Chapter 15 Xandro wanted to thank her mother because she knocked some senses on him. Ngayon lamang niya napagtanto, na oo nga... maaaring ganoon na ang naiisip at nararamdaman ni Sayah pero ito siya at ang nasa isip ay baka makaabala sa pagsasanay na ginagawa nito. "Ewan ko ba sa 'yo, Xandro, sa inyong magkakapatid ay mataas pa naman ang expectation ko sa 'yo pero pagdating sa sarili mong katipan ay ganito ang iyong iniisip! noon pa naman ay kung sino-sino ang itinatambal ko sa 'yo dahil akala ko ay nawalan ka na ng interes sa babae." sabi ni Meredith. Napatawa siya sa sinabi ng kaniyang ina. Naglakad ang kaniyang ina paakyat ng hagdanan at nang nasa ikalawang baytang na ito ay lumingon ito sa kaniya at itinuro siya. "I wanted to meet her soon, Alexandro, gumawa ka ng paraan. Alam mo

