"Mama..." tinawag ni Steph ang kinikilalang ina, si Hera. Lumitaw ito sa gitna ng infirmary. Sinalubong niya ito ng mapait na ngiti. "Salamat sa pagpunta rito, Mama." "Anak ko." Nilagpasan nito si Aphrodite at niyakap si Steph. "Paano kang nakaligtas?" "Tinulungan po ako ni Charlie. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Ang kaso po, ito ang ginawa ni Achlys sa kaniya." Itinuro nito ang kaibigan na nakaratay dahil sa lason na likha ni Achlys sa sariling anak. "Mahabagin!" bulalas ni Hera. Nilapitan nito ang binata at itinapat ang kamay sa noo nito. Marahan itong napailing. "M-Mama, ang sabi ni Aphrodite..." Tumingin muna ito sa Goddess of Beauty bago muling nagsalita. "Ang gintong mansanas daw sa iyong hardin ang maaaring makapagpagaling sa kaniya." Matagal bago sumagot si Hera. Umili

