Nagbababa ako ng mga grocery mula sa likod ng sasakyan ko ng dumating ang sasakyan ni Ashton.
"Hey," Aniya ng nilapitan ako para sa halik.
"Nag mall kayo?" He asked.
I nodded. "Saang mall?" Sinabi ko naman sa kanya kung saan at tumango na lamang siya.
Tinulungan niya ako sa pag pasok ng mga bags na may lamang pag kain namin. Sila manang na muna ang bahala mag ayos nuon.
Ako kasi ang madalas na nag aayos nuon ngunit ngayon ay maiiba muna dahil aasikasuhin ko muna ang aking asawa.
Si Daneyel ay nakaupo sa play mats niya at duon naglalaro habang nag paplay sa tv ang mga kantang pambata.
"Nakakapagod ngayon. Nagkaproblema sa isang cliente." Hinayaan ko namang ikwento niya sa akin ang nangyari sa opisina niya. Tinulungan ko pa siyang alisin ang sapatos niya at pinaabot ko kay manang ang tsinelas panloob ni Ashton.
Ako ang nag luto ng hapunan namin. Hindi ako madalas magluto ngunit sa nag daang panahon ay natuto na din lalo na nuong nagkaroon kami ng sariling bahay.
Pagnapatulog ko na si Daneyel nuon ay didiretso na ako sa kusina para mag patulong kina manang sa mga putaheng gusto ko. Kung noon ay si Ashton ang madalas mag luto sa amin ngayon ay hindi na.
Masyado na siyang pagod sa trabaho ngunit pag weekend naman ay nakakapag luto siya pag hindi busy. "Taste it." Ani ko.
Nagluto akong kalderetang baka para sa hapunan namin at nag prito din ako ng ilang lumpiang shanghai. Pinanood ko kung pano niya nguyain ang baka.
"Hmm.." Panimula niya.
Habang hinahayaan ko siyang lasahan ang luto ko ay naglagay na ako sa plato ni Daneyel ng kanin para lumamig na kaagad iyon.
"Good. Malambot ang baka. You're becoming a chef."
I chuckled. "Binobola mo na ako eh but thanks. Well, still nothing can beat the way you cook. Iyon pa din ang paburito ko."
Para na kaming nag bobolahang dalawa pero totoong paburito ko pag siya ang nagluluto. Alam na alam niya paano ako kunin pag dating sa pag luluto niya eh.
Kinabukasan ay binisita ako ni Kaye. Out of town si Laila kaya hindi nakasama. "Ang vacation natin? When?"
Binaba ko ang buko juice ko. Nasa sun lounger kami habang si Daneyel ay nag siswimming. Naka floater naman siya kaya hindi ako kabado na mag isa siya duon plus naka bantay kami at ang isa pang katulong dito sa bahay.
"Hindi ko pa nasasabi kay Ashton but I'm he'll say yes. How about you and Laila? When are you guys free?"
Simula nuong nag handle sila ng kani-kanilang business ay pareho ng nabusy ang aking mga kaibigan kaya pag nag kikita kita kami ay naiipon ang kwento.
"I'm good next month. I'll ask Laila for her schedule." Tumango ako at binalik ang sun glasses sa mata.
Napuno lamang kami ng kwentuhan ngunit kailangan na din niyang umalis ng nag hapon dahil may dinner daw sila ni Ezekiel. Hinayaan ko naman.
Recently ay gustong matuto mag bake kaya nadadalas naman kami sa bahay nila mommy dahil sa kanya ako nagpapaturo. Nuong nasa bahay naman kami nila mommy ay magaganda ang gawa ko ngunit ng nag try ako sa bahay ng walang tulong niya ay pumalpak.
Nuon una kong gawa ay nasunog ko, ang pangalawa naman ay hindi umalsa dahil may kulang yata sa ginawa ko at ngayon naman ay nag try ulit ako ngunit na over check ko naman.
"Mommy lahat palpak." Kinwento ko sa kanya ang mga nasayang na cupcakes sa bahay.
"Ganyan talaga sa una. Hindi mo pa gamay." Kaya nag another session na naman kami sa bahay.
Tinuruan niya ako habang si daddy ay inaaliw si Daneyel. Nag take down notes pa ako para talagang walang makalimutan sa mga sinabi niya.
Sa sumunod na araw ay nag bake ulit ako at sinunod na ang mga procedures na notes ko kahapon. Lahat ng bawal ay hindi ko ginawa. Nalaman ko din yung mga mali kong nagawa nuong nakaraan kaya hindi ko na inulit ngayon.
Nang natpos ang sinet kong oras ay nilabas ko na ang mga cupcakes ko na mukang maayos naman. Nagdecorate ako ng isa at tinikman iyon kaagad para malaman ko.
Hindi na ako nagkamali, kalasa na siya ng mga ginawa namin ni mommy kaya tinawag ko si Daneyel para tulungan ako s apag dedecorate.
Pinatikim ko din sa mga helpers namin para sigurado ako na hindi nga masama nag lasa at sumang ayon naman sila sa akin.
Nag box ako ng dalawang dosena na cupcakes dahil napadami din ang gawa ko. Naisip kong dalhan namin si Ashton sa trabaho niya at bigyan na din ang ilang nanduduon.
Nang nabihisan ko na si Daneyel ay iniwan ko muna sa helper namin at ako naman ang naligo at nag ayos. I wore a peach wide leg pants and silk spagetti strap top. I put my hair in a bun at nag make up ng konti.
"Where going, mommy?" Tanong ni Daneyel ng inaayos ko ang lock ng car seat niya.
"Where going to daddy."
Mabilis na nag lighten ang muka niya. "Yey! Daddy!" Masaya niyang ani.
Sa tabi ko na lamang pinwesto ang mga cupcakes at nag drive na. Medyo traffic kaya natagalan din kami sa byahe.
Entrance pa lamang ay binabati na ako ng mga empleyado ni Ashton. I don't know them dahil bihira naman ako bumisita dito pero kilala na nila ako sa tagal na naming kasal ni Ashton.
Sinasama niya din naman ako pag may party or event sila kaya siguro tanda din nila ako. Bumabati na lamang ako pabalik.
Nang makasakay sa elevator ay may nakasabay kaming dalawang babae at isang lalaki. "Good afternoon, Mrs. Madrid." Bati nila sabay sabay.
"Good afternoon too."
Napansin kong nag dadalawang isip pa sila kung aalis ba ng elevator para masalo namin iyon ni Daneyel. Hindi na lamang ako nag komento pa at sumakay na din.
"What floor, ma'am?" The man asked.
"40th." Simple kong sgaot sabay ngiti.
Nilingon ko sila ng kinakawayan nila si Daneyel na nakatingin din sa kanila. "Ang pogi naman ng anak ni Sir." Sabi nuong isang babae na nakipag high five sa anak ko.
"Mana sa magulang." Dagdag pa nuong isa.
I chuckle at them at hinayaang laruin ang anak ko na gusto din naman. Nang nag bukas ang elevator sa floor nila ay nagpaalam na sa amin ni Daneyel.
"Ang ganda pala lalo sa malapitan ng asawa ni, Sir 'no." I heard the man said.
I chuckled at tinignna ang reflection ko sa harap. I look presentable naman.
Nang nasa tamang floor na kami ay lumabas na din kami ni Daneyel at dumiretso sa may desk kung nasasaan ang secretary ni Ashton.
"Good afternoon, Mrs. Madrid." She look so shock.
"Good afternoon. Nasa loob ba si Ashton? Should I go straight or wait?"
She smile looking so nervous. "Uhmm, Ma'am. Mr. Madrid just left." Unti unting nawala ng ngiti sa aking labi. Umalis si Ashton ng building. Where is he?