Chapter 2

1096 Words
Chapter 2   Pagkatapos ng pananatili nila Sayah sa bundok ay bumalik na rin sila ni Pika kasama ang mga bata sa vantress nang makita nila na umiitim ang kalangitan. Tiyak kasi na kung hindi pa sila babalik ay maaabutan sila ng malakas na ulan sa itaas ng bundok. Malayo-layo pa naman ang kanilang lalakarin kung sakali. “Sayah, nariyan na ba si Hylos?” Napalingon si Sayah nang marinig niya ang boses ni Bari. Simula nang mangyari ang trahedya sa vantress noong gabi na masaksak si Uzni ay hindi na nilisan ni Bari ang vantress at nanatili na ito roon. Isa na si Bari sa mga manggagamot ngayon sa Vantress. Kasama na nito ang kasintahan na si Hylos. “Hindi ko pa napapansin, saan ba nagpunta?” tanong niya. Oo nga pala! Wala rin siya kanina at nasa bundok sila, bakit ba sumagot siya ng hindi niya napansin? “Baka ang ibang narito ay napansin na siya?” dagdag niya. Umiling si Bari at  humalukipkip, nakita ni Sayah na kumunot ang noo ng babae pagkatapos ay nagsalubong ang kilay nito na para bang mayroong hindi maganda iniisip. Mukhang tumakas na naman si Hylos kay  Bari. “Hindi ko pa siya nakikita mula kaninang umaga, nang magising ako sa aming silid ay wala na siya at ang malala ay hindi siya sa akin nagpaalam kung saan siya pupunta. Ano na naman kaya ang iniisip ng lalakeng iyon?” tanong ni Bari. Nagkibit-balikat lamang siya. Minsan ay hindi niya maintindihan ang magkasintahan na ito dahil palaging nag-aaway ngunit minuto lang ay nagkakabati rin. “Baka pumunta ng bayan?” sabi naman ni Pika. Nang bumaba ang tingin ni Bari ay nawala ang kunot sa noon ito nang mapatingin sa anak ni Pika na si Bobi. Napangiti si Bari at kinarga nito ang anak ni Pika pagkatapos ay nilaro-laro nito ang kamay ni Bobi. “Saan kayo nanggaling, maliit at cute na Bobi?” tanong ni Bari sa anak ni Pika. “Bundok! Laro!” sabi naman ng bibong anak ni Pika. Nang maramdaman ni Sayah ang paghila sa suot niyang damit ay napababa ang tingin niya at nakita niya si Jiji na inosenteng  nakatingin sa kaniya, nang yumuko siya upang itanong kung ano ang kailangan nito ay nagsalita na ang bata. “Nanay... ‘saan siya? Nasaan... nanay?” tanong ni Jiji. Napakamot sa batok si Sayah, maski kasi ang mga magulang ni Jiji na sina Uzni at Jika ay hindi pa rin bumabalik. Paano ba ito? Ano ba ang sasabihin niya. Nang hindi siya kaagad nagsalita ay lumungkot ang itsura ni Jiji, nakita niyang namuo ang luha sa mga mata ng bata kaya kinarga niya ito kaagad. “Mamaya lang ay uuwi na sila nanay at tatay mo, Jiji, huwag ka nang malungkot, hindi ba at naglibot lang sila? Pagbalik nila ay may malaking-malaking candy ka!” sabi niya upang mapawi ang lungkot ng bata. Pinunasan ni Jiji ang mga luha nito na nalaglag at pagkatapos ay tumango sa kaniya. “Hindi kaya magkakasama ang magkakaibigan na ‘yon? Maski si Zico, Driz, at Lorcan ay wala rito. Kanina ko pa rin naitanong kay Xen kung nasaan ang ama nito ngunit ang sagot lang sa akin ni Xen ay maaga raw itong umalis.” Sabi ni Bari. Mukha ngang magkakasama ang mga lider ng vantress at mukhang nagkasiya ang mga ito. Ngunit ang mga magulang kaya