RAPIDO? YES,, PLEASE,,,!
WRITTEN BY; MHAYIE
CHAPTER 10
********PAGPAYAG********
Tahimik lang si Prim habang pinagmamasdan ang silid ni Atty.Sirius maganda ang pagkakadesenyo ng condo ni Atty.marami na siya napuntahan na Condo at mga bahay at masasabi niya magaganda ang mga silid pero iba ang pakiramdam niya sa Silid ni Atty.nakakaramdam siya ng kapayapaan at kaligtasan ,hindi nakakasawa kung tutuusin kahit magkulong kalang sa Room niya hindi ka maboboring maganda din pala pagiging vintage style mas nakakagaan sa pakiramdam kesa sa mga palamuti at kung ano ano mga desenyo ang makikita mo na talaga naman nakakaumay narin pero etong vintage na style para kang bumalik sa nakaraan .
Pero ng maalala niya ang sinapit kanina muli na naman siya nakaramdam ng takot,batid niya na hindi naman natuloy ang masamang balak ng kanyang Tito pero paano kung hindi dumating si Atty.malamang nagpapakasasa ang Tito niya sa katawan niya at talagang ikamamatay niya iyon kung nagkataon nakaranas siya ng panggagahasa.
Muli na naman naging masagana sa luha ang mga mata niya hindi na niya namalayan ang pagpasok ni Atty.na naaawang nakatingin sa kanya.
Nag angat si Prim ng tingin ng lumundo ang kama na inuupuan niya at bunungad sa kanya ang mukha ni Atty.na naawa sa kanya,hindi niya inaasahan ang pagkabig sa kanya ni Atty.imbis na maakward siya mas lalo pa siya napahagulgol sa matitiponong dibdib ni Atty.naramdaman niya pa ang bahagyang paghimas nito sa kanyang buhok na para bang nagpapahiwatig na ligtas na ako at wala na ako dapat pang ikabahala.
Ilan saglit pa ay tumigil na sa pag iyak si Prim kaya kumalas na ito sa pagkakayakap ni Atty.
“S..alamat Atty.Sirius!” Sabi niya pero taimtim lang nakatingin sa kanya si Atty.medyo nailang na siya kaya siya na ang kusang umiwas pero hinawakan ni Atty.ang kanyang baba kaya nagtama ang kanilang mga mata .
“Listen Sweetheart! Hindi ko na hahayaan pa na may makalapit o may makasakit sayo,kaya huwag kana umiyak hindi bagay sayo ang umiiyak!” Sa malamnos na salita ni Atty.tumango lang si Prim.
“Thank you!” Tanging sambit niya.
“Your welcome Sweetheart! Sige na magpahinga kana!” Sabi pa nito akmang aalis na ito ng hawakan niya ang kamay ni Atty.kaya napatingin ito sa kanya .
“Paano mo nalaman nalaman nasa bahay ako? Nagkataon lang ba na pumunta ka doon?” Usisa ni Prim,bumalik sa pagkakaupo si Atty.at hinaplos ang isang bahagi ng pisngi niya at tumingin sa kanya.
“Nagpunta ako sa School mo at nakita ko ang kaibigan mo at ang sabi wala ka pa,hindi ka naman daw nalalate o lumiliban ng walang pasabi sa kanya,kaya nag alala ako tinawagan ko ang secretary ng Ama mo ang sabi nito wala lahat ng maids at guard sa bahay niyo kaya lalo ako natakot at kinabahan kaya dali dali ko pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa bahay niyo at nadatnan ko ang kahayupan na binabalak ng Tito mo,kaya labis ang galit ko sa natunghayan ko Prim!” Salaysay sa kanya ni Atty.hindi niya alam pero nakaramdam siya ng saya sa puso ng malaman niya nag alala sa kanya ang Binata.
“Magpahinga kana Sweetheart mamaya nalang tayo mag usap!” Muling sabi ni Atty.
