bc

CALIXIA II: The End of Bloodlust (Alexandro Goodnight)

book_age16+
1.9K
FOLLOW
4.3K
READ
dark
fated
mate
brave
bxg
swordsman/swordswoman
magical world
secrets
like
intro-logo
Blurb

Ten years have passed and evil vampires rarely attacks the villages. What's happening is strange for Sayah as well as foe the leaders of the vantress.

Suddenly their opponent disappeared, evil vampires stopped attacking even when it is full moon. Surprisingly, for ten years only rare attacks were felt throughout the lost world.

But Sayah and the vampire hunters can’t be left alone, she knows their opponents are planning something.

Sayah and the other vampire hunters are not going to let their guard down because they knew that real battle with the pureblooded x vampires is about to begin.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 Sampung taon na ang nakalipas at isa sa ipinagpapasalamat ni Sayah ay ang pagiging maayos ng kanilang kalagayan sa vantress. Wala nang mga bampira ang nanggugulo madalas sa kanilang lugar at dahil marami nang mga bagong vampire hunnters ang nagtapos ay mas marami na ngayon ang magpo-protekta sa mga nayon ng lost world. “Wala kang misyon ngayon?” tanong ni Pika sa kaniya. Umiling siya sa kaniyang kaibigan. Narito sila ngayon sa bundok upang magpahangin. Nakatanaw si Sayah ngayon sa ibaba ng bundok kung saan naglalaro ang anak ni Pika na si Bobi at ang anak ni Uzni at Jika na si Jiji. “Hindi na muna ako tumanggap pagkatapos noong nakaraang buwan. Mas gusto ko rito manatili sa vantress, tahimik, at isa pa nami-miss ko ang mga bulilit na iyon.” Sabi niya at itinuro ang mga bata na naglalaro sa ibaba ng bundok. “Ang bilis ng panahon, ‘no?” sabi ni Pika sa kaniya. Napahiga sa damuhan si Sayah at inunan ang kaniyang mga braso. Tama si Pika, ang bilis nga ng panahon, parang kailan lang ay narito sa vantress ang musmos na si Sayah, nakayapak, madumi ang damit at nakikiusap kay Zico na turan upang maging isang vampire hunter. “Tama ka, hindi ko nga namalayan, pero kung iisipin mo ay napakaraming nangyari hindi ba?” sabi niya at tumingin sa kalangitan. Maraming nangyari sa vantress, nalagay sa alanganin ang buhay ni Pika noong mga panahong pinag-iinitan siya ng mga nagsasanay upang maging vampire hunter. Naalala niya pa noong iniligtas niya si Pika dahil pinagmamalupitan ito ng ibang mga nagsasanay. “Pero hindi ko inaasahan na ganito kasaya ang balik ng sakit ng kahapon, Sayah. Tanda mo ba kung paano ako sumunod-sunod sa iyo noon? Saka noong kinukulit kita at palaging sinasamahan kahit saan ka magpunta? Ang totoo ay nahihiya ako sa iyo,” “Nahihiya ako na lapitan ka kasi baka hindi mo ako tanggapin bilang kaibigan, at baka isipin mo na kakaiba akong nilalang. Natakot ako noong una, ngunit nang sabihin sa akin ni Zico na mabait ka at mabuting bata ay hindi na ako nagdalawang isip pa muli na kausapin ka.” Sabi ni Pika sa kaniya. Ang dating siya noon ay takot, takot na makagawa ng pagkakamali. Pagkatapos mamatay ng kaniyang kinilalang pamilya sa kamay ng isang pureblooded vampire ay natakot na siyang mapalapit sa iba. Hindi niya alam kung paano makisalamuha sa iba kaya’t noong kinausap siya ni Pika ay malaki ang pasasalamat niya. Nagkaroon siya ng isang kaibigan na hindi siya iniwan hanggang huli. Kahit pa madalas siya noong pagkaisahan ng ibang mga nagsasanay sa vantress ay ni minsan hindi siya tinalikuran ni Achipika. Nanatili ito sa tabi niya