Makalipas ang isang buwan pa ay tuluyan na ngang nakulong si Danica. Mabuti na din at kaarawan na ni Daneyel. Planado na ang lahat at bukas na lang ang iniintay namin para mangyari na ang kanyang pinakahihitay na third birthday.
"Daneyel are you excited for tomorrow?"
"Yes." Sabi niya at halata sa muka niya ang saya.
Siguro naman ay naiintindihan na niyang birthday niya bukas dahil ang hyper niya buong preparation.
"Pag gising mo tomorrow, its your day. So you should sleep early, okay?"
Kinantahan ko siya ng isang nursery rhymes na paburito niya which is snowflakes. Nang makatulog na siya for the last time chineck namin ang place ng kanyang birthday. Handa na at maayos na ito kaya natulog na din kami ni Ashton.
We both woke up early to welcome the organizer at ang ilang mga dadaming para sa pagkain at ilan pang gamit na hindi nadala kagabi.
"Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday Happy birthday.. Happy birthday to you.. Happy birthday Daneyel."
Kinantahan namin siya ni Ashton ng pababa siya ng hagdan pero syempre sinalubong ko dahil nagkukusot pa ng mata.
"Go' morning." Simple niyang ani at humilig sa balikat ko.
Niliguan at binihisan ko na siya ng kanyang favorite character si Captain America. Lahat ng bisita niya ay dapat naka costume ng kahit sinong character. Pero ang team namin ay si Captain America ng marvel talaga.
Sa may pool area gaganapin ang third birthday niya.
Paglabas ko sa likod namin may mga nakapalibot sa pool na balloons bawat sulok na captain america. Makalagpas na pool may ayos dun ng mga tela na kulay blue and red, may mga letter gamit ang ballon letter na nakalagay ay 'HAPPY 3rd BIRTHDAY' na pa curve ang ayos.
Sa baba nuon ay 'DANEYEL ALLIYALIE' may upuan dun na para sa kanya.
Sa gilid ng pool may mahabang table dun kung nasasaan ang lahat ng pagkain. Sa katapat naman nuon ay ang candy corner at chocolates.
Sa harap ng mini stage namin may mga round tables para sa mga bisita. Napapalibutan ng mga ballons at kung ano ano pang design na mas nagpaganda.
Ang host namin ay ung bakla naming kaibigan at ung isang dj na pinsan ko. Napag usapan naming mag partner ni Ashton ng suot. Kaya ako ay naka superwoman dress at isang headband lamang at si Ashton na naka superman design na polo.
Para lamang mag blend kami sa party ng anak.
Nang nakatapos na kami magbihis ay nagpicture picture kami syempre. Tapos pinuntahan na kami ng parents namin kaya nagpapicture kami sa photographer. Nag hire din kami ng photographer. Nang natapos na kami mag picture nandun na kami sa may pinto papuntang pool naka sara ito pati ang kurtina nakasara.
"We gathered here to celebrate the 3rd birthday of our dearest Daneyel Alliyalie. Now let's all welcome the birthday celebratant with his parents." Nang sinabi iyon ay nagbukas ang pinto na binuksan ng tauhan namin.
Kahit naka kulong na si Danica ay nagpaiwan kami ng limang tauhan dalawa para kasama namin pag aalis tapos yung tatlo dito sa bahay bukod pa dun ang security guard namin.
Pagpasok namin sa may pool area ay nagkakantahan ng happy birthday at si Daneyel tuwang tuwa lalo na at ang daming bata.
Madaming games at may program kaming hinanda para kay Daneyel at bago magblow the candle si Daneyel ay may surpresa muna kami. Binigay sakin ang micripono dahil sabi ko ako ang magsasabi sa kanya
"Baby.. Daneyel.." Tawag ko sa kanya para maagaw ko ang kanyang attention.
"Mommy and daddy have a surprise for you and also for everyone. This is your favorite character and I know you want to see him. So here he is.."
May lalaking lumabas sa pinasukan namin at lahat ng bata halatang tuwang tuwa. Lalo na si Daneyel na nagtatatalon sa tuwa.
"Mommy.. Daddy." Sabi niya sabay turo kay captain america.
"Want to take a picture with him?"
"Opo." Sagot niya at nang nakalapit ang maskot ay yumuko siya at niyakap niya si Daneyel para batiin niya.
"Happy Birthday, Daneyel." Tuwang tuwa siya kasi kilala daw siya ng idol niya. Nagpapicture siya gamit ang cp ko at nagpapicture din sa photographer at last kaming tatlo kasama si captain.
"Are you happy?"
"Opo." Niyakap niya kami at nakunan iyon ng photographer at nila Mommy.
"Thank you, mommy, daddy." Naiyak naman ako sa ginawa niya at kinisan niya kami sa lips. May baby is so sweet.. I want to keep those smile and happiness on his face.
Syempre bago matapos ang party namigay kami ng party bag.
"Thank you sa lahat ng nagpunta dito para makicelebrate ng birthday ni Daneyel. We hope you enjoy our party." Sabi ko bago mag alisan ang mga tao dahil 11:00 am na nagsimula kami at ngayon ay 4:30pm na.
Nang naayos ng mga stuff na hin-hired namin ay pumasok na kami sa loob ang daming regalo at tuwang tuwa si Daneyel.
"Daneyel let's open your gifts tomorrow morning, okay?"
"Opo, mommy."
Niliguan ko siya ng mabilis para maganda ang tulog niya dahil halata mo sa mga mata niyang antok na siya. Wala siyang naging nap sa maghapon kaya hinayaan na din namin.
Nang natapos na siyang maligo ay pumunta si Ashton sa kwarto namin para kunin ang gifts namin kay Daneyel.
"Daneyel, here's your gift from mommy and daddy." Ani Ash kay Daneyel at dali dali siyang bumaba ng kama niya para binuksan ang regalo namin.
"Wow!" Manghang sabi niya ng niyakap ang gift namin. It's a kid size captain america.
"Thank you!" Wala katapusang yakap at halik ang binigay niya sa amin.
I knew it magugustuhan niya itong regalo namin. Pina costumize pa namin ito ng size niya para mas malalaro niya pa.
I'm lucky to have a sweet and caring son. Kahit na bata pa siya nakakaintindi na siya sa mga bagay bagay. Matalino din siyang bata kaya niya sarili niya pero syempre hindi namin siya pababayaan.
We're always here for him and support him. Siya ang batang pinaglaban ko kila Mommy at Daddy, sila ni Ashton. They are my everything lalo na ngayon na may isa pa kaming baby na parating.