"Ano ang kailangan mo sa akin?" seryosong tanong ni Aphrodite sa reyna ng Olympus. "Nais kong magpahinga, marami akong iniisip.." "Nais ko lang maging malinaw sa ating dalawa ang mga bagay ukol kay Stephanie," pagsisimula nito. "Hindi natin maaaring ipagsawalang bahala ang kalagayan niya ngayon at ang nararamdaman niya sa mga nangyayari. Mahalaga sa akin ang batang iyon, at napamahal na siya sa akin." "Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?" tanong niya. "Inangkin mo na nga ang aking anak." "Kasalanan ko ba na ma-pride ka at isinumpa mo ang sarili mong anak?" pagkondena ni Hera sa kaniya. "Pero hindi iyan ang ipinunta ko. Mas mahalaga ang pakay ko." Hindi nakakibo si Aphrodite. Nilaro-laro ng kaniyang paa ang laylayan ng mahaba niyang bestidang puti nagawa sa silka. "Hindi kita inaal

