My Kuya's Assistant Chapter Twenty- One "JENNICA?" Pumasok si Mom sa kwarto ko at nadatnan niya 'kong nakadapa sa kama ko habang umiiyak. "Anak, ano'ng oras ka nakauwi?" "K-kaninang umaga lang po," sagot kong pinahid ang mga luha sa mata ko. "Why are you crying?" Napabangon ako nang tumabi siya sa 'kin. "Wala po, Mom." "Ano'ng wala? Hindi ka iiyak nang walang rason, hija. Sino ang nagpaiyak sa'yo at papaluin natin?" "Mom!" napayakap ako sa kanya at itinodo ang pag-iyak ko. "Hija, tell me, what's wrong?" tanong niyang hinaplos ang buhok ko. "It's Thomas. Ayaw niya sa 'kin, Mom." "Thomas? But why? Doesn't he know how adorable you are?" "Ayaw niya sa 'kin kasi hindi daw kami magkapantay. Kasi empleyado lang daw natin siya, na hindi kami bagay sa isa't-isa. Ganun ba 'yon, Mom? Ak