hanggang sa malagay ang buhay nito sa alanganin. Napalingon si Sayah sa katabi niya na si Pika, nakatingin ang goblin sa mga naglalaro sa ibaba, nakangiti ito at nakikita niya ang saya sa mukha nito. Bumaba ang kaniyang paningin sa tiyan ni Pika kung saan ito tinamaan ng bala ng baril noong pauwi pa lang sila galing sa bayan. Akala ko talaga ay mawawala na noon sa amin si Pika, sobra ang naging takot ko dahil akala ko sa ikalawang pagkakataon ay mawawalan na naman ako ng mahal sa buhay. Nagpapasalamat ako dahil nakaligtas siya sa tulong ni Hylos. “Bobi! Anak! Huwag diyan sa pinakadulo! Gubat na iyan!” sigaw ni Pika sa anak. Napatingin si Sayah sa dalawang bata na naglalaro. Siya ngayon ang nakabantay kay Jiji dahil ang mga magulang nito ay lumabas upang mag-enjoy kaya’t siya ang nagbabantay sa bata ngayon. “Ang kukulit nila! Naku! Habang tumatagal ay sumasakit ang ulo ko diyan sa anak ko na iyan. Manang-mana sa kaniyang ama.” Sabi ni Pika. Natawa naman siya sa sinabi nito. Noong nagtapat sa kaniya si Pika tungkol kay Verdek na kasintahan nito ay lubos ang ligaya niya. Hindi niya inaasahan na magpapakilala ito ng kasintahan sa kaniya noon. Nais na rin kasi niya itong ipagkasundo sa mga kakilala nilang goblin dahil tumatanda na rin si Pika at dapat nang may makasama ito sa buhay upang bumuo nng sariling pamilya. “Hindi ba sa iyo nagmana, Pika? Ang alam ko ay makulit makulit makulit at sobrang makulit ka noon, hindi ba?” sabi niya at ginaya pa ang dating pagsasalita nito. Narinig niya ang malakas na pagtawa ni Pika sa kaniyang sinabi. Hindi na rin niya napigilan at natawa na rin siya. Noon una kasi silang nagkita ay paulit-ulit ang pagsasalita nito. “Alam kong makulit ako, ngunit ang lebel ng kakulitan ni Bobi ay hindi na sa akin! Mukhang kay Verdek na niya iyon namana. Naku, maaalala ko nga, nasaan na kaya ang magaling kong asawa na iyon?” sabi ni Pika at luminga-linga. Napailing si Sayah at tumingin na lang muli sa kalangitan. Nang ipakilala ni Pika si Verdek ay tinanong siya ni Pika kung siya ba ay walang napupusuan. Nasa tamang edad na siya noon upang magkaroon din ng kasintahan ngunit sinabi niya sa kaibigan na wala pa iyon sa isip niya. “Calixia...” Ngunit wala nga ba o may hinihintay lamang siya? Napangiti si Sayah at naipikit niya ang kaniyang mga mata. Siya ay dalawampung limang taong gulang na ngayon at sampung taon na nang huli silang magkita ni Xandro. Palagi niya na itong napapanaginipan ngayon at sa kaniyang panaginip ay kasama niya itong namamasyal sa magagandang lugar sa lost world. Hindi ko maintindihan ang nais iparating ng mga panaginip ko na iyon. Alam ko naman na ngayon maaaring nahanap na ni Xandro ang babaeng nakatadhana para sa kaniya. Ang babaeng mate niya. Isa si Xandro sa mga pureblooded vampire sa lost world. Galing ito sa isang maharlikang pamilya at ang pamilya nito ay nagpapanatili rin ng kaayusan ng mga bampira at ibang mga nilalang sa lost world. Naalala niya ang huli nilang pagkikita sa derata, nang makita niya ito sa labas ng bintana ng silid na tinutuluyan niya. Iyon na ang huli nilang pagkikita ng lalakeng bampira at hindi na nasundan pa. Ngunit palagi niyang naririnig ang boses nito na tinatawag ang pangalan niya. “Calixia...” Muling ipinikit ni Sayah ang kaniyang mga mata. Sa tamang panahon, kung papalarin at mabibigyan ng pagkakataon, alam niyang magkikita silang muli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook