Chapter 5

1059 Words
Chapter 5 "Sayah!" Napalingon si Sayah sa tumawag sa kaniya. Nakita niya si Pika na may hawak na dalawang basket, nakangiti ito sa kaniya at mukhang nagmamadali. "Bakit, Pika?"  Palabas na sana siya ng headquarter ng vantress nang tawagin siya nito. Pupunta sana siya sa bundok para magensayong muli. "Pwede mo ba akong samahan sa palengke? marami-rami kasi ang kinakilangan, hindi naman maaari ang asawa ko dahil nagbabantay siya ng anak namin. Pero kung may importante kang gagawin ay maaaring si Xen na lang ang tawagin ko." sabi nito. Lumapit siya kay Pika at kinuha ang basket na hawak nito, halos araw-araw naman siyang nageensayo kaya't maaari siyang lumiban ngayon. Wala din naman siyang gagawin bukod sa pageensayo. "Okay lang, Pika, sige, halika na?" sabi niya at ngumiti dito. "Salamat! salamat! salamat!" sabi ni Pika. Sa dami na nang kanilang pinagdaanan ni Pika napakatibay na ng kanilang pagsasama. Naalala niya noong bata pa lang siya, ito ang madalas niyang kasama sa pagsasanay hanggang sa matuto siya ng iba't-ibang klase ng mga atake hanggang sa pagkaisahan siya ng mga studyante ng vantress at hanggang sa malagay ang buhay nito sa alanganin. Napatingin siya kay Pika habang naglalakad sila, nakangiti ito at kumakanta pa, diretso lamang ang tingin nito sa daan. Masaya na rin ang buhay ni Pika, nakatagpo ito ng mabuti at masipag na asawa at nagkaroon ng makulit na makulit na anak.  Masaya ang buhay nila sa vantress ngayon, pero alam ni Sayah na hindi hanggang dulo ganoon, tiyak na maraming nakaambang panganib na kailangan nilang paghandaan. Nang marating nila ang palengke ay napakaraming mga namimili, siksikan na naman sa daan at halos lahat ay nagaapura sa pagbili dahil sa dami ng mga tao at init ng paligid. Napansin pa ni Sayah na ang iba ay nagkakagulo sa pagkuha ng mga prutas at gulay sa isang tindero, halos hind na malaman ng tindero kung ano ang gagawin nito. Ngayon na lang ulit siya napunta ng palengke kaya't hindi siya sanay sa mga ganito nakikita. Hinawakan niya sa kamay si Pika dahil sa dami ng tao ay baka magkahiwalay pa sila. Nang tumingin sa kaniya si Pika ay ngumiti siya. "Ang daming tao, nagkakatulakan na rin baka magkahiwalay pa tayo." sabi niya. "Ahh! sige, pero nakakapanibago nga, hindi ko alam kung bakit ganito karami ang mga tao ngayon." sabi ni Pika. Nang tumigil sila sa isang tindahan ay namili na si Pika ng mga kailangan habang siya ay nagmamasid sa paligid. Natural na kay Sayah na gawin ang ganoon dahil sa mga nangyari noong mga nakaraang taon. Kahit sa tindi ng sikat ng araw at kahit sa liwanag lumalabas ang mga bampira at nagaaktong normal na tao ang mga ito. Ayaw na ni Sayah maulit ang nangyari noon sa bata sa palengke, napakarami pa sana nitong magagawas a buhay ngunit pinutol iyon ng isang bampira. Hindi dapat siya magpabaya lalo sa ganito karaming tao, kahit pa hindi na madalas ang atake ng mga bampira ay hindi pa rin sila dapat magpakampante. "Dapat ay hanggang pang susunod na buwan na ang ating bilhin!" "Oo nga! nakakatakot, baka mamaya ay may mamatay na naman, kahit sa liwanag ay hindi talaga sila tumitigil." Napalingon si Sayah sa kaniyang narinig. Sa karamihan ng mga tao ay nilapitan niya ang dalawang nag-usap sandali upang itanong kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Maaari kasing iyon ang dahilan kung bakit napakaraming tao ngayon sa palengke. "Ano po iyong pinag-uusapan ninyo? may nangyari po ba?" tanong niya. Napalingon sa kaniya ang dalawang babae, marami na ang laman ng bayong at basket ng mga ito, parang hindi papahuli sa pagbili ng mga gulay at prutas at ng iba pang mga kailangan sa bahay. Nakita ni Sayah ang takot sa mukha ng mga babae. "Naku, hindi mo ba nabalitaan? nasaan ka bang lugar? mayroong mga grupo ng lalake na nanggugulo sa bawat nayon at nabalitaan namin na susunod na ang nayon na ito, ang lahat ay nagkagulo at natakot, namili na kami ng mga kailangan upang hindi na lumabas dahil kahit sa araw ay pumapaslang daw ang mga iyon."  Nahimigan ni Sayah ang takot sa pagsasalita ng babae. Pumapatay kahit sa araw? nbampira? "Bampira ba ang tinutukoy mo, manang?" tanong niya. Umiling ang babae, "Hindi, hindi kami naging ganito katakot noon sa mga bampira, kakaiba ngayon, mas nakakatakot, mga grupo iyon ng kalalakihan na pag nakita ka ay basta ka na lang papaslangin, mga grupo iyon ng mga mamamatay tao!" Grupo ng mga mamamatay tao pero hindi bampira? at mas nakakatakot pa ang mga iyon sa bampira? "Sayah! tapos na ako rito, tara na!" sigaw ni Pika sa kaniya. Nilingon niya ito, "Sige, sandali lang!"  Nang humarap siya sa dalwang babae ay nakaalis na ang mga ito nakita niyang nag-uusap pa rin. Kailangan niyang iparating sa vantress ang tungkol sa balitang iyon. Pero hindi mga bampira, kung hindi mga tao rin? pero pumapaslang?  Kailangan niyang malaman ang tungkol doon. "Sino iyong mga kausap mo?" tanong ni Pika sa kaniya nang makalapit siya. "Hindi ko kilala, narinig ko lang ang kanilang usapan at napatanong. Narinig ko na kaya maraming tao sa palengke ngayon ay dahil sa nais nilang magimbak ng mga pagkain upang hindi na lumabas ng bahay." sabi niya. Napakunot ang noo ni Pika, "Ha? bakit naman hindi sila lalabas? may pagatake na  naman ba ng mga bampira?"  Umiling siya, "Wala, pero ang sinabi ng isang babae sa akin ay may grupo ng mga lalake ang pumapaslang at kapag nakita ka nito ay basta ka na lang nitong papatayin." Napangiwi si Pika sa kaniyang sinabi. Hindin iya iyon inaasahan, simula kasi noon na napunta siya sa vantress ay puro bampira ang dahilan ng pagpaslang sa mga tao sa nayon. Ito ang unang beses na narinig niyangg may grupo ng mga lalake ang pumapaslang. "Nakakatakot naman, Sayah." Sabi ni Pika. Tumingin siya kay Pika at magsasalita pa lang sana nang may makabunggo sa kaniya.  "Pasensiya na po-- Napahinto siya sa pagsasalita nang makita ang itsura ng  nakabunggo sa kaniya. Isa itong lalake nakasuot ito ng balabal ngunit kitang-kita ang sunog sa kalahati ng mukha nito. Sinamaan lang siya ng tingin ng lalake at umalis na ito kaagad. Hindi biro ang sugat na iyon sa kaniyang mukha. Nang maglalakad nang muli si Sayah ay nakarinig siya ng hiyawan. "Ahhh! may patay! may patay!" "Jusko po!" "Nakita ninyo ba ang may gawa?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD