CHAPTER 1: The Girl I Never Expected
“ATE LUNA!”
Napapikit ako nang marinig ang sigaw mula sa labas ng kwarto ko.
“Bakit ba?!” sigaw ko pabalik habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin.
“Male-late ka na!”
Napatingin ako sa relo. 7:15 a.m.
“Hindi pa naman!”
“Eh first day mo! Baka maligaw ka!”
Napailing ako.
Kapatid ko talaga minsan masyadong praning.
“Meguel, Grade 9 ka pa lang. Huwag mo akong turuan kung paano pumunta sa school.”
Narinig ko siyang tumawa sa labas. “Malay mo mas marunong ako sa'yo!”
Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nakatayo sa hallway habang nakasuot ng school uniform niya.
“Bakit hindi ka pa umaalis?”
“Hintayin muna kita.”
“Bakit?”
“Sabayan mo ako.”
Napatingin ako sa kanya. “Eh hindi naman tayo same ng school.”
“Hatid mo ako.”
“Ayun, kaya pala…”
“Please?”
Napabuntong-hininga ako. “Fine.”
Ngumiti siya nang malaki. “Yeessss!”
“Pero bilisan mo. Baka ako talaga ang ma-late.”
Pagbaba namin sa sala, nakita namin si Mama na naghahanda ng almusal.
“Good morning, mga janakis ko.”
“Good morning, Ma,” sabay naming bati.
“Luna, first day mo ngayon. Mag-iingat ka ah.”
“Opo.”
“Meguel, ikaw naman, huwag kang malikot sa school.”
“Ma!”
Tumawa si Mama. “Grade 9 ka na. Dapat mas responsable ka na.”
“Opo…..”
Umupo ako sandali para kumain.
Tahimik akong kumakain habang si Meguel naman ay walang tigil sa pagkukuwento tungkol sa mga nangyari sa school niya noong nakaraang taon.
“Alam mo ba, Ate, may bago raw kaming teacher.”
“Hmm.”
“Ang sungit daw.”
“Hmm.”
“Baka bagsak ako.”
Napatingin ako sa kanya. “First day pa lang, iniisip mo na agad bumagsak ka?”
“Malay mo.”
“Mag-aral ka kasi.”
“Mag-aaral naman e.”
“Good.”
“Pero Ate…”
“Ano?”
“May boyfriend ka na ba?”
Napatingin ako sa kanya nang masama. “Bakit?”
“Curious lang.”
“Wala.”
“Never?”
“Never.”
“Bakit?”
“Hindi ko priority.”
“Eh kung may magkagusto sa'yo?”
“Edi okay.”
“Paano kung babae?”
Natigilan ako.
“Anong klaseng tanong 'yan?”
“Wala lang!”
Tumawa siya at ipinagpatuloy ang pagkain.
Hindi ko na pinansin, hindi ko alam na ilang oras lang ang lilipas bago ko makilala ang babaeng magpapabago sa sagot ko sa tanong na iyon.
Pagkatapos kong ihatid si Meguel sa school, dumiretso na ako sa university.
First day of college.
Bagong environment, bagong mga tao, bagong buhay.
Habang naglalakad ako papunta sa building, napatingin ako sa paligid.
Maraming estudyante, may mga nagmamadali, may mga nagkukuwentuhan, may mga magkakasamang parang matagal nang magkakaibigan.
Ako?
Mag-isa.
“Room 204…” Tinitingnan ko ang schedule na hawak ko nang biglang may isang babae na mabilis na dumaan sa harap ko.
At doon… parang biglang bumagal ang mundo.
Mahaba ang buhok niya.
Simple lang ang suot niya at may hawak siyang ilang libro habang naglalakad.
Hindi ko alam kung bakit agad siyang nakakuha ng atensyon ko.
Siguro dahil cute sya o baka dahil sa mga mata niyang parang may sariling mundo.
At nang mapatingin siya sa akin...nagtama ang mga mata namin.
Saglit.
Pero sapat na para makalimutan ko kung saan ako pupunta.
Ngumiti siya.
At ewan ko ba.
Parang may kung anong kumalabog sa dibdib ko.
Mabilis kong iniwas ang tingin ko.
“Okay ka lang?”
Napalingon ako sa isang estudyanteng nasa tabi ko.
“Oo.”
“Akala ko kasi naligaw ka.”
“Hindi naman.” Napangiti ako nang pilit.
Pero nang muli akong tumingin sa direksyon ng babae… Wala na siya.
Pagdating ko sa Room 204, halos puno na ang classroom.
Umupo ako sa bandang gitna at inilabas ang notebook ko.
Maya-maya, pumasok na ang professor namin.
“Good morning, everyone.”
“Good morning, Ma'am.”
Isa-isang tinawag ang pangalan ng mga estudyante.
Tahimik lang akong nakikinig, hanggang sa may marinig akong pamilyar na pangalan.
“Anastasia Reyes?”
“Present, Ma'am.”
Napatingin ako.
Siya, ang babae sa hallway….Anastasia.
Pero habang tinitingnan ko siya, bigla siyang napalingon sa akin.
Nagkatinginan na naman kami.
At this time… ako ang unang ngumiti.
Napangiti rin siya.
Mabilis siyang umiwas ng tingin, hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong ngumiti buong araw.
“Okay, class. Since first day natin, magkaroon muna tayo ng simple activity.”
Nagbigay ang professor namin ng instructions. “Find a partner. Make sure na hindi ninyo pa kilala ang inyong partner.”
Nagsimula nang maghanap ng kapartner ang lahat.
Tumingin ako sa paligid at wala akong kakilala.
Habang nag-iisip ako kung sino ang lalapitan ko, may isang boses na narinig ko sa tabi ko.
“Hi.”
Napatingin ako.
Siya….Anastasia.
“Pwede ba tayo na lang?”
Parang biglang natuyo ang lalamunan ko. “Ah… oo.”
Ngumiti siya. “I'm Annie.”
“Luna.”
“Luna…” Inulit niya ang pangalan ko.
Hindi ko alam kung bakit parang iba ang dating nang siya ang nagsabi noon.
“Nice to meet you.”
“Nice to meet you too.”
Umupo siya sa tabi ko at doon nagsimula ang unang totoong conversation namin.
“What course are you taking?”
Sinabi ko sa kanya ang course ko na Bachelor of Science in Accountancy
“Wow. Nice.”
“Ikaw?”
Sinabi rin niya ang course niya na Bachelor of Science in Education
“So dito lang pala tayo mag ka-klase sa isang subject” dugtong pa nya
“Hmm”
Maya-maya, napunta ang usapan sa hobbies.
“Mahilig akong magbasa,” sabi niya.
“Anong genre?”
“Romance.”
Napangiti ako. “Really?”
“Yeah.”
“Hindi ako masyadong mahilig sa romance.”
“Why?”
“Hindi ko kasi maintindihan.”
“Ang alin?”
“Love.”
Natawa siya. “Darating din 'yan.”
Napatingin ako sa kanya. “Paano mo sure?”
“Malay mo.”
“Malay mo nga.”
Natawa siya at sa simpleng pag-uusap na iyon, hindi ko namalayang ang bilis ng oras.
Pagkatapos ng klase, sabay kaming lumabas ng classroom.
“Luna.”
“Hm?”
“Uuwi ka na?”
“Oo.”
“Pwede ba tayong sabay hanggang gate?”
Tumango ako. “Sure.”
Magkatabi kaming naglakad.
Nagkuwentuhan kami tungkol sa college, sa mga professor namin at sa mga gusto naming gawin pagkatapos ng graduation.
Minsan tumatawa siya, minsan naman ako.
At kahit ilang oras pa lang kaming magkakilala, parang ang dali niyang kausap.
Pagdating sa gate, huminto siya.
“Dito na ako.”
“Ako rin.”
“See you tomorrow, Luna.”
“See you, Annie.”
Ngumiti siya bago tuluyang umalis.
Pinanood ko siyang maglakad palayo, hindi ko alam kung bakit hindi ko agad nagawang umalis.
Parang may parte sa akin na gusto pang makita siya.
Gusto ko pang makausap siya, gusto ko pang malaman ang tungkol sa kanya.
Napahawak ako sa dibdib ko. “Anong nangyayari sa'kin?”
Hindi ko alam…hindi ko alam na simpleng pagkikita lang pala iyon sa simula.
Hindi ko alam na ang babae na nakilala ko sa unang araw ng college ay magiging pinakamahalagang tao sa buhay ko.
At hindi ko rin alam… Na balang araw, darating ang panahon na hihilingin kong sana ay makabalik ako sa araw na iyon.
Para sabihin sa sarili ko… “Luna, huwag mong pakawalan ang babaeng 'yan.”
Dahil hindi lahat ng taong mahal natin ay binibigyan tayo ng pagkakataong manatili sa tabi nila.
At si Annie...ay magiging pinakamagandang alaala ng buhay ko.