Inaayos ko na ang parada ng motor ko bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Pinatay ko muna ang makina at inayos ang pagkakapark nito sa garahe, pero habang isinasara ko ang compartment ng motor, hindi ko mapigilang ngumiti.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko yung nangyari kanina.
Yung mga tawanan namin, yuung mga simpleng tanong niya at yung paraan ng pagtitig niya sa akin habang nagkukuwento.
At higit sa lahat...yung pakiramdam na parang ang dali-dali kong maging komportable sa kanya kahit dalawang araw pa lang kaming magkakilala.
“Annie…”
Mahina kong sambit sa sarili ko.
Napailing ako agad. “Anong nangyayari sa'kin?”
Hindi ko naman siya dapat iniisip nang ganito.
Kaibigan ko lang siya, bagong kakilala.
Wala namang espesyal.
At least...Iyon ang pilit kong pinaniniwala sa sarili ko.
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa bahay.
“I'm home!”
“Luna?” Narinig ko ang boses ni Mama mula sa kusina.
“Ma?”
Lumabas siya habang may hawak na sandok.
“Kamusta ang first day of school mo?”
“Okay naman po.”
“May bago ka bang i kwento?”
Napangiti ako. “Wala naman.”
“Sure?”
“Opo.”
Tinitigan niya ako nang ilang segundo. “Bakit parang ang saya mo?”
Natigilan ako. “Masaya lang.”
“Bakit?”
“Wala lang.”
Napangiti si Mama. “May nakilala ka bang bagong kaibigan?”
Saglit akong natahimik. “Opo.”
“Babae o lalaki?”
“Babae.”
“Anong pangalan?”
“Annie.”
“Annie?”
Tumango ako.
“Anastasia Reyes.”
“Ah.”
Ngumiti si Mama.
“Maganda ba siyang kaibigan?”
“Opo. Mabait naman.”
“Good.”
Bago pa ako makasagot, may narinig kaming yabag mula sa sala.
“Luna.” Napalingon ako.
Si Papa, si papa Dion. Nasa kamay niya ang Bible niya habang papalapit sa amin.
“Good afternoon, anak.”
“Good afternoon, Pa.”
“Kamusta ang school?”
“Okay naman po.”
“May natutunan ka ba?”
“Marami po.”
Ngumiti siya. “That's good.”
Umupo siya sa sofa at inilapag ang Bible sa tabi niya.
“Remember, anak, college is an important part of your life. Dito mo makikilala ang iba't ibang klase ng tao.”
“Opo.”
“Hindi lahat ng makikilala mo ay magiging mabuting impluwensya.”
Tumango ako. “Opo, Pa.”
“Piliin mo nang mabuti ang mga taong pagkakatiwalaan mo.”
Napatingin ako sa kanya. “Opo.”
Hindi ko alam kung bakit biglang sumagi sa isip ko si Annie.
Hindi naman siya masamang tao sa totoo lang, kabaligtaran.
Kahit ngayong araw lanag naman kami nag ka kilala, wala akong nakitang dahilan para hindi siya pagkatiwalaan.
“Anak.”
Napakurap ako. “Hm?”
“Okay ka lang?”
“Opo.”
Ngumiti siya. “Mabuti naman.”
“ATE LUNA!”
Napalingon ako sa hagdan.
Si Meguel.
Kakauwi lang niya mula sa school.
“Bakit?”
“Kamusta first day mo?”
“Okay lang naman.”
“May nakita ka bang cute?”
Napakunot-noo ako.
“Anong tanong 'yan?”
“Wala lang.”
“Mag-aral ka na lang.”
“Wala pa naman akong assignment.”
“OKay.”
“Pero Ate…”
“Ano?”
“Yung Annie ba…”
Napatingin ako sa kanya. “Paano mo alam pangalan niya?”
“Sinabi mo kanina.”
“Hindi ko sinabi.”
“Sinabi mo kay Mama.”
“Ah…”
Napakamot ako sa ulo. “Bagong kaibigan yun si Annie.”
“Friend?”
“Oo.”
“Sure?”
“Meguel apaka kulit mo, tumigil ka nga.”
Tumawa siya. “Okay, Ate. Hindi na ako magtatanong.”
Tumalikod siya at umakyat sa hagdan para pumunta sa kwarto nya
Kinagabihan, sabay-sabay kaming kumain.
Tahimik ang unang ilang minuto hanggang magsimulang magkuwento si Papa tungkol sa church.
“May church tayo sa Sunday.”
“Anong oras, Pa?” tanong ni Meguel.
“9 am nak.”
“Opo.”
“Luna, gusto kong sumama ka.”
“Sure po.”
“May youth activity pagkatapos ng service.”
“Okay po.”
Tumango si Papa. “Good.”
Habang kumakain, tahimik lang akong nakikinig.
Simple lang ang buhay namin.
Si Papa ay pastor at isang teacher sa elementary school at si Mama naman ang laging nasa bahay at nag-aalaga sa amin.
Si Meguel naman ang makulit naming bunso.
At ako...Ako yung ate na madalas pagalitan dahil nakakalimot kumain kapag maraming ginagawa.
Normal lang ang pamilya namin.
Simple lang at masaya.
At sa totoo lang, wala akong hinihinging higit pa.
At hindi ko alam na darating ang panahon na ang mga simpleng sandaling iyon ang mga bagay na gugustuhin kong balikan.
Pagkatapos kumain, bumalik ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame.
Tahimik ang buong bahay.
Kinuha ko ang cellphone ko at may nag notification.
Anastasia Reyes sent you a message.
Napabangon ako at na alalang nag tanungan kame kanina ng social media.
Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang t***k ng puso ko, na bigla din ako na na alala nya yung name ko sa f*******:.
Binuksan ko ang messages ko at nakita kung nag message sya sakin.
Annie:
“Naka-uwi ka na?”
Napangiti ako.
Luna:
“Oo. Ikaw?”
Ilang segundo lang, nag-reply siya.
Annie:
“Yes. Pagod ka?”
Luna:
“Hindi naman. Ikaw ba?”
Annie:
“Same...”
Napangiti ako, at nagpatuloy ang usapan namin.
Tungkol sa school, sa mga professor, sa mga assignments.
Hanggang sa napunta na naman kami sa random topics.
Annie:
“May tanong ako.”
Luna:
“Ano?”
Annie:
“Naniniwala ka ba sa love at first sight?”
Natigilan ako at tinitigan ko ang screen.
Hindi ko alam kung bakit parang biglang naging seryoso ang tanong niya.
Luna:
“Hindi ko alam.”
Annie:
“Why?”
Napaisip ako.
Luna:
“Siguro kasi mahirap naman magmahal ng taong kakakilala mo pa lang.”
Matagal bago siya nag-reply.
Annie:
“Maybe.”
Annie:
“Pero minsan, hindi mo naman kailangan ng matagal na panahon para maramdaman na may espesyal sa isang tao.”
Napahinto ako, hindi ko alam kung bakit parang may ibang ibig sabihin ang sinabi niya.
Luna:
“Bakit mo natanong?”
Nag-typing siya.
Tumigil.
Nag-typing ulit.
Hanggang sa lumabas ang reply niya.
Annie:
“Curious lang.”
Napangiti ako.
Luna:
“Okay.”
Hindi na ako nagtanong pa.
Pero bago kami natulog, may isa pa siyang message.
Annie:
“Good night, Luna. See you tomorrow.”
Napangiti ako habang nagta-type.
Luna:
“Good night, Annie. See you tomorrow.”
Inilapag ko ang cellphone ko sa tabi ng unan.
At bago ko ipikit ang mga mata ko, napaisip ako.
Bakit parang inaabangan ko na ang bukas?
The next morning, maaga akong nagising.
Hindi dahil sa alarm kundi dahil parang may excitement akong nararamdaman.
Mabilis akong naghanda at bumaba sa kusina.
Nandoon si Mama. “Good morning, anak.”
“Good morning, Ma.”
“Ang aga mo ngayon ah.”
“May pasok po e.” Napangiti ako.
Tinitigan niya ako nang ilang segundo.
“May nag hihintay ba sayo sa school?”
Natigilan ako. “Wala po.”
Ngumiti siya. “Okay….”
Kinuha ko ang bag ko. “Mauna na po ako.”
“Mag-ingat ka.”
“Opo.”
Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Meguel.
“Ate, hatid mo ako please?”
“Wait ayusin ko lang motor ko.”
“Yess!”
Pagkatapos kong ihatid si Meguel, dumiretso na ako sa university.
Habang nagmamaneho, hindi ko maiwasang ngumiti.
Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil may isang taong naghihintay sa akin sa school.
Pagdating ko sa school, agad kong hinanap siya.
At nakita ko siya sa may hallway na naka upo.
Nang makita niya ako, ngumiti siya.
“Good morning, Luna.”
“Good morning, Annie.”
Umupo ako sa tabi niya.
“Ang aga mo naman.”
“May morning class kase ako.”
“Ahhh.”
Tumawa siya.
“Ready ka na sa class?”
“Hindi pa.”
“Same.”
Magkatabi kaming tumawa.
At sa simpleng umagang iyon...
Hindi ko pa alam na unti-unti nang nagbabago ang buhay ko.
Hindi ko pa alam na ang simpleng friendship na nagsisimula sa isang Univesity ay magiging isang pagmamahalang handa kong ipaglaban.
At hindi ko rin alam...
Na balang araw, kapag wala na siya sa tabi ko...
Hahanap-hanapin ko ang mga ordinaryong umagang tulad nito.
Dahil may mga sandaling akala natin ay ordinaryo lang...
pero iyon pala ang mga araw na pinakamamahal nating balikan.