Chapter 3

1136 Words
Chapter 3   Tama si Bari, napakadelikado nang stratehiya na iyon ng mga masasamang bampira. Sa isang iglap ay maaaring maging bampira ang lahat ng tao sa isang buong nayon. Hindi sila dapat maging kampante dahil lang sa walang pag-atake mula sa mga pureblooded na mga bampira. Ilang kabilugan ng buwan na rin ang lumilipas na walang masyadong mga masasamang bampira ang lumulusob at ang ilang mga tao sa nayon ay nakakampante na na umuwi ng gabi at lumabas pa ng gabi dahil sa nangyayari. Akala ng mga ito ay ligtas na ang buong lost world sa mga masasamang bampira. Ngunit  doon sila nagkakamali. “Ano ang ginagawa ninyo?” Napalingon si Sayah sa nagsalita at nakita niya sina Hylos, Zico, Uzni, Jika, Lorcan, Driz, at ang kaniyang mga magulang. “Nanay! Tatay!” Kaagad na bumaba si Jiji upang pumunta sa mga magulang nito at sinalubong naman ito ni Jika ng yakap at kaagad na kinarga ang anak. Kumaway sa kaniya ang kaniyang ina at naglakad naman siya palapit sa mga ito. “Magkakasama po pala kayo?” tanong niya sa kaniyang mga magulang. Niyakap niya ang mga ito at pagkatapos ay hinalikan niya sa pisngi. “Oo, nagkayayaan na muling maglibot, hindi ata mga nagpaalam, lalo na si Hylos. Mukhang mainit ang ulo ni Bari.” Sabi ng kaniyang ina habang nakatingin kay Hylos na nakakamot sa batok nito. Napatingin na rin si Sayah sa lalake, si Bari ay nakahawak sa baywang nito at kunot na kunot ang noo. Hindi nga ito nagpaalam kaya’t ngayon ay tinatanggap ang hagupit ng kasintahan. “Na-miss ba ako ng anak ko?” tanong ni Jika sa karga-kargang anak. “Anak mo lang?” sabi naman ni Uzni. Napangiti siya sa turan ng mga ito. “May pasalubong kaming mga pagkain, halina kayo at  kumain na muna tayo. Hindi pa rin kasi kami kumakain at nanood kami ng tournament diyan sa bayan.” Sabi ni Zico at inilapag nito sa lamesa ang dala-dalang pagkain. Napatingin naman doon si Sayah. Naglakad sila muli palapit sa lamesa at naupo doon. Si Bari at Uzni naman ay kumuha ng mga pinggan at kutsara. Kasyang-kasya lamang sila sa malaking lamesa na naroon. Pahaba pa naman ang lamesa at saktong-sakto para sa kanila. “Nag-enjoy ba sa paglalaro ang anak ko?” tanong ni Jika kay Jiji na nasa kandungan nito. “Opo, naglaro kami ni Bobi sa ibaba ng bundok.” Sabi ni Jiji. “Sayah, salamat sa pagbabantay kay Jiji, ha? Naging makulit ba?” baling sa kaniya ni Jika. Ngumiti siya at umiling, “Hindi naman, buti nga at nagmana kay Uzni dahil mabait at tahimik saka sumusunod sa sinasabi.” Nakita ni Sayah ang pagsimangot ni Jika sa kaniyang sinabi. Alam na niya kaagad ang naisip nito dahil sa sinabi niya. “Para namang sinabi mo na hindi ako mabait at hindi ako tahimik, Sayah?” tanong ni Jika. “Parang ganoon na nga.” Sabi niya. Natawa naman ang mga naroon sa sinabi niya. Alam na alam kasi ng mga ito ang ugali ni Jika kahit noon pa. Isang makulit at palabiro na tao si Jika ngunit mabait at palaging iniisip ang kapakanan ng kaibigan at pamilya nito. “Anak, wala kang misyon?” Napatingin si Sayah sa kaniyang ina nang magsalita ito. Nasa tabi niya ito at nakatingin sa kaniya. Hindi na tumatanda ang itsura ng kaniyang ina kaya’t ngayon ay parang kaedad lamang niya ang kaniyang mga magulang. “Hindi po muna, siguro ay sa susunod na