Chapter 10

1044 Words
Pagkatapos namin magusap ni Ashton ay iniwan ko na siya sa kwarto para tumaas sa anak ko. Naabutan ko siyang inaaliw ni mommy "Where is he?" Dad asked. "Uuwi na din iyon mamaya. Hayaan niyo na po." Tanging naging sagot ko.  Ayokong magkagulo na naman sila ni daddy. Hindi muna kami babalik ni Daneyel sa bahay maybe soon pero hindi pa sa ngayon masyadong masakit pa. Hindi ko akalaing na magagawa niya yun dahil buong akala ko ako lang.  Ako lang ung babaeng inaalagaan niya  yung babaeng nagpapasaya sa kanya, yung babaeng mahal na mahal niya pero hindi ko na napapansin na may kahati na pala ako sa lahat ng iyon.  Masakit. Sobrang sakit dahil nakita iyon ng dalawang mga mata ko. Ang makita na naghahalikan sila. Hindi ko talaga akalaing mang yayari iyon sa buong buhay ko.  Ilang araw na ang nakalipas at hindi na siya bumalik ngunit araw araw ang padala ng bulaklak na amy mga notes. Gaya ng sa ngayon, ang nakalagay ay 'Have a great day, my love. I miss you and Daneyel everyday.'  Lagi na nga akong tinanong ni Daneyel kung nasasaan si Ashton, alam kong namimiss lamang ng anak ko ang tatay niya. Minsan sinasabi ko nasa work minsan sinasabi ko busy.  Isang gabi pinanonood ko siyang matulog sa aking tabi. "I'm sorry anak kung hindi mo nakikita si daddy. May mga panahon talagang kailangan nating dumistansya sa kanya." I wipe my tears na hindi ko namalayang tumutulo na pala.  It still hurts to remember. It's so fresh. Akala ko pa naman kaibigan ko si Danica but little did I know siya pala ang kabit ng asawa ko. Thinking that I let her play with Daneyel and touch us makes me want to bath with alcohol. Pakiramdam ko isa siyang bacteria na hindi na maalis sa amin. Nandito kami sa playroom ng bahay habang naglalaro si Daneyel na pinanonood ko lamang. Maya maya lumapit siya sakin. "Mommy, you okay?" "Yup baby, Mommy's okay." I smile and shower him with kisses. "Mommy, where's daddy?" "Uhm... Daddy? Nasa work siya eh."  Napalingon ako ng nagbukas ang pintuan at pumasok si Ashton na mukang galing trabaho. Wala sila mommy at daddy kaya siguro siya nakapasok. Kung makikita siya ni daddy ay baka mabugbog na niya ito. "Daneyel," Tawag niya sa anak ko. "Daddy!" Nagtatakbo si Daneyel sa kanya at binuhat naman siya ni Ashton bago pinang gigilan. My baby giggle. "Did you miss daddy?" Mabilis namang tumango ang anak ko at natuwa ng pinakita ni Ashton ang isang paper bag na may captain america.  "Daneyel, come to Mommy." Lumapit naman siya dala dala ang paperbag na bigay ni Ashton. Sumilip ako sa labas ng pintuan para tumawag sa sang helper. "Manang Cecilia!" Mabilis naman siyang lumapit dahil nasa may hagdan lamang siya bago ko tawagin. "Manang paki bantayan muna si Daneyel." "Sige po, Ma'am." Binigay ko na si Daneyel sa kanya. "Daddy." Tawag ng anak ko kay Ashton. "I'll follow later, okay?" My son nodded and listen to manang. Nang nakapasok na kami ni Ashton sa kwarto ko ay mabilis ko iyong sinara. "Ano bang ginagawa mo dito? Pag nakita ka ni daddy." "I don't care anymore. I miss you so much. I know nagkamali ako pero please let's go back home." "How can I go back to that house kung araw-araw kitang makikita? I can't do that. It still hurts, Ashton. Mamapapatawad kita pero hindi ngayon." Hindi ko na napigilan at lumandas na sa pisnge ko ang mga luhang kanina pa nagbabadya.  Ayoko maging emotional pero hindi ko talaga mapigilan lalo na pag naaalala ko ang lahat.  "Shh.. Dont cry, it's all my fault. I know. Nadala lang ako dahil sa dami ng iniisip ng opisina." Niyakap niya ako kaya mas naiyak pa ako. I miss him, so damn much ngunit hindi ko pa talaga kayang balikan siya. Tinulak ko siya at pinunasan ang pisnge ko. "Pero kung mahal mo talaga ako hindi mo maiisip na gumawa ng bagay na alam mong makakasakit sa akin. May pamilya tayo, Ashton. May anak ka kaya sana inisip ko kami bago ka nagloko. Hindi na mababago ang lahat kasi nangyari na but I hope may natutunan ka sa kalokohan mo." "Zea, please. I'm truly sorry." "Ashton, ayoko muna. Understand my decision." Bumuntong hininga siya bago natahimik. Sana maintindihan niya. Hindi na kami mga bata para sa ganito. "Okay. Aantayan ko yung araw na mapatawad mo ako at bumalik ka sa akin. I will give you the spce that you want but I will make sure na sa akin ka pa din." "Thank you." Iyon na lamang ang ansabi ko. Nabalot kami ng katahimikan at nakita ko siyang pumikit ng mariin na parang pinapakalma ang sarili. "I think I need to go." "Okay.. Ingat." Tumango siya at lumabas na ng kusa. "Can I see Daneyel first before I go?" I nodded. We are both tired sa mga nangyayari kaya alam kong kailangan muna namin ng pahinga. Mag asawa na kami ngunit kailangan din namang magpahinga. Hindi naman ako maghahanap ng iba, pinahuhupa ko lamang ang nararamdaman bago siya balikan. Nangako ako sa harap ng altar. To have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and health, to love and to cherish, until we are parted by death ay hindi ko siya iiwanan. "Zea, I love you always." Tuluyan na siyang lumabas ng kwarto ko kaya napaupo na naman ako sa kama at duon nag buhos ng iyak. Sa tuwing iniisip ko ang anak ko duon ako nagkakalakas. Nuong nag kaanak ako ay mas napatibay niya ang relasyon namin ni Ashton dahil may mga decision kami na hindi na lamang para sa aming mga sarili kundi kasali na duon ang anak namin na pwedeng maapektuhan sa simpleng desisyon. "Mommy!" Salubong ni Daneyel sa akin. Pumasok ako sa play room kung saan busy siya sa mga laruang bigay ni Ashton. "Where's daddy?" Tanong niya na ikinagulat ko akala ko nakalimutan na niyang nandito si Ashton dahil naglalaro siya. "Umalis na siya, anak. Daddy have work diba." Tumango na lamang ang anak ko at bumalik sa pag lalaro. Sana hindi na ulit siya magtanong ng tungkol kay Ashton. Baka sa susunod wala na akong maisagot sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD