Chapter 1.
Limang taon nang mag-asawa Sina Bright at Agnes sa limang taon na yun naging Masaya Sila . Masaya Ang pagsasama nila ngunit may kulang Hindi pa din Sila nabibiyayaan Ng anak.
Hindi naging madali sa kanila lalo na at gusto na nila magkaroon Ng anak . Madalas Wala Ang Asawa ni Agnes sa kanilang tahanan dahil lagi itong nasa trabaho Gabi na kung ito ay umuwe.
alas kwatro palang ng Umaga kung ito ay gumising marahil ay nakasanayan
na nya . nagtungo ito SA shower room at naligo pagkatapos pinatuyo ang buhok at sinuot Ang contact lens upang takpan Ang kanyang lihim na ni Minsan Hindi nya sinabi sa kanyang Asawa . marahil sa takot na baka Hindi nito siya matanggap.
mahal nya si bright na kahit sa kabila Ng kanyang totoong pagkatao ay pinili nya itong itago wag lang syang katakutan Ng Asawa . handa nyang itago ito Hanggang sa kabilang Buhay.
Isa siyang kilalang model sa isang kilalang kompanya. Doon sila nagkakilala Ng kanyang Asawa na SI Bright Aston may Ari Ng Alphabet corporation . Nagkataong kailangan nila Ng Modelo para sa isang product na ilalabas nila . At si Agnes Ang napili . Unang pagkikita pa lang Ng dalawa ay nagkagustuhan na Ang mga ito.
Niligawan ni Bright si Agnes tumagal Ang panliligaw sa loob ng 1 taon .
Nung una nagaalangan pa si Agnes na sagutin ito dahil pinangunahan ito ng kanyang takot. takot na baka hindi sya nito matanggap dahil sa Isang napakalaking sekreto . Sekreto na Hindi nya pwede Malaman .
Hindi naglaon ay naging mag-asawa Sila ngunit Ang sekreto nya at nananatiling sekreto.
*kriiiiiinnnnnnnnnggggggggg*
tawag Mula sa kanyang cellphone. binuksan Niya Ang gripo at Ang shower para di sya madinig sa labas Ng banyo kaagad Niya itong sinagot
"hello!"
"Queen ! check your email. may pinasa si Master Spade.! may bago tayong misyon andun na lahat ng details.!" wika Ng nasa kabilang linya.
"ok .!" Sabi nito Bago binaba Ang phone.
kaagad Niya itong tiningnan at binasa.
"another mission .!" usal nito sa Sarili bago lumabas Ng banyo.
pinagmasdan Ang Asawa na mahimbing na natutulog.
Saka nagbihis at lumabas Ng kwarto upang maipagluto Ang Asawa. habang naluluto ay pinagaaralan nito Ang pinasang email Ng kanilang Master.
mag aalas sais na Ng Umaga ng matapos itong magluto . kaagad nitong pinatay ang selpon Ng mabungaran Ang Asawa sa may pintuan Ng kusina.
"oh ! hon gising kana Pala.! " sabi nito at humalik sa labi ng asawa.
"oo hon Maaga Ako ngaun at madami akong naiwan na trabaho sa company.!" Sabi nito at Saka umupo sa upuan
inabutan Naman ni Agnes si Bright Ng kape at saka sabay na Kumain.
"hmm ! hon may lakad Pala Ako Mamaya ha. baka gabihin Ako .!" paalam nito sa Asawa.
"saan ka pupunta. ?" usisa nito
"ahh Jan sa station may work Ako Ngayon. kinuha akong model Ng Isa sa mga client Namin." pagsisinungaking nito.
"ahh ganun ba.! sge. hatid nalang kita .!"
"ok hon.!" mabilis na natapos Ang pagkain nila at nagbihis upang umalis na.
Naihatid ni Bright Ang Asawa sa kanilang company.
Sinalubong agad Ng mga katrabaho nya si Agnes . Nagtungo Sila sa loob ng work shop .pag pasok sa loob ay para lamang itong Isang station ng mga modelo . nagderitso Sila sa likurang bahagi nito at Saka binuksan Ang Isang pinto sa di mo aakalaing pintuan dahil puro magazines shelf Ang nanduon . Isang magazine Ang hinila Ng Kasama ni Agnes at bigla itong tumaas. pumasok sila sa loob , automatic na nagbukas Ang mga ilaw tumambad sa harapan NILA Ang napakaraming armas mga espada , baril , kutsilyo , at IBA pa. may Isang lamesa sa gitna na di mo aakalaing Isang computer Pala lumapit Sila doon at may inilagay si Agnes sa gilid nuon na isang USV may lumabas na projector sa ibabaw Ng lamesa . doon nakasulat LAHAT Ng details tungkol sa mission nila..
" Queen .! ano Ang Plano.?" tanung ng Isang babae na maganda Isa din syang Modelo sa company nila sya si Emely Aka Diamond.
"wag atat diamond . !" sarkastikong Sabi Naman ni Famela Aka Flower. Siya Ang maladyosang Modelo at asset sa company nila. dahil sa dami Ng nagkakandarapa makuha lang syang Modelo.
"tsk!" usal Naman ni Reymond Aka Jack. maskulado at gwapo Isa din syang Modelo sa company NILA.
"nasan na Sina King at heart!" tanung Ng queen nila.
"May shoot pa Ang dalawa queen.!" Sabi ni diamond
"sge antayin na natin Sila para SA Plano." Sabi nito.
Maya Maya pa ay dumating na Ang dalawa. . Saka nila pinagusapan Ang kanilang Plano .
-
-
-
-
"bro ! " bati ng kaibigan nitong kakapasok lang sa kanyang opisina. bahagya pa syang nagulat sa pagdating nito.
"oh! Anong masamang hangin Ang nagdala Sayo Dito sa opisina ko.!" biro nito sa kaibigan.
" grabe ka Naman sa masamang hangin diba pwedeng namiss lang kita bro!" sabay kilos babae na namiss Ang kanyang kasintahan
"yuck n magtigil ka nga . di bagay sau. so ano nga? bakit ka napadpad Dito.!?"
" Wala lang bro . wala magawa SA bar . Dito Muna ako mangugulo." sabay ngiti Ng nakakaluko.
"bwiset ka !" sabay bato ng papel na nilamukos.
sya si Andrew Smitt may Ari Ng Isang malaking bar sa kanilang Lugar. Bata palang Ang dalawa ay magkaibigan na magkasama sa lahat ng kalokohan. kahit na may Asawa na Sila di pa din Sila nagiiwanan.
" bro.! Kukunin kitang ninong ha.!" Sabi nito sa kaibigan
"ha bakit? ikakasal ka ulit. ! Nako Nako ! Nako! kala ko nagbago kana!" panunuya nito sa kaibigan.
"sira ulo.! Hindi ako ikakasal . bro buntis si Fatima . so gusto ko Ikaw Ang ninong.!" Masaya nitong balita.
" talaga bro? wow! congrats " sabay shake hands at yakap Ng dalawa.
"grabe magiging tatay kana.! Ako Kya kelan.!" biglang lungkot Ng expression nito.
"hay Nako galingan mo Kasi SA kama .! igiling mo Hanggang sa makabuo kayo." pang aasar nitosa kaibigan.
"sira ulo.!" bawi nito.
"sya bro una na Ako binalita ko lang Sayo . " Sabi nito at nagpaalam na sa kaibigan.
Maagang umuwe si Bright dahil maaga natapos Ang kanyang trabaho.
Wala pa Ang Asawa nito sa kanilang Bahay .
nagpadeliver nalang Siya Ng pagkain dahil di na sya makakapag luto.
matapos Kumain ay naupo at nanuod Ng tv.
*Nagbabagang Balita*
"Umataki na Naman Ang grupo Ng alakdan sa Quezon kung saan ginanap Ang meeting Ng mga sikat na negosyante . Namataan din Ang Isang grupo na nakikipaglaban sa iBang meyembro Ng alakdan. Hinahabol na Ng mga pulis Ngayon Ang nasabing grupo . patuloy pa ding iniimbistigahan Ng mga pulisya kung ano Ang motibo Ng grupo Ng alakdan. at Yan Muna sa Ngayon ako si Kristel nagbabalita."