buwan. Marami po bang mga bampira ang nangugulo sa bawat nayon?” tanong niya. Umiling naman ang kaniyang ina, “wala, ang totoo ay kahit kami ay nagtataka at nangangamba. Halos walang mahuling masamang bampira ngayon na lumulusob at nanggugulo sa mga nayon sa lost world. Naisip namin na mukhang nagpa-plano ang mga kalaban.” Nakita niya ang biglang pagseryoso ng ekspresyon ng mukha ng kaniyang ina. “Maski si Aleister ay nagtataka sa pangyayaring ito, nagiging kampante na rin ang mga tao sa bawat nayon at  mukhang naisip nilang wala nang mga masasamang bampira s alost world. Mukhang naisip nila na ligtas na sa gabi.” Sabi naman ng kaniyang ama. Iyon din ang naisip niya kanina. Ngunit hindi sila maaaring magpadalos-dalos. “Ngunit ang alam ko ay abala ngayon ang pamilya Goodnight, mayroong hindi magandang nangyari sa kanilang pamilya. Maski kami ay hindi pinapahintulutan na puntahan sila ngayon.” Sabi ng kaniyang ina. Abala? Bakit? Ano ang nangyari? “Ito ata ay dahil isasalin na ang trono sa susunod na hari ng mga bampira. Isasalin na kay Alexander ang titulo at mukhang naghahanda na silang lahat. Hindi rin kasi dumating sa pagpupulong nitong nakaraan ang hari ng mga bampira upang pag-usapan ang tungkol sa kataka-takang pagkawala ng mga masasamang bampira dito sa lost world.” Sabi ng kaniyang ina. Kung ganoon ay isasalin na sa kapatid ni Xandro ang titulo. Siya kaya? Kamusta na siya? “Calixia.” Biglang napatingin si Sayah sa kaniyang ama nang tawagin siya nito. Napakunot ang noo niya anng makitang nakahalukipkip ang kaniyang ama habang nakatingin sa kaniya. Mukhang tama ang naisip niya kung bakit ganoon ang tingin na ibinibigay nito. “Caliver, huwag mo ngang basahin ang isip ng anak mo, gusto mo bang magalit iyan sa iyo?” sabi ni Ilina sa asawa. Napangiti siya at napailing, gawain iyon ng kaniyang ama kapag ang kanilang pinag-uusapan ay ang pamilya ng Goodnight. Nang makabalik si Bari at Uzni at nang maihain ang mga pagkain ay kumuha na rin siya ng pagkain. “Huwag po kayong mag-alala, wala akong ibang iniisip.” Sabi niya sa ama at ngumiti rito. Nakita ni Sayah na napailing ang kaniyang ina, madalas kasing pagsabihan ng kaniyang ina ang kaniyang ama na huwag na siyang pakialaman pagdating kay Xandro. Sa tuwing pag-uusapan kasi nila ang tungkol sa pamilya ng Goodnight ay binabasa ng kaniyang ama ang isipan niya upang masiguro na hindi niya iisipin si Xandro. Nguunit palaging bigo ang kaniyang ama. “Hayaan mo na ngang magkaroon ng kasintahan si Sayah, Caliver! Matanda na iyan ‘no! Saka nasa tamang edad na.” Sabi ni Lorcan sa kaibigan. Nagtawanan naman ang mga naroon maliban kay Caliver na nakasimangot. “Ayoko, ayokong ibigay ang kamay niya sa isang lalake! Walang karapat-dapatsa kaniya! palibhasa ay wala pang anak ang iba sa inyo.” Sabi ni Caliver. Narinig ni Sayah ang hagikgik ng kaniyang ina. Nang lumapit ito sa kaniya ay bumulong ito ngunit pinamulahan siya ng pisngi sa huling binanggit ng kaniyang ina. “Iyan ang madalas niyang sabihin sa akin noong ipinagbubuntis pa lamang kita. Hindi daw siya basta-basta papayag na ibigay ang kamay mo sa isang lalake. Mukhang hindi nga, lalo pa ang lalakeng nasa isip at puso mo ay isang bampira.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD