"typo is waving "
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Agnes POV.
Nakita ko ang Galit sa mata ni Bright . Naiikom Niya Ang kanyang mga kamao at Wala imik na lumabas Ng opisina.
Sinundan Namin Siya ni Spade.
" S...sir.? " kinakabahang tanung ni Sydney
" Nasan Yung mga papeles.? " halata sa boses nito ang galit kaya kinakabahang kinuha ni Sydney iyon. kahit Ako mismo sa katayuan Niya kakabahan din Ako.!
" Ito po. ! " at inabot Niya Yung mga papel na kanina ay hawak Niya at binabasa. Yun Yung papel na Nakita Kong hawak niya. May pinapagawa Pala si Bright sa kanya..
" Tawagan mo si Roger NGAYON NA.. ! " sigaw ni Bright sa kanyang secretary.
" y.....yes Sir.! "
Kaagad niyang kinuha Ang telepono at may kinausap SA phone.
" sir papunta na daw Po.! "
Maya Maya lang ay may dumating na lalaki medyo may edad ito ng kunti SA Amin ni Bright.
Palapit pa lamang si Roger sa kinakatayuan Namin ay agad na sinugod ni Bright ito at sinuntok Ng malakas.
Mabuti na lamang at walang iBang empleyado dito sa TaaS ng building
Bali kaming Lima lamang Ang naandito.
" paano mo Nagawa Sakin to?" tanung ni Bright at kinuwelyuhan Ang lalaki
" binigay ko Sayo Ang lahat . Binigyan kita ng Matitirahan , Ng maisusuot Ng trabaho tapos ano ? ganito Yung igaganti mo Sakin ? Ang pagnakawan Ako.! " sigaw ni Bright dito.
Naalala ko nun Nung Bago palang kami ni Bright Sa kanya Niya Ako pinakilala Akala ko nga noon Kapatid niya si Roger Kasi magkamukha Sila mas matanda lang si Roger Ng kunti kay Bright . Nagkakilala Sila Nung first-year College bukod Kay Andrew si Roger Ang lagi nitong Kasama. Naging magkaibigan Sila . Mabait itong si Roger sa kwento ni Bright . Mahirap lang si Roger . Nung matapos Sila sa koleheyo namatay Naman Ang kanyang Ina .Halos Nabaon sila sa utang dahil sa sakit Ng kanyang ina .Pati Bahay nila naisangla na kaya Wala siyang matutuluyan. Ang alam ko Wala na itong ama dahil sumakabilang Bahay daw Yun Ang kwento Sakin ni Bright. Kaya naawa ito Kay Roger at binigyan Ng matutuluyan binayadan nito lahat ng utang nila Roger . Hindi naglaon Namatay Naman Ang magulang ni Bright kaya sa kanya naiwan Ang LAHAT . Ipinasok ni Bright si Roger sa kompanya Niya Bilang Isang accountant Nung siya na Ang namamahala nito. May tiwala Kasi Siya Kay Roger.
" t...Teka sir Bright Hindi ko Po kayo maintindihan.? " utal na tanung nito.
kinuha ni Bright Yung papel na hininge niya sa secretary Niya . at itinapon iyon sa mukha ni Roger
" Hindi mo alam ? iyan tingnan mo! " pinulot iyon ni Roger at binasA.
" anong koneksyon ko dito!? Hindi ko kayo maintindihan. ! " pag mamaang maangan nito.
" Roger magsisinungaling Kapa? huli kana kaya umamin kana. hayop ka. " Bago sinuntok ulit ni Bright Gusto ko sana syang awatin pero alam ko Yung nararamdaman niyang Galit.
Galit hindi dahil ninakawan siya kundi Galit Dahil trinaydor Siya .
kinuwelyuhan Niya ulit ito.
" hayop ka .. itinuring kitang Kapatid , Bago ganito gagawin mo.! sa lahat ng tao Ikaw Ang pinaka huling taong iisipin Kong tatraydurin ako. Ipinagkatiwala ko Sayo Ang posisyon mo dahil Tinuring kitang Kapatid kahit Hindi kita kadugo tapos ano.!? " sigaw pa ni bright
pero Ang ikinagulat Namin ay Nung
ngumiti si Roger.
Gumati Ng suntok si Roger at tinamaan si Bright sa kaliwang pisnge. Kaya napabitaw ito Ng pagkakakapit sa kanya.
" B...Bakit.? tinatanung mo kung bakit ko ginawa Yun? Semple lang.! " ngumisi ito
" Dahil kinukuha ko lang Yung para Sakin ! " Sigaw nito.
" Anong sinasabi mo? " takang tanung nito .
" Hay Nako Bright sa tingin mo bakit Ako nakipag kaibigan Sayo . Sa totoo lang hindi Naman ako galit Sayo Nagkataon laang na ANAK ka Ng iyong amang sinungaling.! " nagbago Ang aura nito Mula sa maamong tupa ay naging Isang mabagsik na Leon Ramdam mo sa tingin Niya Ang sakit na kanyang pinagdadaanan
" ano bang pinagsasabi mo dyan Roger.? " naguguluhang tanung ni Bright .
" sege papaliwanag ko Sayo. makinig Kang mabuti." Sabi nito habang deretso Ang tingin Kay Bright
" Once upon a time may Isang magkasintahang nagmamahalan opss Hindi Pala nagmamahalan Ang mama ko lang Ang nagmahal sa kanya naging marupok si mama eh nagpadala sa magandang salita. Naging magkasintahan Sila Ang kaso engaged na Pala Ang lalaking yun sa iBang babae nun. Hindi alam Ng mama ko na buntis na sya sakin . At Nung nalaman niya magpapakasal na ang magaling Kong ama sa iba. Hinabol Niya Ang lalaking yun nagpakatanga pero hindi na Siya binalikan kahit sinabi niyang buntis Siya parang Wala syang nadidinig pinagtabuyan nya SI mama !" tumutulo na Ang luha ni Roger habang nagkukwento.
" alam mo Yung masakit habang lumalaki Ako naghahanap Ako Ng pagmamahal Ng Isang ama .Na naiinggit Ako sa tuwing nakakakita ako ng kumpletong pamilya . Noon ngang nagkaroon Ng Father and son program sa school Wala Akong maipakilalang ama dahil don tinutukso Ako sa school . laging SI mama Ang naandyan para ipagtanggol Ako. kahit nakakadinig Ako sa mga kapitbahay Namin na pokpok SI mama kaya nabuntis na walang Asawa . Hindi Ako naniniwala sa kanila Kasi Kilala ko Ang mama ko. Itinaguyod Niya Ako kahit mag Isa Siya. Alam mo Bright Sobrang saya ko nung sinabi Sakin ni mama na isasama Niya Ako Kay papa. Yung excited na naramdaman ko nun ay Naglaho napalitan Ng Galit . Ipinakilala Ako Ng mama ko sa lalaking Yun pero ni Isang sulyap Wala syang ibinigay Sakin. Gusto ko lang Naman maramdaman na mahal din Ako Ng ama ko , na Masaya Siya Kasi may anak syang masipag. Madami akong gustong Sabihin sa kanya kaso Wala eh. Nilampasan nya lang kami na parang walang Nakita .Ng minsang Nagkasakit si mama at Wala kaming Pera pang pa hospital huminge Ako Ng tulong sa taong Yun pero alam mo Ang sinabi nya Sakin.? Wag na wag na daw ulit akong lalapit sa kanya. binigyan nya lang ako ng pera tapos umalis na Kasi nga tinawag Siya Ng pinakamamahal niyang anak. Nakita ko Ang ngiti Niya sa batang Yun nung tumakbo ito papalapit sa kanya , ngiti Ng pagmamahal Saka Niya ito binuhat. Alam mo bang pangarap ko Yun BRIGHT . sana Ako nalang Ikaw . ! sana Ako nalang Yung binubuhat Ng ama mo sa tuwing tinatawag ko Siya , sana Ako nalang. . " tumingin ito ng matalim Kay Bright
" kaya ngayon kinukuha ko lang Ang dapat Sakin bright. ! may karapatan Ako sa naiwan nya." Sabi nito kay bright
Hindi alam ni Bright ang kanyang isasagot.
Napaupo nalang Siya at sinabunutan Ang buhok .
" kung ganoon kapatid kita.! Bakit ? bakit Hindi mo sinabi.? bakit kailangan pang umabot sa ganito.? alam mo bang sanabi ko Kila mama na sana naging kapatid nalang kita. Kasi Ang Gaan Gaan ng pakiramdam ko kapag Kasama kita. Hindi ko alam na ganyan Pala kalalim Ang sugat mo sa puso na iniwan Ng ating ama. ! " lumapit si Bright kay Roger
at lumuhod ito sa kanyang harapan.
" Patawad .! patawarin mo Ako.! Hindi ko alam.! " paghingi nito ng tawad
" Yun na nga Bright! Wala Kang alam kaya naging masaya ka Kasama nya.! " sigaw nito lumayo sya ng konte Kay Bright at sinabunutan Ang sariling buhok Bago lumapit sa pader at pinagsusuntok iyon .
" AHHHH ! ! " sigaw Niya habang sinusuntok Ang pader.
Habang kami naman ay tulala pa din sa nangyayare. kahit Ako mismo sa katayuan nila Hindi ko din alam Ang gagawin ko.
" kahit ba kunti Hindi mo ako itinuring na kaibigan.? " tanung ni Bright .
tumingin ito Kay bright habang patuloy sa pagluha.
" Hindi.! Hindi kahit kailan...! " Saka ito umalis sa lugar na Yun.
Naiwan kaming Nagugulahan sa nangyayare.
Nilapitan ko si Bright at saka Niyakap.
" shhhh! ! " pagpapatahan ko sa kanya habang hinahagod Ang likod .
" Bro uuna na ako.! Agnes Ikaw na Ang bahala sa kanya.! " tumango nalang Ako Kay Spade Bago ito umalis Ng building.
.
.
.
.
.
Niyaya ko na muna si Bright na umuwe para makapag pahinga.
" hon Sabihin mo sakin Naging masama ba Ako sa kanya? " tanung sakin ni Bright
" Hindi Bright.! siguro Naguguluhan lang sya . Bigyan mo Muna Siya Ng konting Oras para makapag isip isip." Sabi ko Dito at tumango Naman Siya.
.
.
....
.
.
.
.
.
..
.
" salamat sa comment nyo at sa pagsubaybay"
.........Almira Abarintos