ang mga detalye ng preparations ko sa pagpapaganda ng store. "Mom, oo nga po. Kaya lang kung aasa lang ako kay Thomas, baka mamatay na lang akong virgin kaya maghahanap na lang ako ng iba ng worth ng attention ko." "Talaga, anak, virgin ka pa?" Pinanlakihan ko ng mata si Mom. "Mom!" "Joke lang, ito naman. Proud nga ako sa'yo kasi nagki-keep ka ng values. Alam mo anak, your husband would be very lucky to have you." "Talaga po?" Sabihin niyo nga kay Thomas 'yan, Mom. Hihi. "Oo naman. Hindi nga lang ganun ang nangyari sa amin ng Dad mo. Eh ako kasi hindi naman talaga ako ang girlfriend niya noon, kaso lang alam ko namang sa akin siya in love.

