Chapter 18 Nang bitawan ni Xandro ang kaniyang kamay ay humarap ito sa kaniya. Sila lamang dalawa ang nasa likod ng vantress at walang ibang tao na naroon. Tanging mga insekto lamang na lumilipad at mga huni ng ibon ang kaniyang naririnig. "I wasn't able to ask you this earlier because of that wizard, but how are you?" "Kamusta ka? kamusta ka sa mga nakaraang taon?" Kinakamusta ba siya talaga nito? kasi sa mga nakaraang taon na hindi niya nakita si Xandro ay madalang niyang marinig ang boses nito sa kaniyang isipan. Madalas niyang marinig ang pagpapaalala nito na palagi siyang mag-iingat sa tuwing mayroon siyang misyon. Minsan nga naiisip niya na baka halusinasyon niya lang 'yon dahil sa... dahil sa pagka-miss niya dito. Nang hindi siya sumagot at nakita niyang bumuntong hininga si

