" typo is waving "
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Agnes POV
Nagpaalam na muna ako sa mga kasamahan ko na uuna na Ako at masama talaga Ang pakiramdam ko.
" mas mabuti pa nga...! Mas kailangan mo ng pahinga Ngayon. bukas na Tayo magusap tungkol sa iba pang details! " Sabi ni spade.
Nang makarating Ako sa bahay napansin Kong walang tao.
Hindi umuwe si Bright. ? nasabi ko sa sarili
Siguro sa opisina na natulog yun.
Ilang Araw na kaming Hindi nagpapansinan. or should I say Ako lang Pala Ang umiiwas.
Alam ko may problema sya. Pero sana naman Sabihin nya sakin. Mahal ko sya kung ano man ang gumugulo sa isip nya di ba dapat sinasabi nya sakin Asawa nya ako. At masakit Sakin na nakikita syang Ganyan.
Ang dami kong nagagawa para sa ibang tao pero sa Sarili Kong asawa wala akong maitulong. Siguro dapat ko nang alamin Ang Nangyayare sa kanya. Gusto ko sana sa kanya ko malalaman Ang totoo. kaso Wala na akong choice ayaw kong hayaan na harapin nya yun mag Isa.
Kahit ano pa yung problema na yun.
Dumiritso Ako sa kwarto at naligo . Pinag masdan ko Ang Sarili ko sa harap ng salamin . Grabe ang laki ng pinagbago ko simula ng makilala ko si Bright. Binago nya Ang pagkatao ko, Binago nya Ang Buhay ko ,at higit sa lahat Ang matigas Kong puso ay natutong magmahal at makiramay sa iba.
Oo galing ako sa isang magulong Mundo .
Mundo Ng mga masasamang tao. Mundo na kahit sino ay hindi gugustuhing pasukin .
Isa akong MILDRED .! Tama isa akong Mildred . Muntik ko nang malimutan .!
Yan Ang tawag nila sa mga katulad ko na pinag experimentuhan. Tama kayo sa iniisip nyo.
Nabuhay Ako para sumunod sa utos ng taong gumawa Sakin.
Bata palang ako. Nang mawalay Ako sa totoong magulang ko. Pinatay sila sa harapan ko mismo. at lahat ng batang babae SA Lugar Namin ay kinuha at pinag experimintuhan . Yung iba hindi kinaya. iilan kami ang nakaligtas . Habang lumalaki nakikita ko kung gaano kalupit Ang Mundo na kinabibilangan ko. Hanggang sa Ako na MISMO ang gumagawa ng mga bagay na yun.
Hindi Yung Mundo na Yun Ang gusto kung tahakin. Ngunit Wala akong kakayahan para tumakas sa kanila.
May mga Device na ikinabit sa bawat Isa samin.
Oras na subukan naming tumakas makukuryente Ang buo naming katawan Hanggang SA Hindi na Namin kayanin ang sakit.
Nakailang beses din akong tumakas ngunit talagang lagi akong bigo.
Hanggang sa sumapit na Ang Ika 18 years old ko. at duon na nagumpisa Ang pinaka kinatatakutan ko.
Ang operahan Ang aking mata. Dahil sa dami na ng nilagyan nila Ng ganung Device ay Wala ni Isa Ang nabuhay.
Sobra Ang Kaba, takot na nararamdaman ko Nung Oras na Yun . Inilagay ko na sa isip ko na mamamatay na ako.!
Ngunit ..... Hindi ko aakalain na mabubuhay Ako.
Halos ilang taon Akong nabulag dahil sa device na yun. kaya Ako nakawala sa grupo na Yun . Dahil Wala na akong silbi sa kanila .
Itinapon nila Ako sa labas Ng laboratory kung saan andun lahat tinatapon Ang mga babaeng Wala ng silbi at Patay na. Nagmakaawa Ako sa kanila pero tumawa lang Sila Bago Ako tuluyang iniwan SA Lugar na Yun .
Hinahayaan nilang duon na mamatay Ang mga kagaya namin.
Mga hayop sila.
Akala tuluyan na akong mabubulag. Ngunit matapos Ang Isang araw na pagdurusa SA Lugar kung saan ako itinapon ay bumalik Ang kulay Ng Mundo . Unti unting Lumiwanag Ang paligid sa paningin ko. ! Lumuha Ako sa kagalakan Ng muli akong makakita.
Inilibot ko aking paningin at Nakita ko Ang mabahong paligid dahil sa mga nabubulok sa katawan Ng tao.
Halos masuka Ako sa aking nakikita paano ko nakayanan Ang ganitong Amoy Ng paligid.
Natanaw ko Ang laboratory kung saan kami pinag e-experimentuhan .
