bc

The Red Tulips

book_age12+
1
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
drama
another world
secrets
like
intro-logo
Blurb

Sadyang malungkot ba ang buhay ko kaya ako binigyan ng ganitong pagsubok? Pagsubok kung saan ay sa panaginip o libro lang nakikita...

Paano kung nagmahal ako ng taong sa libro lang makikita? May maniniwala kaya?

chap-preview
Free preview
ONESHOT
Tuwing magpapasko ay nakasanayan na ng pamilya namin na magsama-sama at siyempre hindi mawawala ang mga katanungan nila. Tulad na lang ngayon. "Kiezy, may boyfriend ka na ba?" tanong sa akin ni Tita. Ngumiti lang ako bago umiling-iling. "Wala po," tugon ko. Iyon ang palagi nilang tanong sa akin. Halos taon-taon ay hindi nila malilimutan na tanungin iyon. "Ano ka ba, nay? Nag-aaral pa nga iyang si Kiezy tapos pagboboypren mo na agad?" sabi naman ng pinsan kong lalaki na si Erwin. Natawa naman ako. Sanay naman na ako na siya lagi ang sumasalo sa mga tanong ng mga kamag-anak namin, lalo na ng nanay niya kapag alam niyang hindi na ako komportable. Hindi na rin naman nagsalita pa si Tita o nagtanong pa. Hanggang sa magdaan ang pasko at bagong taon ay pasukan na naman. Isa akong architect student sa isang sikat na unibersidad. At lingid sa kaalaman ng lahat ay nakakapagod ang pagiging architect student. Puyatan lagi ang abot namin at sandamakmak na kape pa. Pero... kahit na ganoon ay nagawa ko pa rin isingit ang pagbabasa ko ng mga fictional na storya, mahilig kasi ako roon. "Matulog ka na nga, Kie. Magbabasa ka na naman. Mamayang alas siyete na pasok natin, oh? Kahit dalawang oras lang ay sana matulog ka," payo sa akin ng isa sa mga roommates ko. "Ilang oras na lang naman bago pumasok kaya magbabasa na lang muna ako," sagot ko. Naiinis kasi ako sa bida ng kuwento na aking binabasa. Napakatagal mag-first move. Idagdag mo pa ang manhid na bida. Jusko! "Bahala ka riyan." Hindi nga ako natulog gaya ng sabi ko at habang naliligo ay ramdam ko na ang hilo ngunit hindi ko na lang ito pinansin. Habang papunta sa campus ay dala-dala ko ang libro at nagbabasa habang naglalakad. Nang mapahinto na naman ako dahil sa hilo. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na talaga kinaya dahil pakiramdam ko ay kumikirot ang sintido ko hanggang sa bigla na lang nandilim ang paningin ko. Nagising ako nang may bigla na lang tumapik sa akin. "Kie?" anito. "Ah?" sagot ko. "Kanina pa kita tinatapik pero tulala ka lang. Ayos ka lang ba?" tanong niya. Tumango naman ako. "Salamat," tugon ko bago umalis. Dumiretso na ako papuntang campus nang matigilan... Ngunot ang noo kong tinignan ang kapaligiran. "Nasaan ako...?" bulong ko. Nagtataka, nalito, at hindi alam ang gagawin. Halo-halo ang emosyon ko. Lahat ay hindi pamilyar sa akin. Kahit na ang street na nilalakaran ko ngayon. Sinubukan ko pang kurutin ang sarili ko ngunit hindi ito isang panaginip lang. "Kie?" Nagulat ako nang may biglang tumapik sa akin. Dahil sa gulat ay natapik ko pa ang kamay nito. Siya iyong tumapik din sa akin kanina... "Anong problema? Tila naguguluhan ka?" tanong nito. "Sino ka?" tanong ko rin sa kaniya. Tumawa naman siya na pinagtaka ko. "Hay! Sabi ko na nga ba sa iyo. Huwag kang magpapaka-stress masyado. Iyan tuloy, nakalimutan mo na naman pangalan ko," aniya. Mukha ba akong nakikipagbiruan? "Ako si Yohan. Oh! Huwag mo na kakalimutan ulit, ah." "Yohan..." bulong ko. SINUBUKAN kong humanap ng paraan kung bakit at anong nangyari sa akin ngunit walang katanungan sa aking isipan ang nasagot. Hanggang sa lumipas ang isang taon... Sa loob ng isang taon ay si Yohan ang lagi kong nakakasama. Hindi tulad ng una kong impresyon sa kaniya ay mabait naman pala siya. Lahat ng love languages ay nasa kaniya na. Words of affirmation. "Uy, huwag mo na ikumpara ang sarili mo sa ibang kababaihan diyan." "Sige, sabi mo, eh," sagot ko ng pabalang. Hinawakan niya ako sa dalawang magkabilang balikat ko at niyugyog ako. "Ang iyong ganda ay katangi-tangi, Kie. Hindi mo kailangan ikumpara ang sarili mo sa iba. Dahil kahit na sino ay mapapatingin sa iyo dahil sa ganda mo," ngiting sabi niya. Acts of service. "Kie, ilipat mo nga yang mga libro sa kabilang kuwarto," utos ni Lola. "Opo," sagot ko. Pagkakuha ko ng libro ay nagulat na lang ako nang biglang sumulpot na parang kabute si Yohan at biglang kinuha ang sampung libro na nasa kamay ko kanina lang. "Akin na 'yan," utos ko. "Ako na," aniya at inunahan pa ako sa paglalakad. Wala na akong nagawa kundi kunin ang natitirang limang libro. Receiving gifts. "Ano ito?" natatawang tanong ko sa kaniya. "Regalo. Basta! Buksan mo na lang," aniya. Excited kong binuksan ito at nagulat nang makita ang damit na gustong-gusto ko bilhin kahapon ngunit wala akong sapat na pera. "Regalo mo para sa akin?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi. Babayaran mo iyan. Puwede rin naman hulog-hulugan," seryosong sabi nito. Napasimangot naman ako. "Hindi ka naman mabiro. Siyempre, joke lang!" Mabilis ko siyang niyakap at niyakap din naman niya ako pabalik. "Maraming salamat, Yohan." Quality time. "Bakit ka nandito?" inis na tanong ko. Halos linggo-linggo ba naman kasi nandito sa bahay namin. "Hindi mo ba ako na-miss?" tanong nito. "At bakit naman? Aber?" Pagtataray ko. "Ay, sus! Bago nga ako pumasok ng kuwarto mo. Kita ko pa iyang pagnguso mo dahil akala mo hindi ako dadating, eh noh? Na-late lang ako dahil may dinaanan lang..." bulong niya. Napataas naman ako ng kilay dahil na-curious ako sa sinabi niya. "At ito nga pala... red tulips, para sa iyo," wika niya. "Hindi ko naman paborito ang pulang tulips, ah?" pagtataka ko. "Hindi naman iyon ang rason kung bakit ko iyan binili..." bulong niya. Physical touch. Nagulat na lang ako nang bigla na lang ako yakapin ni Yohan ng walang sabi. "Bakit parang ang clingy mo yata ngayon?" natatawang tanong ko. "Araw-araw naman, ah?" aniya. "Sa bagay," tugon ko. Halos araw-araw ba naman kasing nakayakap sa akin, kung hindi nakayakap, hahawakan niya lang kamay ko hanggang sa makatulog siya. Lahat na ay nasa kaniya na kaya minsan ay nagtataka ako kung bakit wala pa rin siyang girlfriend, e marami namang babaeng nagkakagusto sa kaniya. Napangiti ako nang makita si Yohan. Lalapitan ko na sana siya nang matigilan ako... Nakita ko siyang may ibang kausap na babae. Kay ganda. Kay kutis ng katawan at ng mukha. Walang-wala ako kung ikukumpara sa akin. Masaya silang nag-uusap at nagtatawanan. Mga ngiti niyang hindi ko pa nakikita ay nakikita na pala ng iba. Tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lang akong nawalan ng gana kaya pabalik na sana ako nang mapahinto dahil sa isang malakas na busina at huli na nang mapagtanto ko na nasa harap na ako ng truck. Nagising ako at bumungad sa akin ang puting kisame. "Buhay ako..." hindi makapaniwalang sabi ko. Bigla na lang lumapit sa akin ang isang tao. At nang ma-realize na si dad iyon ay hindi na tumigil ang luha ko sa kakaiyak. Lahat ay nag-aalala para sa akin. Ngunit hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may kulang sa akin na mas lalong nagpaiyak sa akin ng malala. Ilang buwan ang nakalipas... Bumalik ang lahat sa normal. Walang pinagbago bukod sa nalalapit na naman ang pasko. Pag-uwi ko sa dorm ay nagtaka ako nang makita ang libro na binabasa ng ka-roommate ko. Iyak pa siya nang iyak kaya hindi ko maiwasan na magtaka. "Bakit, besh?" tanong ko. "Happy ending, besh," naiiyak niyang tugon. Kinuha ko naman ang libro mula sa kaniya. "Iyan nga pala iyong binabasa mo noong bago ka mahimatay," aniya. "Oo nga pala... malapit na ang pasko. Anong balak mo?" tanong nito. "Wala," sagot ko. Tahimik kong binasa ang libro. Nagsimula ako ulit sa pagbabasa dahil limot ko na ang librong ito. "The Red Tulips," bulong ko. Hindi ko agad iyon natapos dahil ilang araw na busy at saktong desperas ng pasko ay pagkatapos magsalo-salo ay wala ng ginawa kaya nasa sala