My Kuya's Assistant Chapter Twenty- Six PAGDATING namin sa party, marami nang nagsidatingan pero ang hinahanap agad ng paningin at puso ko ay si Thomas kahit hindi naman siya ang may isini-celebrate sa gabing iyon. Well, alam niyo na, siya lang naman ang tanging rason kung bakit dumalo-dalo pa 'ko sa party na 'yon kahit wala naman akong mapapakinabangan kung hindi kapanisan lang ng laway. "Mujer, pumwesto tayo sa table malapit sa Thomas mo," bulong sa'kin ni Johann. "Definitely. And please, 'yong boses mo ibahin mo na 'yan baka mabulilyaso pa ang mga plano natin," sabi ko naman. Tumikhim-tikhim siya. "Heto na nga,eh. Inaayos na, o. Tara na nga." Humawak ako sa braso niya at nginitian ang mga kakilalang nakakasalubong namin. Nakita ko na rin siya sa wakas. At hayun siya, mag-isang