" Balang Araw babalikan ko kayo at LAHAT Ng taong gumawa Sakin nito. Magdudusa kayo sa kamay ko.! " mga huling salita na binitawan ko Bago Ako umalis Ng Lugar na yun. Nakarating Ako sa kakahuyan .
May Nakita akong sapa sa di kalayuan at duon ako ngtungo upang uminom at linisin Ang aking Sarili .
Sa sobrang uhaw ko halos maubos ko Ang sapa charizz. hahaha pinapatawa ko lang kayo..! masyado kayong seryoso.!
Habang umiinom Nakita ko Ang aking repliksyon sa sapa. ! at napaupo Ako sa sobrang gulat.
Teka Anong nangyare sa mata ko.?
muli akong tumingin sa sapa. Ngunit talagang nagbago Ang kulay Ng mata ko.
Naging mapusyaw na asul.
Siguro dahil ito sa device na inilagay sa mata ko.!
Nagpatuloy Ako sa paglalakad Hanggang makarating Ako sa isang tulay madami akong sasakyan na nakikita . Ngunit Wala ni Isa Ang gustong magpasakay Sakin .
Naupo Ako sa gilid habang umiiyak.
Hindi ko alam kung ano Ang gagawin ko. Wala Akong kakilala sa mundong to.! Hindi ko alam kung paano mabuhay SA Lugar na to .
Hanggang SA may Isang sasakyan na tumigil sa harapan ko.
At lumabas doon Ang Isang may edad na lalaki at babae.
Isinama NILA Ako sa Bahay nila at itinuring na anak. Dahil Wala Silang anak kaya lahat ay ibinigay nila Sakin .
Sinuportahan nila ang lahat Ng desisyon ko sa buhay . Kaya kahit paano nakayanan ko mabuhay Dito sa labas . Nang walang nag uutos saking pumatay Ng tao . At unti unti Kong nalimutan na Isa akong Mildred.
Hanggang sa isang pangyayare na Naman Ang bumago Ng Masaya Kong Mundo Kasama Ang itinuring Kong magulang. Isang pangyayare na nagpaalala Sakin na Hindi Ako pwedeng maging Masaya .
Ang grupo Ng alakdan.!
Mga hayop sila. !
Pinatay nila Ang pangalawa Kong magulang . Sinisigurado Kong hahanapin ko Sila at dudurugin. !
.
.
.
Hindi ko namalayang tumutulo na Pala Ang luha ko sa isiping iyon.
,
Simula noon namatay Ang itinuring Kong magulang ay naging matigas na ulit Ang puso ko.!
At lahat Ng taong nakita kong kasapi sa grupong alakdan ay Hindi ko pinatawad.
' I have no mercy for them.! '
pinatay ko lahat ng sagabal sa aking Plano . Lahat Ng naincounter ko na masasamang tao Hindi ko pinalagpas.
Hindi ko namalayang naging Isa na Pala akong vigilante at kinatakutan Ang pangalan Kong Queen.!
Nung napabilang Ako sa grupo Ng Cards Minsan lumalakad akong mag Isa pero madalas Kasama ko sila. Minsan naiirita Ako sa kanila pero Wala akong magagawa dahil iisa lang Ang pinaglalaban Namin. kagaya ko biktima din Ng alakdan Ang pamilya nila. Kaya Hindi ko din Sila masisisi kung gusto nilang gumati.
at nang dumating si Bright sa Buhay ko. Doon ko muling naramdamang may pamilya Ako. Lumambot Ang napakatigas Kong puso . Ramdam Yun Ng mga kasamahan ko at natutuwa Sila sa aking pagbabago. ! dahil doon mas nakilala ko Ang mga kasamahan ko. Ang ugali nila. Masaya Pala sa pakiramdam na Hindi ka nag iisa .Yung nandiyan Sila Kasi pamilya Ang turing Sayo at hindi katrabaho.
Sa kanila ko muling naramdaman Ang totoong kasiyahan . Kay Bright at sa mga kasamahan ko.!
at hinding Hindi ko na hahayaan na masira o mapahamak kahit na Isa sa aking itinuturing na PAMILYA...
Wala akong pinagsabihan Ng aking nakaraan . Maliban Kay Spade. Nung una Hindi niya alam Yung pagiging Mildred ko Hindi nya alam yun. Nalaman nalang nya nung time na sumakit Ang mga mata ko. Dahil sa nakita ko. Kahit sobrang layo nasaba ko Ng malinaw Ang mga nakasulat sa papel. Doon na sya nagtaka at kinulit Ako para ikuwento ko sa kanya kung paano ko nagawa Yun.
Kaya Wala na akong nagawa at sinabi ko sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
" madami pa kayong aabangan na kapanapanabik. haha...! "
........Almira Abarintos.........