ako habang tahimik na nagbabasa. "May balak ka pa bang magboyprend, Kiezy?" sa pagkakataong ito ay si dad na ang nagtanong. "Wala po. At wala rin po akong balak na mag-asawa," sagot ko habang pinipigilan ang mga luha. Huling kabanata na ng libro ang binabasa ko... "Aakyat na po ako sa kuwarto ko," sagot ko at mabilis na tumakbo. Pagkarating sa kuwarto ay roon bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ngayon ko lang napagtanto at ngayon ko lang din naalala ang lahat. Ang Yohan y Dietch na bida sa kuwentong binabasa ko ay ang Yohan na nakilala ko. Iisa lang sila. "A-Akala ko panaginip lang ang lahat," pag-iyak ko. Hindi panaginip ang lahat. Ang lahat ng naranasan ko ay nakatakda nang mangyari simula pa lang. Ako'y napasok sa isang istorya... kung saan ako ay isang extra. Bakit ngayon ko lang napagtanto?! "Si Kie sa kuwento ay isang matalik niyang kaibigan at ang kaniyang first love. Namatay ito sa harap niya mismo. Nagkaroon ng malalim na trauma si Yohan, lalo na sa pagmamahal. At ang tanging nakagaling nito ay ang babaeng bida sa kuwento na si Elizabeth. Hanggang sa mamuhay silang magkasama at masaya," basa ko nang makita ang isang brief plot explanation ng author sa pinakahuling pahina ng libro. Iyak ako nang iyak. Nasasaktan ako para sa sarili ko. At para na rin sa Kie na nasa kuwento. Namatay si Kie bilang extra... Para sa akin naman, nasasaktan ako dahil minahal ko si Yohan at namatay ako bilang Kie. Minahal niya ako bilang Kie, hindi bilang ako. Nasasaktan siya para kay Kie, hindi para sa akin. Iyon ang reyalidad na tumama sa akin kaya mas lalo akong napaluha. Nagmahal ako ng isang fictional character. Nakasama ko siya pero sa huli, may nakatakda pa rin na para sa kaniya dahil hindi naman iyon ang istorya naming dalawa. Isa lamang akong nakaraan para sa kaniya na dapat limutin na. Patuloy akong umiiyak kasi nag-flashback sa isip ko ang pagbibigay niya ng red tulips sa akin na ang ibig sabihin ay tinatangi niya ako. Nasaktan ako lalo kasi nabasa ko kung paano niya rin iyon ibigay kay Elizabeth... Hindi ko ma-imagine ang ekspresyon na ginawa niya nang mabasa ko ang parte kung saan "Dumating si Yohan, na may ngiti sa labi. Dala-dala na naman ang mga pulang tulips na tiyak ay sa akin na naman niya ibibigay" ani Elizabeth. He used to do that to me too... "N-Nagmahal ako ng taong tanging sa libro lang makikita," hagulgol ko. Masaya siyang namuhay... sana ganoon din ako. - - - 3rd Person's POV: Lingid sa kaalaman ng lahat ay may huling liham si Yohan sa The Red Tulips bago siya mamatay na kung saan ay hindi nai-post ng manunulat dahil namatay ito sa isang malubhang sakit... Mahal kong Kie, Pakiramdam ko ay nalalapit na ang ating pagkikita. Pasensya na kung nagpakasal ako sa isang babae. Wala akong magawa dahil iyon ang kagustuhan ng mga magulang ko. Siguro kung buhay ka lang hanggang ngayon ay tayo ang masayang nagkasama. Wala akong araw na naging masaya simula nang mawala ka. Nais ko rin sabihin na hindi kami nagkaroon ng anak ni Elizabeth dahil alam niya rin na hinding-hindi kita kayang ipagpalit. Isang mabait at maarugang asawa si Elizabeth ngunit hindi ko siya kayang mahalin, ni hindi ko maturuan ang puso ko na mahalin ang kahit na sino bukod sa iyo. Ikaw at ikaw lagi. Ang mga red tulips na palagi kong dala-dala ay para sa iyo talaga. Lagi kong nilalagay iyon sa kuwarto mo dahil kahit papaano ay pakiramdam ko ay roon ko nakukumpleto ang sarili ko. Ang pagsasabi sa iyo na mahal kita. Una pa lang din ay alam kong hindi ikaw ang Kie na kaibigan at kababata ko. Alam kong iba kang tao, kung sino ka man. Nais ko lang na sana'y tayo'y magkita at para masabi ko sa iyo na ikaw ang minahal ko, hindi ang Kie na kababata ko. Palagi kitang pipiliin... nakakalungkot lang dahil hindi ko nalaman ang totoo mong pangalan. Pangako, hahanapin kita sa susunod nating buhay. Nagmamahal, Yohan

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook