C H A P T E R 4 8: W H O I S S H E? P T. 2 P I C T U R E F R A M E Nagpatuloy ang lalaki sa paglalakad palayo, sumakay sa isang maliit at lumang kotseng nakaparada sa dulo ng daan. Gayunman, nanatiling nakatayo sila roon ni Daine—napapakiramdaman, sinusundan lang nila ito ng tingin. "What's with the breakfast, lunch thingy?" si Daine. "Is it a code?" Napahimas si Bradley sa batok saka parang hangin na dumaan sa isip ang tinuran ni Elise kagabi: Just give it a try, Bradley. "It's been a weird night, Dre." Bumuntong-hininga siya. Kung sakali mang may gawin itong masama, sa laki ng bodyguard niya at dahil may alam naman siya... kahit kaunti sa self-defense, hindi na rin siguro masama na subukan niya tulad nga ng payo ni Elise. Magsasalita pa sana si Daine nang bumusina na si N

