Chapter 9

1148 Words
"s**t!" Halos mapasigaw ako sa takot dahil sa puting van na nag over take pala. Hindi ko siya napansin mabuti na lamang at nakapreno kaagad ako at walang sasakyan sa likod ko. Pinunasan ko ang mga luha bago nagmadaming bumaba palapit sa puting van.  "Is everyone okay?" I asked ng bumaba din ang driver nuon. "Yes. Ikaw hija? May nasaktan ka ba?" Natauhan ako sa tanong niya. I know na tinatanong ako ni manong tungkol sa nangyaring biglaang preno pero iba ang dating sa akin. Gusto ko mang tumango dahil nasasaktan ako. May ilan pa siyang kasama sa van na sinilip din ako. "Maayos naman po. Pasensya na." Ani ko. "Ako nga dapat ang humingi ng pasensya at hindi ko napansin ang sasakyan mo kaya ako nag over take." Tumango na lamang ako. Nang nag kaintindihan na ay bumalik ako sa sasakyan ko. Muntikan na ako duon ah.  Kung napuruhan ako hindi ko alam ang gagawin ko dahil may anak akong nag iintay sa akin. Kita ko kung paano tumaas ang araw mula sa silangan. I blink twice ng maalala ang anak ko. Mabilis ngunit sigurado na ang pag mamaneho ko papunta sa condo unit ni Kaye kung nasasaan ang anak ko. "Ano? Kamusta? What happened?" I try not to cry dahil nakatingin ang anak ko sa akin habang inaayos ko ang mga laruan niya. "He cheated with someone I know. Kailangan namin umalis ni Daneyel." Hindi na din alam ni Kaye ang gagawin kaya tinulungan na ako ng napansin na nagmamadali na ako. "Ha? Ano? Bakit? Wait naguguluhan ako. I am shock." "I'll tell you in some other time but for now we need to go." "Ha? San ka pupunta? Dito ka muna." Umiling ako. "Bahala na. Siguro kina mommy muna ako. Ayokong makabala sayo." Nilingon ko ang pintuan ng narinig iyong nagbukas. Niluwa nuon si Ezekiel na bagong gising. "Zea?" Ngumiti ako ng tipid at binuhat na ang anak ko. "Ashton is calling me. Nag away ba kayo?" "Don't day anything to him. Ako ng bahala. Pasensya na sa abala, Kaye, Ezekiel."  Tumango tango si Kaye at hinatid pa ako palabas. "If you need help just call me, okay? You got me and Laila." I nodded before leaving. It's just 6:30 in the morning ng nasa gate na ako ng bahay nila mommy. Gising na si manang kaya napag buksan ako. "Sila mommy?" I asked her. "Kagigising lang po ni Sir. Hindi ko lang po alam si Ma'am." Tumango ako at pumasok na. "Dad!" I called him ng nakitang nasa veranda lamang siya ng bahay nag kakape. "Oh, ang aga niyo naman."  "Can we stay here?" Iyon ang bungad ko. Naguguluhan siyang tumango. "Si Ashton ba?" Hindi ako sumagot. Pinasok ko muna si Daneyel. "Manang pabantayan naman muna si Daneyel. Mag uusap lang kami nila daddy." "What's happening hija?"  "Where's mom?" I asked him back. "Upstairs." Niyaya ko na agad si daddy nasa taas na kami mag usap. I know na mahahanap din ako ni Ashton dito lalo na at hindi ito kalayuan sa bahay. "Ashton cheated on me. Can we stay here?" I am holding back again my tears.  I don't want them to see me crying. Baka mapag sabihan pa ako lalo na at hindi naman talaga nila gusto si Ashton nuon. Mabilis akong dinaluhan ni mommy na tila inaalu. "I followed him today kasi maaga siyang umalis and I saw him with a girl." "Baka naman katrabaho lang, anak." Si mommy na inaalu pa din ako kahit na hindi naman ako umiiyak. "Katrabaho? Nang ganito kaaga?" Pangongontra ni daddy. Nilingon ko siya at naabutan kong nakatingin lamang siya sa akin at walang reaction. Tumayo ako mula sa pag kakaupo sa sofa dito sa kwarto nila. "Dad. Don't do anything to him. Hmm?" Wala pa din siyang reaction. Niyakap ko na siya at hinayaan ang mga luha kong pumatak. "He's still the father of my son. Don't hurt him please. For me and Daneyel." When he didn't answer I look at him. His eyes were bloodshot. "Dad." Natigilan kami ng narinig ang katok ni manang. "Ma'am, Sir. Nasa baba po si Sir Ashton." Halos hilahin ko si daddy sa biglaan niyang pag labas ng kwarto. "Dad." Pagtawag ko sa kanya. Tinatawag na din siya ni mommy at kinakalma ngunit parang wala siyang naririnig. Pababa ng hagdan ay kita ko na ang magulong ayos ni Ashton. I can his frustration. "Sir." Aniya kay daddy ng makalapit ngunit mas kinagulat ko ang pagsuntok ni daddy sa kanya. "How dare you step into my house?" Halos kulog ang boses ni daddy sa tenga.  Just like how he was nuong nalaman niya nag relasyon namin ni Ashton nuong college pa lamang ako. Thankfully Daneyel is in his playroom dahil may sarili siyang kwarto sa bahay na ito. "I am so sorry, Sir. No excuse will be needed." Pumagitna na din ako sa kanila dahil alam kong hindi siya titigilan ni daddy. "Dad please! For me and Daneyel." I look into his eyes. Dahan dahan siyang kumalma at nag relax. "You should be thankful that you have a wife like my daughter." Iyon lamang ang sinabi ni daddy bago umalis at sumama na kay mommy.  Hinila ko si Ashton sa isang guess room dito sa baba dagil ayokong marinig sa buong bahay ang usapan namin.  "I am so sorry." Iyon ang bungad niya ng masara ko ang pintuan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng pag hahampasin ko siya sa braso at dibdib. Hindi ko siya kayang sampalin. "Bakit Ashton? Bakit? Ano bang pag kukulang ko." Umiiyak na ako habang pinipigilan niya ako sa pag hampas sa kanya. Nagtagumpay naman siya ng hinahin niya ako palapit sa kanya at yakapin. "There's nothing wrong with you. The blame is on me. I am so sorry, Zea. Hindi ko ginusto ito." I almost laugh as I cry. "Hindi ginusto? Nagpunta ka nga sa bahay nuong babae na iyon na akala ko kaibigan ko! Ashton sana sinabi mo na lang sakin kung gusto mo na akong hiwalayan hindi yung pinag sabay mo pa kami." I said in between sobs. "She's nothing compare to you my love. I'm sorry. Alam kong nagkamali ako at hindi ko hinihingi ang agarang pagpapatawad mo pero please baby. Umuwi na tayo sa bahay. Sa bahay natin 'to ayusin. Hindi ko kayang malayo sa inyo ni Daneyel." Umiling ako. "I'll stay here for a while. Hindi ko kayang makipag sama pa sayo sa iisang bubong. Masyadong masakit, Ashton. Baka lalo lamang tayong mag away."  Kumakawala na ako sa yakap niya ngunit ayaw niya akong bitawan. "Please baby. I need you. Don't leave me." Kinuha ko ang lahat ng lakas ko para maalis nag kamay niya sa pagkakayakap sa akin. "Sana yan ang iniisip mo nuong mga panahon na nagloloko ka kasama si Danica." Iyon ang huli kong ani bago siya iniwang luhaan duon sa kwarto na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD