CHAPTER 33

1127 Words

"What happened here?" Patakbong lumapit sina Mrs. D at Mr. Glaucus kina Steph. "Tulong, Mrs. D," pakiusap ni Steph, nag-uunahang pumatak ang mga luha sa magkabilang pisngi niya. "Steph! Salamat naman at nakaligtas ka. Ano'ng nangyari kay Charlie?" Lumuhod si Mrs. D sa tabi nito. "Si Achlys po, siya ang may gawa nito sa sarili niyang anak." Ginamit ni Steph ang puting kapangyarihang ginamit niya noon na nagpapagaling ng kahit anong karamdaman pero hindi ito gumana kay Charlie. Lalong kumakalat ang pangingitim sa katawan ng kaibigan. "Hindi gagana ang simpleng healing power sa kanya, Steph," nalungkot na sambit ni Mr. Glaucus. "Hindi ito kaya ng simpleng kapangyarihan kahit ng isang imortal." "Ano po ang pwede nating gawin?" tanong ni Leah habang sumisinghot dahil sa pag-iyak. "H-hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD