Sumulpot sila sa tapat ng silid ni Steph. "Ito ang silid niya. Maiwan ko na kayo." Agad na naglaho si Aphrodite. Nagkibit-balikat sina Leigh at Leah sa kakaibang inakto ng diyosa ng kagandahan. Sunud-sunod na katok ang ginawa nila pero hindi sila nagsalita. Nais nilang sorpresahin si Steph sa pagdating nila sa Olympus. "Sandali lang. Grabe namang makakatok," sambit ni Steph mula sa loob ng silid. Nanlaki ang mga mata niya pagbukas ng pinto. "Leigh, Leah! Guys!" Nagyakapan ang tatlong babae habang masayang nakatingin sina Lav, Jared, Blue at Atlas. "Kumusta ka na, Steph?" tanong ni Leigh. "Kakakita lang natin ah!" natatawang sabi ni Steph. "Ano ang ginagawa ninyo rito? Paano kayo nakarating?" "Sinundo kami ni Aphrodite," sagot ni Leah. Tumango siya nang marahan nang mapansin ang nagtat

