"Good morning, Steph!" bungad nina Leah at Leigh sa kaniya, habang nakasungaw ang mga ulo sa pinto ng silid niya. Nakahiga pa rin siya at nagmumuni sa mga naganap kahapon. "Are you ready going to the party at Olympus? Aalis na raw tayo in an hour." Nakabihis na ang dalawa, naka-pulang long gown si Leah habang naka-yellow si Leigh. "Hala!" Nagkukumahog na bumangon si Steph at hiniklas ang tuwalya sa sabitan nito. "Maliligo na muna ako!" Kumaripas siya ng takbo patungo sa banyo. "Nag-prepare na kami ng breakfast. We'll wait for you, sabay-sabay na tayong kumain," sigaw ni Leigh para masigurong narinig siya ni Steph sa banyo. "Okay. Thanks, ladies!" malakas na sagot ni Steph. Lumabas na ang dalawa at nagtungo sa dining table, nagkwentuhan habang hinihintay na matapos si Steph nang may kum