“P..pumapayag na ako Atty.!” Tanging usal ni Prim na kinakunot ng noo ni Atty.
“What do you Mean?”
“Pumapayag na ako magpakasal sayo Atty.Sirius!”
“Kung pumapayag ka dahil sa niligtas kita at pakiramdam mo may utang na loob ka sa ak—-------!?”
“No Atty.pumapayag ako dahil gusto ko hindi dahil sa may utang na loob ako sayo!” Pagputol ko.
Bumuntong hininga si Atty.at hinawakan ang kamay niya.
“Hindi naman kita pinagmamadali kaya huwag mo biglain ang sarili mo Prim!” Nalungkot siya sa sinabi ni Atty.
“Bakit Atty.nagsisi ka naba sa mga sinabi mo sa akin ? At inalok mo ako ng kasal ? nagbago naba ang pasya mo Atty.?”
“No Sweetheart,never ako nagsisi na sinabi ko iyon ayoko lang ng padalos dalos ka sa mga desisyon mo!”
“Sa katunayan nga kaya ako nalate dahil di ako nakatulog kakaisip sa Alok mo,pero napag isipan ko ng mabuti —--”.
“Paano ang Boyfriend mo? Panigurado ako tutol siya !” Napakunot ng noo si Prim bakit ngayon ay bigla ito nagkaconcern sa Boyfriend niya,pero hindi rin siya nakaimik kaya naman si Atty.na ang kusang nagpaalam na lalabas na ng silid.
Ngayon dumagdag sa kanya alalahanin ang pag uugali ni Atty.nung una inalok siya nito ng kasal kahit alam na may Boyfriend siya ngayon na pumayag siya bigla naman nito siningit ang boyfriend niya ,naguguluhan narin siya sa takbo ng isip ni Atty.Sirius.
Pinipilit niya matulog o kahit makaidlip mn lang pero hindi talaga siya dinadatnan ngayon ng antok hindi niya alam kung dahil ba sa ayaw na siya pakasalan ni Atty.o dahil sa naiinis siya dahil bigla ito nagkaroon nang pakielam sa boyfriend niya.
Mag aala siyete na pala ng gabi at hindi na niya namalayan ang oras na matagal na pala ang minalagi niya sa silid ni Atty.kaya napagpasyahan niyang lumabas ng silid.pero nabungaran niya si Atty. Na seryosong lumalagok ng beer ,hindi niya alam kung bakit naisipan nito mag inom,may problema ba ito o ano? Kaya naman para hindi madagdagan na naman ang alalahanin niya lumapit siya kay Atty.
“Atty.Sirius?” Tawag niya ng makalapit siya rito tumingin ito sa kanya at bahagya siya nagulat ng makita ang pamumula ng mukha nito dala ng kalasingan.
“Hi sweetheart!” Bati nito sa kanya.
“Kanina kapa ba nag iinom? Lasing kana Atty.!?”.tanong niya pero tumanggi lang ito pero alam niya nagsisinungaling ito dahil bakas sa mukha nito ang kalasingan.
“Halika na Atty ihahatid na kita sa silid mo!” Akmang hahawakan niya ito na mabilis siya kinabig nito kaya napaupo siya sa kandungan ng Binata,tinitigan siya ni Atty.na para bang kinakabisado ang bawat parte ng mukha niya.
“Only you are the most beautiful woman in the world I have ever seen Prim!” Biglang kumabog ang dibdib niya sa sinabi sa kanya ni Atty.at alam niya nag iinit narin ang magkabilang pisngi niya.
“Mas lalo kang gumaganda pag namumula ka!” Dagdag pa nito .
“A-tty.Sirius?” Tanging usal niya lang dahil kahit siya ay nauutal narin sa mga pinagsasabi ni Atty.napapansin niya ang ilang beses na paglunok ng laway nito .
Akmang aalis na siya sa kandungan ni Atty.ng kabigin ang batok niya at siniil ng halik ang mga labi niya.