Inalis ni Leigh ang kamay ni Steph na nakahawak sa leeg nito. There she saw marks from strangling and wounds from claws. "Steph, may mga sugat mula sa kuko ang leeg mo!" Kumuha ito ng tissue sa ibabaw ng side table ni Steph. Dinampian ang leeg ng kaibigan para punasan ang dugo na umaagos sa mga kalmot nito. Muling hinawakan ni Steph ang bahaging pinaka-mahapdi. "Aaahhh... ang sakit. Paanong nangyari ito?" Dama niya ang kirot ng mga sugat sa leeg kahit hindi niya nakikita. Pumipitik ang mga iyon at naghahatid din ng kirot sa ulo niya. "Can you heal yourself?" nag-aalalang tanong ni Leah. "Baka pwede? Mapepeklat 'yan kung hahayaan lang gumaling nang kusa." Umiling si Steph. "I-I'm not sure. I'll try." Pinigilan siya ni Leigh. "Sandali lang, ipakita muna natin kay Mrs. D bago mo subukang

