Chapter 4

1039 Words
Chapter 4 Simula nang malaman ni Sayah ang katotohanan sa kaniyang mga magulang ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan na mas lalawak pa ang kaniyang kaalaman hindi lamang sa mga maasasamang bampira kung hindi na rin pati sa larangan ng paggamit ng iba't-ibang medisina.  Magagaling na mga vampire hunters ang kaniyang mga magulang noon at marunong din ang mga ito sa iba't-ibang klase ng mga gamot. Sanay na sanay ang mga ito sa mahabang paglalakbay kaya't nang magkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang mga ito ay hindi siya nagsayang ng oras upang manghingi ng mga payo tungkol sa mga bampira at mga halamang gamot. Tinuruan siya ng kaniyang ina na tukuyin ang mga halamang nakakatulong sa panggagamot at itinuro din nito sa kaniya kung paano niya malalaman kung ang isang halaman ay nakamamatay.  Ngunit  kahit na nalaman na ni Sayah na si Caliver at Ilina ang kaniyang tunay na mga magulang at nakita na siya ng mga ito, hindi pa rin sila maaaring mamuhay ng magkasama. Ang buhay ni Caliver at Ilina ay ipinangako na nito sa hari ng mga bampira, mananatili ang mga ito sa poder ng hari ng mga bampira upang ito ay protektahan. Malawak naman ang kaisipan ni Sayah sa bagay na 'yon at sinabi niya sa kaniyang mga magulang na maraming panahon pa upang magkita sila. Hindi naman iyon ang huling pagkikita nila. Kaya't nang bumalik si Caliver at Ilina sa vampire's haven ay siyang pagbalik naman ni Sayah sa pageensayo bilang isang ganap na vampire hunter. Isa na siya sa mga lider na nagtuturo sa mga bagong estudyante ng vantress. Kasama pa rin niya si Pika at ang pamilya nito, naroon pa rin si Zico at si Xen at ang ibang mga seziros. Hindi tumitigil si Sayah sa pageensayo dahil hindi pa tuluyang napupuksa ang mga kalaban. Tandang-tanda niya ang huling pangyayari bago nawala ang bampirang may kasalanan kung bakit namatay ang kaniyang kinilalang pamilya. Hindi pa siya nakakaganti dito, hindi pa niya ito tuluyang napapaslang kaya't hindi pa siya dapat magpakampante. Hindi pa siya malakas at alam niyang hindi biro ang lakas ng bampirang may marka ng bungo sa leeg. Isa itong makapangyarihang bampira at kinakailangan niyang magensayo upang mas maging malakas at malamang ang kapangyarihan nito. "Sayah, ano ang iniisip mo?" Napalingon siya sa bagong dating. Naupo ito sa damuhan isang pulgada ang layo sa kaniya. "Ano ang ginagawa mo rito, Zico? ang alam ko ay nasa vantress ka at nagbabantay ng mga nagsasanay." Tanong niya. Tumawa naman si Zico sa sinabi niya. Mukhang alam na ni Sayah kung bakit naroon ito. Tiyak na si Xen na naman ang pinagbantay nito. Kadalasan ay umaalis ng biglaan si Zico upang magikot-ikot sa gubat at iiwan nito kay Xen ang mga tinuturuan nitong bagong mga estudyante ng vantress. "Naglalakad-lakad lang ako, hindi ko naman na andito ka na naman sa bundok. Talagang paborito mo itong pasyalan, ha?" sabi nito sa kaniya. Napangiti siya, "Oo naman, dito ako natuto kung paano maging malakas, dito ko naranasan lahat ng hirap noon bago ako matuto kay Xen. Napakalupit niyang magturo pero natuto naman ako ng maraming bagay sa kaniya." Naalala niya iyong unang beses na sinanay siya ni Xen, akala niya ay katapusan na niya noon, buong katawan niya ay sumakit noong gabi, pagkatapos ay kinabukasan maaga pa siyang babangon upang tumakbo paakyat ng bundok. Hindi biro ang layo ng vantress sa gubat at sa bundok lalo na sa lawa kaya talaga naman na matindi ang pag-eensayo niya noon para maging malakas siya ngayon.  "Balita ko ay mayroon kang misyon sa susunod na buwan? sa trivos ikalawang misyon mo bilang ganap na vampire hunter hindi ba?" sabi ni Zico. TUmango naman siya, iyong una ay hindi naman niya matatawag na unang misyon dahil pagtulong sa mga mamayan ang kaniyang ginawa. Ang misyon na nais niyang matawag ay iyong pagpatay sa mga bampira. "Sino ba ang makakasama mo? ang balita ko ay may ipapareha sa iyo upang makasama mo dahil maraming mga bampira ang nagpapagala-gala ngayon doon sa trivos." Wala pa siyang balita kung sino ang makakasama niya pero sigurado siya na hindi si Xen iyon. Mayroon din na misyon si Xen ay iyon ay sa fevus. Noon una ay akala niya si Xen ang makakasama niya pero sinabi sa kaniya ni Kizo na mayroong ibang misyon si Xen. "Ang palagi kong sinasabi sa 'yo, ha? huwag magpapadala sa emosyon at palaging pakikiramdaman ang paligid. Kapag emosyon ang pinairal iyon ang maaaring gamitin ng kalaban sa atin upang matalo tayo. Alam kong emosyonal kang tao, Sayah, nakita ko iyon sa ilang taon na tinuruan at sinanay kita, nakita ko kung paano ka rin makipaglaban at palagi kong nakikita ang pag-aalinlangan kapag isang bata o matandang bampira ang iyong kalaban." sabi ni Zico sa kaniya. Totoo ang sinabi nito, noon... natatandaan niya pa, sa isang nayon kung hindi lamang siya nailigtas ni Xandro ay baka napaslang na siya ng batang bampira. Nagpadalos-dalos siya noon at nawala sa pokus. "Oo, palagi kong iisipin, Zico. Hindi na ako iyong Sayah noon, marami akong mga bagay na natutunan lalo na sa aking mga magulang. Nariyan rin kayo at ginabayan ako, nagpapasalamat ako sa inyong mga seziro dahil hindi ninyo ako pinabayaan at hanggang ngayon ay ginagabayan ninyo pa rin ako." sabi niya. Napatingin si Sayah sa ulap, napakaaliwalas ng kalangitan at ang daming mga ibon ang lumilipad sa himapapawid. Ang mga sanga ng puno ay nagsasayawan dahil sa hangin. Nang tumayo si Zico ay tinignan niya ito. "Oh siya, babalik na ako sa vantress, ikaw, huwag kang masyadong magpaabot ng gabi dito dahil sama-sama daw tayo na maghahapunan mamaya, iyon ang sinabi ni Pika. Alam mo naman iyon, ayaw na may nahuhuli at ang gusto ay sabay-sabay ang pagkain."  Tumango siya dito at pagkatapos ay umalis na si Zico. Nang maiwan siyang muling mag-isa ay napatingin siya sa kaniyang palad. Ikinuyom niya ang kaniyang kamay at itinaas sa kalangitan. Napahiga siya sa damuhan habang nakatingin sa kaniyang kamay. "Kailangan kong magpalakas... kailangan kong maging malakas."  Naniniwala siya na wala pa siyang naaabot, wala pa siya sa kakayahan na gusto niya. Kailangan bago dumating ang susunod na buwan ay may napatunayan na siyang muli sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD