C H A P T E R 4 7: W H O I S S H E ? P T. 1 "M S. G R E E N B L O N D I E" PASADO ALAS OTSO Y MEDIA na ng gabi. Tulad ng sinabi kagabi ni Elise, nagbakasali siya. Ngayon ay hayan siya: bahagyang ininat ang katawan mula sa pagkakasandal sa hood ng kanyang kotse habang nasa harapan ng music studio. Tanghali pa lamang ay naroon na siya. Bagaman may dalawang araw pa bago sila muling magpatuloy sa pagre-record ng mga kanta, inabala niya ang sarili sa pakikinig ng mga song demos na ire-record nila. Gayunman, tila walang silbi ang ginawa niya; hindi pa rin kasi mawala sa alaala ang putol na video na napanood kagabi. Ayaw man niyang paka-isipin, tila ay kinakalabit nang kung ano ang dibdib niya. Muli't muli, ayaw niyang maniwala, pero may bahagi sa kanya na gustong paniwalaan si Elis