niya? Naalala niya na ngayon ang araw na pagdalawa ng mga ito sa kaniya. Napangiti si Sayah nang maalala ang kaniyang ina at ama. Sina Caliver at  Ilina. Akala niya talaga noon ay pinaglalaruan lamang siya ng tadhana ngunit totoo pala na mga magulang niya ito at ang kwintas na nagligtas sa kaniya noon na bigay ng itinuring niyang mga magulang ay galing sa mga ito. “Halika na sa dining hall, mag-meryenda na lamang tayo habang hinihintay ang mga iyon na bumalik. Tiyak naman na hindi magpapaabot ng dilim ang mga iyon.” Sabi ni Bari. Nang tunguhin nila ang dining hall ay unti-unting bumabalik sa kaniyang ala-ala ang unang beses na naglakad siya sa pasilyo na iyon. Noon ay ayaw niya pang kumain sa dining hall dahil nais niyang iwasan ang mga matang nagmamasid ngunit nang masanay dahil kay Pika at natutunan niya nang kumain doon araw-araw. “Dadalawa ba ngayon ang mga magulang mo, Sayah? Nabalitaan ko kasi kay Hylos kagabi na mananatili sila rito ng isang buong linggo.” Sabi ni Bari. Nang marating nila ang dining hall at ibinaba niya sa upuan si Jiji. “Ang sabi lang po ay dadalawa, ngunit hindi ko alam na isang buong linggo pala.” Sabi niya habang nakangiti. “Mas mainam na iyon isang buong linggo para makasama mo muli ng matagal. Kailan ba ang huli nilang dalaw dito?” tanong ni Bari. Napaisip siya, nakaraang buwan? Nakaraang tatlong buwan? “Tatlong buwan na po ata ang nakakaraan? Nadestino sila sa dulo ng lost world kaya’t hindi na muling nakadalaw sa akin.” Sabi niya. Delikado rin ang trabaho ng kaniyang mga magulang. Ang mga ito ay nagtatrabaho na ngayon sa pamilya Goodnight, sa pamilya ni Xandro. Minsan nga ay nais niyang itanong sa kaniyang ina kung nakakasama ba nito si Xandro, nais niyang malaman ang kalagayan ng lalake ngunit pinapangunahan siya ng hiya at baka mamaya ay kung ano ang isipin ng kaniyang ina. “Kinakabahan ako, ilang taon nang nananahimik ang mga pureblooded x vampire. Hindi mawala sa isip ko ang pangamba na baka may inihanda silang sorpresa para sa atin.” Sabi ni Bari. Napatigil si Sayah at napatingin siya sa doktor nang marinig ang sinabi nito. Tama si Bari, ilang taon nang nananahimik ang mga masasamang bampira at hindi malayo na walang binabalak na masama ang mga ito. Maaaring nag-iipon ang mga ito ngayon ng lakas o mayroong pinaplano. “Siguro naman ay unti-unti na silang nauubos?” tanong ni Pika. Umiling naman si Bari sa  sinabi ni Pika, “Hindi sila mauubos hangga’t nabubuhay ang kanilang mga pinuno. Hindi lamang iisang pureblooded x vampire ang kalaban natin kung hindi marami sila. Maraming mga masasamang bampira ang nag-aabang lamang.” Kakaiba nga ang pananahimik ngayon, parang may  mali. Ilang taon na ang lumipas, mayroong mga bampira ngunit bilang lamang ang mga umaatake. Tumayo si Bari at tumingin ito sa kaniya pagkatapos ay nagalita, “Nangangamba ako, hindi pa natin nareresolba ang huling paglusob nila, hindi pa natin nalalaman kung anong alak ang kanilang ipinapakalat. Maaaring sa isang iglap ang mga tao sa isang buong nayon ay maging masasamang mga bampira.” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD