Chapter 22 “Ang galing...” Sabi niya. “Ito ba ang lugar na madalas mong puntahan kapag nagsasanay ka?” sabi ni Fenris. Naglakad ito palapit sa puno na naroon. Ang malaking puno sa itaas ng bundok ang madalas niyang pahingahan noong nagsasanay siya. Doon din siya madalas makatulog kapag tapos ng kaniyang mahabang pagsasanay. “Oo, dito ako nagsasanay, dati ay dito rin nagsasanay ang ibang mga estudyante ng vantress, ngunit ngayon ay may hangganan na lang ang dapat nilang puntahan. Hindi na sila maaaring makarating pa sa lagpas ng gubat dahil masyado nang delikado para sa kanila.” Sabi niya. Nang nakaraang dalawang taon kasi ay may grupo ng mga estudyante na sobrang pasaway. Lumabas ang mga ito ng hatinggabi at namasyal sa bundok. Mayroong mga bampira ang biglang lumabas at isa ang napa

