"Aphrodite, " tawag ni Apollo sa diyosa habang papalayo ito. Tumigil ito saglit at nilingon siya. "Wala ka bang balak gawin para mabawi mo ang anak mo?" "Wala na akong magagawa, nakapangako na si Hera na siya na ang ina ni Steph," maikling tugon nito. "Pero ikaw pa rin ang nagluwal sa kaniya," pagpapaintindi nito sa diyosa. "Bahala na. Maiwan na muna kita dahil marami pa akong gagawin," palusot niya para lang makaiwas sa pangungulit nito. Nagtungo sa silid si Aphrodite at nagpalakad-lakad, inaalala ang mga nangyari noong nakilala niya si Hernan. "Excuse me..." tawag ni Aphrodite sa mangingisda. Nakita niya ito sa isang isla kung saan ito naglalako ng banyerang isdang nahuli nito. Matangkad at matipuno ang lalaki, halatang batak sa trabaho ang pangangatawan. Ang kayumanggi nitong ba

