Kinukwento ko kay Ashton ang nangyaring pag uusap namin ni Danica.
"You should't say yes to her. Hindi na siya dapat pa nagpakita sayo at wala siyang katapatang pagbantaan ka."
"Let her. Madadala din yun sa kahihiyang natamo niya."
He come to me and hug me. "I am so sorry for cheating." Ang inis ko ay biglang nawala. Para akong kulma ng humingi siya ng tawad sa akin.
"I will never get tired of saying sorry to you. Kahit ano pang sabihin ni Danica, ikaw.. Kayo pa din ni Daneyel ang aking pipiliin. She's just a mistake na dapat hindi ko pinatulan."
Alam ko naman ang pagsisisi niya. The way he look at me and Daneyel, I know and I can feel it. "You're already forgiven." I smile at him as I hug him as a comfort.
Ashton loves our family kaya hindi niya kami ipagpapalit sa malanding babae yun. Alam na may asawa na yung tao kapit pa din hindi naman siya linta pero kung makadikit 'kala mo nag iisa na si Ashton na lalaki sa mundo.
Bakit kaya may mga babaeng ganun? Makakating babae na masarap paliguan ng asin. Makati minsan lugar minsan si Danica.
Free si Ashton ngayon kaya nandito kami sa mall para mamili ng gamit para sa bago paparating naming baby. Mas gusto naming hands on kami sa mga anak namin kaysa iasa sa iba, lalo na sa ganitong bagay.
Kanina pa kami namimili, hindi pa naman namin alam ang gender nito dahil iisang buwan pa lamang.
"Ashton, ang dami na nating napamili oh." Sabay turo ko sa hawak ng mga bodyguard namin.
Oo kumuha si Ashton ng dalawang bodyguard para sa amin ni Daneyel tapos sa bahay may guard na kami dalawa pa. Kakaiba daw kasi mag isip si Danica kaya gusto niya kampante siya pag nasa trabaho siya.
"Babe para handa pagnanganak ka."
"Manganak agad? Wala pa ngang gender."
He chuckled. "Okay fine." Nang nakapag bayad na kami biglang nagyayang kumain si Daneyel dahil gutom na daw siya.
"Mommy, hungry." Sabi niya habang buhat buhat ko.
Kumain kami sa isang japanese restaurant at kung ano ano pang ginawa. Ngayon na lang ulit kami lumabas ng buo dahil laging busy si Ashton. Syempre hindi pwedeng hindi bibili ng paburito ni Daneyel na ice cream.
Habang pinipicturan ko si Daneyel na nakasakay sa carousel at si Ashton na nasa gilid niya. Bata pa ang anak namin kaya kailangan pa ng bantay.
Hindi pa naman naikot kaya napicturan ko sila pakiramdam ko may nanonood samin kaya ginala ko ang mata ko. Wala naman akong makita, kinabahan lang ako sa sariling iniisip kaya dun ako puwesto sa maraming tao.
Nang natapos na sila hanggang sa paglabas namin ng mall ay pakiramdam ko pa ding may nanonood samin kaya mas humigpit ang hawak ko kay Daneyel.
"Zea, are you okay?" Tanong ni Ashton habang naglalakad kami sa may parking lot at pauwi na.
"Hindi mo ba nararamdaman?"
Mas lumakas pa ang kaba ko. Kahit na sabihin pang may kasama kaming bodyguard ay hindi maalis ang kaba ko. Gustuhin ko mang isipin na guni-guni ko lamang iyon ay hindi ko magawa.
Nararamdaman ko talaga eh. Kakaiba.
"Ang alin?" Nagtatakang tanong ni Ash at kumunot ang noo niya sa akin.
"Parang may nakatingin satin. Kanina pa." Luminga linga siya sa paligid.
"There's no one baby." I know he's just trying to comfort me.
"Kanina pa sa loob ng mall. Iba eh." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
Lumapit siya sa mga bodyguard namin para mas higpitan ang pagbabantay dahil nga sa parang may nakatingin.
Naglabas ng baril ang mga bodyguard namin at nilibot ang parking lot para magsearch at habang patagal ng patagal gumaan na ang pakiramdam ko hindi ko na nararamdaman na may nakatingin.
"You okay?" Tanong niya habang nag aantay kami sa mga bodyguard namin na nagsesearch.
Nasa loob na kami ng sasakyan kasama si Daneyel na busy sa laruan niya.
"Yeah. I feel good now." Ngumiti siya.
Tinawag ang mga bodyguard para umalis na. Pakiramdam ko okay na, wala nang nakatingin o nag mamanman. Nakahinga ko ng maluwag pero hindi pa din ako panatag kung bakit ako nakaramdam ng ganun.
Natakot ako para sa safety namin nila Ashton lalo na para kay Daneyel.
Nang nalaman ng mga magulang namin nila Ashton yung nangyari nung nakaraang araw ay kinontak nila ang kakilala at nagsabi sa naranasan namin kaya nagpadala sila galing sa isang agency na mga magbabantay dito sa bahay.
May planong umuwi ang mommy ni Ashton ngayong buwan kasama ang kapatid niyang ka age ni Daneyel ngunit hindi muna ni Ashton pinayagan dahil sa mga nanyayari.
"Are you sure you guys are fine? Why don't you stay here for a while. Mas ligtas."
"We're good, mom. May mga nagbabantay na naman dito sa bahay."
May dalawa sa gate kasama na yung isa naming guard, tapos may dalawa ulit sa labas ng front door, meron din sa back door namin.
Halos lahat ng door namin na palabas ng bahay ay may dalawang taong nagbabantay. Meron ding nalibot sa labas.
"Ashton, ang daming bantay naman yata niyan." Ani ko ng napansin ang mga bagong guard sa bahay.
Lahat sila may baril at mga nakaitim na jacket. Ang sabi ni daddy ay well trained daw ang mga ito kaya kahit papaano ay kakalma sila kahit umalis pa kami ni Daneyel para mag mall.
"Tama lang yan, pakiramdam ko nga kulang pa." Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya.
Sa lagay na yun kulang pa? Eh ang dami dami na ngang tao. Akala mo palagi kaming may event dito sa bahay lalo na pag nag eexchange na ng shift ang mga ito.
Meron kaming morning at night shift kaya talagang madaming tao dito sa bahay.
"Are you blind? Ang dami na nga nila masyado. It's just a feeling I felt. Wala naman sigurong kinalaman duon si Danica."
Isa iyon sa hinala nila dahil sa huling pag uusap namin ni Danica ay binantaan niya ako. Hindi naman kami pwedeng kumilos or mag file ng kung ano mang pwede sa kanya dahil wala kaming ebidensya.
"Basta para sa security niyo.. natin.. Gagawa ako ng paraan kahit gaano pa sila kadami sa bahay natin basta ligtas kayo nila Daneyel. Lalo na ngayon na bunti ka."
Sabay haplos niya sa tiyan ko. Nag angat siya ng tingin sakin at ngumiti siya. "I love you always. Remember that." Ugh! Those smiles. Kaya mas lalo akong nafafall sa kanya.