Kahapon pa si Daneyel iyak ng iyak hindi ko na alam kung bakit o ano bang dapat kong gawin.
My parents aren't in town, lalo na ang pamilya ni Ashton na nasa ibang bansa naman nakatira nauwi lamang dito. I can't always call for them if I have problem like this. We have helpers here in the house ngunit kahit sila ay hindi na alam ang gagawin kay Daneyel.
Nilibot ko na siya sa buong bahay, ginawa ko nang lahat para tumigil siya sa pag iyak pero wala. Nang napansin naming nataas na ang lagnat niya at ang ubo niya ay hindi mawala wala ay napag desisyonan ko ng dalhin siya sa hospital.
"Kuya, pakibilis naman po." ani ko sa isang driver nila mommy na tinawagan ko para ipag drive kami.
Dumiretso ako sa emergency room para maasikaso agad si Daneyel. Pagpasok ko palang ay may sumalubong na sa aking nurse.
"What happened?" Tanong ng isang lalaking nurse habang hinihiga ko si Daneyel sa isang kama dito.
"Since yesterday morning h-he's been crying and.. w-we don't know why." Nauutal kong ani dahil sa loob loob ko ay nag wawala na sa takot. Sana wala lamang itong kay Daneyel, sana simpleng sakit lamang.
"Okay, ma'am we'll take care of him." Pinanood ko sila magcheck up sa anak ko. Nang may kailangan daw na mga test ay sumama pa din ako.
Nanonood lamang ako sa labas nuon habang pinagpapatuloy ang mga test na kailangan base sa isang doctor.
Naupo muna ako dahil hindi pa din naman sila tapos sa loob. I dial Ashton's number.
"Babe?" Panimula niya.
"Can you come over? Nasa hospital kami."
May narinig akong nag salita sa background niya. Parang nasa meeting yata siya.
"What? Why?"
Nilingon ko si Daneyel na dadalhin na sa room na binayaran ko. "I still don't know pero si Daneyel tumaas ang lagnat kanina."
Narinig ko pang dinismiss na niya agad ang meeting dahil nagtatanong na lamang din ng opinion niya. "Wait for me. I'm on my way." Tumango ako kahit na hindi naman niya ako kita.
Nakaupo ako sa may labas ng kwarto ni Daneyel para intayin si Ashton.
"Zea." Napalingon ako nang may humakap sakin.
"How is he?"
Niyakap ko siya agad pabalik. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngunit napaiyak na agad ako sa kanya. Hindi ako bumibitaw sa yakap."
"I am waiting for the results. He's inside sleeping. I'm scared, Ashton."
Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko ganun din ang halik niya. "Let's just hope that he's gonna be alright."
Tumango ako at giniya na siya sa loob para makita si Daneyel na nakahiga at tahimik na natutulog.
Mainit pa din siya pag hinawakan mo kaya hindi ko maalis sa sarili ko ang pag aalala. Kailangan ko ng malaman ang results para kumalma naman ako kahit papaano.
Nakatingin lamang ako kay Daneyel habang naka hilig sa balikat ni Ashton ng pumasok ang doctor niya na umasikaso sa amin sa emergency room kanina.
"Doc, how our son? Why is he always crying this past few days?" Tanong ko kaagad.
"Your son is under examination, Mrs. Sad to say but your son has a pneumonia."
"Oh my." Nasapo ko ang bibig bago niyakap si Ashton.
Hindi ko alam kung saan niya nakuha iyon. "Is pneumonia contagious to your baby?"
"In general, pneumonia is not contagious, but the upper respiratory viruses and bacteria that lead to it are. So it's best to keep kids away from anyone with symptoms or runny nose, sore throat, cough, etc. of a respiratory infection." Tumango tango na lamang ako.
May mga nireseta siya na gamot na kailangang inumin ni Daneyel. Mabilis naman namin binili iyon para gumaling na kaagad ang anak ko.
"H-hindi naman natin siya pinabayan pero bakit siya nagkasakit?"
"Maybe may part na nagkulang tayo."
"He's too young."
Hawak ko lamang ang kamay ni Daneyel na natutulog. Hindi ako aalis sa tabi niya dahil gusto ko ako nag una niyang makita pag mulat ng mga mata niya. My poor baby.
Kinabukasan ay pwede na siyang ma discharged. Si Ashton na ang nag ayos ng mga kailangan namin habang ako ay niyayaro si Daneyel para hindi siya mainip.
Naka oxygen siya ng nilabas dahil medyo hirap siya sa pag hinga dahil sa ubo niya. Medyo sumigla na din naman siya kahit papaano kaya ng makauwi ay nakangiti siya sa mga helpers namin.
"Mommy, play." Aniya at hinayaan ko naman siya pero nakabantay pa din ako syempre.
Nang lumapit siya sa akin na may mapupungay na mata ay hinayaan kong matulog siya sa aking braso. Kinuha na lamang siya ni Ashton sa akin para maiakyat na sa kwarto niya.
"Kawawa naman ang anak natin."
"Gagaling din siya. We are doing everything." Tumango ako bago hinalikan sa noo ang anak.
Sa sumunod na araw ay kinailangan pa din naming bumalik para sa check up ngunit ng napansin na walang nangyayari sa gamot niya ay inadvice ng doctor niya na mag stay na lamang muna kami sa hospital para mas mabantayan si Daneyel.
Wala naman din siyang ginawa kung hindi ang matulog at manood sa phone ko dahil wala naman kaming dinala na laruan niya dito sa hospital.
I am trying my best to entertain him para hindi mabagot.
"Mommy, where's daddy?" Tanong niya ng nagising.
"May kinukuha lamang sa bahay. You need anything?" Umiling naman siya at nag tatanong tungkol sa mga nakakabit sa kanya.
Ang kulit pa din kahit na may sakit. "How's your feeling?"
"Good." Simple niyang sagot dahil busy sa pinanonood.
Nilapit ko ang muka ko sa kanya. "What are you watching?" Pinakita niya naman sa akin.
"Can you sing that to me?"
Nanonood siya ng isang palabas sa youtube tungkol sa alphabet. Sinunod naman niya ako at kinanta ng buo. "Now I know my abc next time won't you sing with me." Medyo bulol pa siya sa ibang salita ngunit maiintindihan na naman.
Nang nalaman naman nila mommy na nasa hospital kami ay umuwi sila kaagad ni daddy na may dalang mga chocolates para sa apo dahil alam na paburito ni Daneyel ang mga ito.
"Thank you, Lola, Lolo." Bulol na ani Daneyel.
Kinuha ko ang ilan dahil baka sumakit pa ang ngipin at may sakit pa siya. "You will eat this pag magaling ka na. So take a rest para makauwi ka na."
"Opo!" He answer in high pitch. I chuckled on his cuteness dahil busy siya sa kinakain niya.