"Tumayo kayo. Kailangan ko kayong makausap," saad ni Hera. "May mahalaga akong sasabihin sa inyo, higit sa iyo, Stephanie." Tumayo silang tatlo at humarap sa reyna. Magalang na tumingin dito nang diretso. "Ano pong gusto n'yong pag-usapan natin?" kunot ang noong tanong ni Steph. Wala siyang idea kung bakit siya nais makausap ng reyna ng Olympus. "Alam ko na ang tungkol sa iyong ina, Stephanie, at alam kong masakit para sa isang anak ang itatwa ng isang ina," panimula ni Hera. "Hindi ko rin iyon i-to-tolerate." Napayuko si Steph, nagsisimula na namang mamuo ang luha sa kaniyang mga mata. Please, stop rubbing salt into my wounded heart. Alam kong ayaw niya sa akin at hindi niya ako kikilalanin bilang kaniyang anak. "I'm sorry if I brought it up. Gusto kitang i-claim bilang anak ko," wal

